"She's not going with you." Tipid na sabi ni Ivan na ikinabigla ko.
"Because she's going with me." Dagdag pa niya na nagpalaglag ng panga ko. Napatawa ng sarcastic si Louis na para bang isang joke yung narinig niya na hindi nakakatuwa.
Mariin lang siyang tinitigan ni Ivan walang umimik sa kanilang dalawa. Kahit na ako ay hindi alam ang sasabihin ko.
"Bakit naman siya sasama sa'yo?" Tanong ni Louis kay Ivan.
Oo nga Ivan, bakit nga ba ako sasama sayo?
"Because I want to" di makatinging sagot niya.
Napakunot yung noo ko sa sagot niya. I can't believe him!
"Sasama ako kay Louis" tipid na sabi ko.
Kumunot ang noo ni Ivan nang marinig ang sinabi ko.
"You can't" seryosong sagot niya.
"Ano bang problema mo bro?" Tanong ni Louis kay Ivan. Sa mga oras na to ay mababakas na sa boses ni Louis an inis.
"Ikaw ang problema ko" may bahid na din ng inis yung boses niya.
Masyado na akong naguguluhan sa mga ipinapakita ni Ivan. Ano nga ba ang nangyayari sa kanya at nagkakaganito siya?
"We will have our victory party guys! I'll announce it later." Biglang sulpot ni Meg sa harap naming tatlo.
Walang nagreact sa kanilang dalawa. Kahit na ako ay hindi ko alam kung ano ang irereact ko.
Tiningnan kami ni Meg ng may pagtataka. "What happen guys?" Tanong niya.
"A-ano k-kasi... na-napag-usapan namin k-kung may victort party ba!" Utal na pagdadahilan ko.
Napangiti si Meg sa sinabi ko. "Talaga? Saan mo gusto ganapin ang party K?" Tanong pabalik ni Meg sa akin.
Panay pa din ang tingin ko dalawa na hindi nag-iimikan habang kausap ko si Meg dahil baka ano pa ang gawin nilang dalawa.
"Mas maganda kung sa beach Meg. Pwede tayong mag camp fire kapag gabi." Nakangiting sagot ko.
Napalakpak si Meg dahil sa excitement "Perfect! I like the idea K"
Hindi pa din nagkikibuan si Ivan at Louis kahit na papauwi na kami. Hindi ko din sila nakitang magkasabay na maglakad pa. Laging kasabay ni Ivan ay si Meg na panay daldal sa kanya habang siya naman ay nakangiting nakikinig Hindi ko tuloy maalis yung tingin ko sa kanya. Ang ngiting sa akin niya lang ibinibigay noon pero kay Meg na ngayon.
Napabuntong hininga ako dahil parang may nangingilid na luha sa mata ko. Ayaw kong umiyak ngayon. Kakapanalo lang namin sa contest pero hindi ako masyadong masaya. Walang kahit na anong trophy ang makakapagpasaya sa akin. Si Ivan lang ang nagbubukod tangi.
Bigla akong inakbayan ni Louis na ikinabigla ko na naging dahilan kung bakit ako napatingin sa kanya. Nagtataka ko siyang tiningnan habang nakataas amg isang kilay ko.
"He's jealous K." Pabulong na sabi ni Louis sa akin. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Sinong nagseselos?
Tiningnan ko kung saan nakatingin si Louis at doon siya nakatingin kay Ivan na nakatingin sa amin at hindi na nakangiti.
"Bakit naman siya magseselos?" Pabulong kong tanong kay Louis.
"Let's find it out." Sagot niya na may mapipilyong ngiti sa mga labi.
"What are you going to do?" Tanong ko. Kinakabahan ako sa mga ngiti ni Louis dahil ngayon ko lang siyang nakita ng ganito.
Ginulo niya mg bahagya nag buhok ko pero may biglang humawak sa kamay niyang nakahawak sa buhok ko. Pagtingin ko si Ivan. Kunot na kunot ang kanyang noo na malapit ng magkasalubong ang dalawang kilay nito.
"Don't.touch.her" maawtoridad niyang pagkakasabi. Biglang tumindig ang balahibo ko ng marinig ko ang boses niya kaya bahagya akong napalayo kay Louis ng hindi ko namamalayan.
Hinawakan bigla ni Louis ang kamay ko para ilapit sa kanya pero hinawakan din ni Ivan yung isang kamay ko. Para akong laruan na pinag-aagawan ng dalawang bata.
Lumapit si Meg sa amin na tila ba gulong-gulo sa pangayayri.
"What's going on?" Nagtatakang tanong ni Meg
"Itanong mo diyan sa BOYFRIEND MO!" Sarkastik na pagkakasabi ni Louis at pinadiinan Ang huling salita
May kirot akong naramdaman sa aking dibdib nang marinig ko yung boyfriend. So, sila na pala? "Damn K! May patulong-tulong ka pa kay Meg yun pala ay hindi mo na siya kailangang tulungan pa dahil sila na pala!" Sabi ko sa sarili.
"She's not my girlfriend" seryosong sagot ni Ivan na ikinabigla ko at ikinatahimik din ni Meg.
Hinawi ko ang dalawang kamay kong hawak-hawak nilang dalawa saka nagpasyang umalis. Masyado na akong gulong-gulo. "What are you up to, Ivan?" Sabi ko sa sarili sabay punas sa luha ko.
Gusto ko na siyang kalimutan pero bakit Ang hirap gawin?
BINABASA MO ANG
Shadows of Yesterday
FanficIsang aksidenteng , nagpabago sa buhay niya. Paano kung naisipan na niyang kalimutan ang mga pangyayari ngunit sa kabila ng kanyang paglimot ay makita niya ang lalaking akala niyang wala na.