Thirty Nine

37 4 1
                                    

Nagmamadali kami ni A sa paghahanda dahil sa naghihintay nga si Ivan sa baba. Masyado namang nakakahiya pag pinaghintay pa namin siya.

Pagkatapos naming maghanda ni A ay agad na kaming bumaba.

"Let's go." Sabi niya nang makababa na kami halata sa boses niya ang pagkainip.

Napakamainipin talaga. Tsk!

Nagtungo na kami sa parking lot ng resort at agad siyang pumasok sa sasakyan niya. Agad din naman kaming pumasok sa likod ng sasakyan.

"What are you doing there?" Kunot noong tanong niya habang nakatingin sa salamin.  Tiningnan ko siya ng may pagtataka. Sino yung pinagsasabihan niya?

Siniko ako ni A, taas kilay kong binaling yung tingin ko sa kanya. Ninguso niya yung front seat na para bang pinapalipat niya ako  doon sa harapan.

Tumikhim si Ivan at sabay kaming napatingin ni A sa kanya. Huminga ako ng malalim saka lumabas ng sasakyan at lumipat sa frontseat. Agad niya din namang pinaandar ang sasakyan.

Tahimik lang kami sa biyahe. Hindi ko mahanap ang dila ko habang si A naman ay mahimbing ang tulog sa likod.

"Ahmmm..." panimula ko.  Ang hirap magsalita tila ba may isang malaking bukol sa lalamunan ko na nagbabara kaya hindi ki maituloy ang sasabihin ko.

Napatingin si Ivan sa akin na tila ba hinihintay yung sasabihin ko 

"S-salamat nga pala sa pagsabay sa amin." Mahinang sabi ko sa kanya. Hindi siya umimim bagkus ay ngumiti lang ito sa akin at pinagpatuloy ang pagmamaneho.

Madami akong gustong itanong sa kanya pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Mga tanong na alam kong siya lang ang makakasagot. Gaya ng " Bakit niya ako hinalikan sa resort?" "Bakit lagi siyang andiyan sa tuwing may nangyayaring masama sa akin? Tulad nung muntik na akong malunod." I sighed deeply. Kahit na gaano man ka gustong masagot ang mga tanong na iyon alam kong hindi niya din naman sasagutin.

"Are you okay?" Tanong niya. Hindi ko man lang namalayan na nakahinto na pala ang sasakyan. He stop the car.

"Masama ba pakiramdam mo?" He looks so worried.

Ngumiti ako ng mapakla. Bakit ba ganyan ang ipinapakita mo sa akin, Ivan?

"I'm o-okay." Tipid kong sagot. Tinitigan niya ako ng matagal para bang binabasa niya sa mukha ko yung naging sagot ko sa kanya.

Biglang nagring ang cellphone niya na kumuha ng atensyon niya sa akin. Lumabas muna siya bago niya ito sinagot.

"Sino kaya ang tumatawag sa kanya?" Tanog ng isip ko. "Maybe it's Meg." May kumirot sa parte ng dibdib ko sa naisip ko.

"They are match made in heaven!" Nasabi ko ng mahina habang pinipigalan ang pagbabadya ng mga luha ko.

I smile fakely ng makita ko ang sarili ko sa side mirror na namamasa na ang mga mata dahil sa luha. "Gaga ka K!" Sabi ko sa sarili ko.

"Masyado ka ng nagpapakatanga sa mga ilusyon mo. Patay na si Ivan. Walang patay na nabubuhay." Patuloy pa din ako sa pagkausap ko sa sarili ko.

Dali dalo kong pinunasan ang mata ko ng makita kong tapos nang makipag usap si Ivan sa telepono. Balisa ang mukha niya ng pumasok siya sa loob ng sasakyan at agad na pinaharurot ito.

"May nangyari ba? " gusto kong itanong sa kanya yan pero mas pinili ko na lang ang manhimik.

I decided to check my phone para itext na lang din si mama na pauwi na kami ni A.

Napakunot ang noo ko sa sobrang dami ng miscall galing kay Mama na silent ko pala yung phone ko.  Bigla akong binalot ng kaba at agad idinial ang number ni Mama. Agad niya din nama  itong sinagot.

"Hello Ma!" Sabi ko agad ng sagutin ang tawag. Nakita ko din ang saglit na pagtingin ni Ivan sa akin

"Hello, ikaw po ba ang anak ni Mrs. Seron?" Napakunot ang noo ko sa narinig ko at tiningnan kung tama ba ang number na tinatawagan ko.

"O-opo" sagot.

"You're Mom got an accident. She'is in the St. Jude hospital right now. " nabitawan ko agad yung cellphone ko pagkatapos kong marinig ang mga iyon. Nanginig ang buong katawan ko at napahagulgol sa iyak na naging dahilan kung bakit nagising si A.

"Anong nangyari K?" Nag-aalalang tanong ni A.

"S-si M-m-mama A." Yun lang ang nasabi ko.

"Anong nangyari kay Tita?" Nag aalalang tanong niya ulit

"Naaksidente siya" hagulgol ko.

Hindi ko alam pero bigla na lang kaming huminto  saka ko lang namalayan na nasa harap na pala kami ng St. Jude Hospital.

Napatingin ako ng may pagtataka kay Ivan. Paano niya nalaman?

Agad siyang lumabas sa kotse at sumunod na din ako.

Nagpunta siya diretso sa Emergency room at nagtanong.

"May pasyente po ba kayong Mrs. Seron?" Tanong niya sa isanv nurse.

"Kakatransfer lang po niya sa room niya Sir. Room 508 po.

Nagmamadali kaming pinuntahan ang kwarto ni Mama.

"Ma!" Sambit ko sabay yakap sa kanya. Nakita kong may benda siya sa braso at paa.

"Akala ko napano na kayo." Iyak ko habang nakayakap pa din sa kanya.

"Shhhh. Tahan na anak. I'm okay.  Konting gasgas lang to." Pagbibiro niyong sabi niya habang tumatawa

"Good evening po Tita."  Nawala ang tawa niya ng makita niya si Ivan na nakatayo sa may pinto.

"I-Ivan." Di makapaniwalang sabi ni Mama. Shocks! Hindi ko pala sinasabi kay Mama na may kamukha si Ivan.

Napakunot ang noo ko ng biglang nagmano si Ivan kay Mama.

"Anong ibig sabihin nito?" Biglang tanong ko.

Paano sila nagkakilala ni Mama?

Kunot noo ko silang tiningnan. Hindi ko maintindihan ang pangyayaring ito? Pinagloloko ba nila ako ni Mama? Is this a joke? Dahil kung oo, hindi siya nakakatuwa.

"I-i'm s-sorry A-anak." Utal na sabi ni Mama. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at nagdesisyon akong lisanin na muna ang hospital.

"K!!" Tawag ni mama sa akin. "Let me explain!" Sigaw niya ulit pero hindi ako nakinig at tuluyan ng umalis.

Shadows of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon