Thirty Five

41 5 5
                                    

Malamig ang simoy ng hangin at ang ingay lang ng alon ang naririnig ko. Pagkatapos ng mga kaganapan kanina ay lumayo muna ako sa kanila. Panay pa din sila sa mga paglalaro pero walang kahit na bakas ni Ivan at Louis.

Napagpasyahan ko na lang munang maglakad lakad sa resort. Hindi ko na naisip kung saan man ako dalhin ng mga paa ko.

Naagaw ang atensyon ko sa silhouette ng dalawang taong seryosong nag-uusap. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila dahil medyo nasa kalayuan ako. Napagpasyahan kong lumapit ng kaunti.

Napakunot ang noo ko ng maaninag ko ang dalawang taong nag-uusap. Halos mabiyak ang puso ko ng makita kong hinalikan ni Ivan si Meg sa labi. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.

"Bakit ba ako nasasaktan ng ganito? Tang***** puso to!" Sabi ko nang makalayo na ako sa kinaroroonan ng dalawa.

"Bakit ba ang hirap kalimutan ka?!! Kahit na ang sakit-sakit na pero hindi ko pa ring maiwasan ang umasa na balang araw maalala mo din ako" I said between my sobs.

"I really hate myself for loving him too much! Too much that I already forgotten myself" pinunasan ko mga butil mg luha sa pisngi ko.

Huminga ako ng malalim saka sinabing "Pinapangako ko, hinding-hindi na ako iiyak dahil sayo!!!" Sigaw ko  sa maalong dagat para na akong baliw dito sa kakaiyak.

Minabuti ko na lang ang maligo kahit na medyo malakas ang alon. Lumusob ako sa dagat at nagsimula namg lumangoy.  Biglang nagflashback sa isip ko ang mga pangyayaring nakita ko kanina. The way he kiss Meg makes my heart  shattered into pieces para bang isang glass na binato ng bato at nagkapino-pino.

Patuloy pa din ako sa paglangoy ng biglang pinulikat ako. "Not now please." Sabi ko sa sarili.

"H-hel-pp" daing ko ng unti-unti na akong nalulunod. Hindi na ako makalangoy dahil sa sobrang sakit.

Ganito na lang ba ang kahihinatnan ko? Ang malunod sa dagat na ito? Pinagdadasal ko na sana ay may dumaang tao at makita ako para tulungan ako sa kalagayang kong ito.

Unti-unti nang nanlalabo ang paningin ko. Pagod na pagod na din ang katawan ko. Ang dami ko nang naiinom na tubig dagat at sa muntikang pagpikit ng aking mga mata ay may humawak sa  baywang ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Napaubo ako mg konti at bahagyang may lumabas na tubig sa aking bibig. Medyo malabo pa din ang paningin ko nang imulat ko ang aking mga mata.

"Thank God K! You're okay!" Nag-aalalang saad ni Ivan sa akin at niyakap ako.  Ramdam ko ang bilis ng paghinga niya.

"Are you out of your mind? May plano ka bang magpakamatay?" Galit na sigaw niya sa akin nang bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin

Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan amg paghikbi. "Bakit ba ako naiiyak?"

"I am sorry, Pinulikat ako." Mahina kong sabi. "Hindi ko naman ginustong malunod." Dugtong ko pa.

"Alam mong may pulikat ka tapos nagswiswimming kang mag-isa? Nababaliw ka na ba?" Si Ivan pa din. Hindi ko mabasa ang reaction niya  galit na may halong pag-aalala.

Biglang tumulo ang luha ko. Shit! Bakit ngayon pa. Ayaw kong umiyak sa harapan niya. Naalala ko na naman yung pangyayari kanina yung hinalikan niya si Meg.

Sana hindi na lang ako nasalba sa pagkakalunod ko kanina. Ngayon ko pinagsisihan na nagdasal ako sa Diyos na sana may tumulong sa akin dahil feeling ko unti-unti na din akong pinapatay dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Kaya mo bang tumayo?" Kunot noong tanong niya. I just nod.

Tatayo na sana ako nang bigla akong natumba pero imbis na sa buhangin ang tumba ako sa mga bisig ni Ivan ang bagsak ko.

"Tsk. Hindi naman pala kaya. Ayaw pang aminin."  Mahinang sabi niya pero rinig na rinig ko.

"I can handle myself" tipid na sabi ko. Tapos bigla niya akong binuhat yung pang bagong kasal. Napasigaw ako sa gulat dahil sa ginawa niya.

Nagpupumiglas ako sabag sabing " Ibaba mo nga ako!" Halos pumiyok ang boses ko nang sabihin ko yun pero parang walang siyang narinig. Patuloy pa din siya sa pagbuhat sa akin at naglakad patungo dun sa hotel na pinagtutuluyan namin.

"P-put me d-down. P-p-pls" sa mga oras na ito ay basag na ang boses ko dahil hindi ko na talaga mapigilan ang sarili kong umiyak.

Ayaw ko na kasing umasa na may nararamdaman siya sa akin, na siya yung Ivan na dating mahal ko. Dahil alam ko sa huli ako din naman ang iiyak at masasaktan.

Ibinaba niya ako at iniharap sa kanya. Inangat niya ang mukha sa paghawak ng chin ko. Napatingin ako sa mapupungay niyang mata, sa kulay brown niyang mata.

Napatingin ako sa labi niya, bahagya itong nakaawang. Ang mga labing miss na miss ko nang halikan. Unti-unti niyang nililiitan ang pagitan sa mga labi namin na naging dahilan sa pagpikit ko hanggang sa maramdaman ko na ang labi niya sa labi ko.

Shadows of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon