Sa ikatatlong araw ng intrams ay magaganap ang awardings hindi magkamayaw ang mga estudyante sa kakasigaw sa tuwing natatawag ang kursong kinabibilangan nila. Tumunog ang cellphone ko bilang hudyat na may mensahe akong natanggap. Agad ko din namang binasa iyon. Galing ito kay Meg.
"Attention to all ZIONN MEMBERS! We will have our victory tomorrow it will be held at the BLUE RESORT. See you there!"
"Sino yun?" Tanong agad ni A sa akin.
"Si Meg." Tipid kong sagot.
"Anong sabi?" Tanong niya ulit.
"Magkikita kami bukas sa bule resort para sa victory party." Biglang nangningning yung mga mata ni A nang marinig yung sinabi ko.
"Pwede ba akong sumama?" Nakapout na tanong. Tumango na lang ako. Kasi kahit naman sabihin kong hindi siya pwedeng sumama ay sasama at sasama pa din ang babaeng to.
Natapos na din ang awarding at yung department namin ang nanalo sa intrams. May ibang desmiyado dahil kulilat yung department nila.
"CONGRATS K!" Nakangiting bati ni Louis sa akin. Sabay yakap. Kailan pa siya nakabalik?
"Kailan ka pa nakabalik?" Tanong ko sa kanina.
"Kanina lang. 4AM in the morning. May victory party bukas kaya di ako pwedeng mawala." Sabay akbay sa akin. "Pupunta ka ba?" Di pa din nawawala yung ngiti niya.
"Oo naman." Sagot ko. "Bakit parang ang saya mo ata ngayon Lo?" Curious kong tanong.
"Nakita na kasi kita" sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko. Bahagya kong inilayo yung mukha ko sa mukha niya. Feeling ko namumula ako.
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa sinabi niya.
"You're blushing K." Pang aasar ni Louis sa akin. Napakunot ang noo ko. At biglang hinawakan ang dalawa kong pisngi.
"No, I'm not." Nakasamangot kong sagot.
"You're blushing. I saw it" pagpupumilit niya.
"Hinid nga sabi ee. Wala kang ebidensya Lo. " napahalakhak na ako sa tawa. Kasi nga kinikiliti na niya ako.
"Stop it Lo. " awat ko sa kanya pero panay pandin ang tawa ko.
"Aminin mo na kasi K, you're blushing a while ago. "Panay pa din siya sa pagkiliti sa akin.
"Paano ko aaminin e hindi ko naman nakita" sabi ko habang tumatawa sabay atras kasi nga iniiwasan ko yung kamay ni Louis pero sa hindi sinasadya ay may nabangga akong tao.
Bigla akong napatingin sa taong nabangga ko. Magkasalubong ang dalawa niyang kilay at kunot na kunot ang kanyan noo.
"S- sorrry" mahinang sabi ko.
"Kung maglalandian kayo wag siguraduhing hindi sa gitna ng daan. Madami kayong naabalang tao" masungit nitong pagkakasabi
"Hey! Nagsorry na nga yung tao di ba?" Sabat ni Louis matapos marinig yung sinabi ni Ivan.
Bigla siyang tumawa sarcastically na para bang may dapat ikatuwa sa sinabi ni Louis sa kanya.
"Sorry is not enough" then bigla na siyang umalis. Samantalang ako ay naiwang nakatulala habang tinitingnan ang likod niyang papalayo.
"Are yoo okay K?" Ang tanong ni Louis na nagpabalik sa huwesyo ko.
"Y-yeah, I-I'm fine Lo." Utal na sagot ko.
"Gago yun! Pumapatol sa babae. Bakla ata yun." Batid ko sa boses ni Louis na galit siya.
"Hayaan mo na Lo, baka may problema lang yun." Kalmado kong sabi kay Louis.
"Yan gusto ko sayo e" sabay pisil sa mukha ko na bigla kong ikinamula.
"There! You're blushing again K!" Tuwang tuwang sabi niya na para bang naka tama siya sa lotto.
Hindi na lang ako kumibo pa at nagpatuloy na lang sa paglalakad.
"Ma, I'm home!" Sigaw ko pagkapasok ko pa lang sa bahay namin.
"Hey sweetie! How was your day?" Gusto kong bumusangot sa tanong niya. Dahil alam ko na naman sa sarili ko na hindi naging maayos yung araw ko simula nung nawala si Ivan. At mas lalong gumulo ito ng makita ko siya ulit.
"Okay lang naman Ma." Tipid kong sagot. "And by the way Ma, we will having our victory party tomorrow sa bule resorts overnight yun. Pwede ba akong pumunta?" Pagpapaalam ko sa kanya.
"Oo naman! Bakit naman hindi? And besides you are already a grown up woman. I know you can take good care of yourself" nakangiting sabi ni mama.
"Thanks Ma" sabay yakap ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Shadows of Yesterday
FanfictionIsang aksidenteng , nagpabago sa buhay niya. Paano kung naisipan na niyang kalimutan ang mga pangyayari ngunit sa kabila ng kanyang paglimot ay makita niya ang lalaking akala niyang wala na.