Twenty-two

21 4 1
                                    

Naiwan akong nakatulala habang nakatingin sa papalayong si Ivan. Naging palaisipan sa akin yung  sinabi niya "You're still clumsy as always" biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Paano niya nalaman yun?

Nawala ang pag-iisip ko tungkol sa sinabi niya ng maalala ko bigla yung  sulat wala na ito sa kamay ko. Yumuko ako para hanapin sa baba pero wala ito. 

"Nasaan na ba kasi yun?" Patuloy pa din ako sa paghahanap ng may dalawang pares ng sapatos ang huminto sa harapan ko.

Tumingala ako para tingnan kung sino ang may-ari ng sapatos. Napakunot ang noo ko ng si Ivan ito at hawak-hawak niya ang sulat na kanina ko pa hinahanap.

Inabot niya sa akin iyon kita ko ang pagkagusot-gusot ng sulat at bahagya na itong nakabukas.

"Binasa mo?" Galit na tanong ko. Alam kong karapatan niyan basahin iyon dahil para naman talaga sa kanya ang sulat. Hindi ko alam kung bakit ako nagagalit sa kanya.

Napakunot din ang noo niya sa tanong ko. "Hindi ba para sa akin ito?" Hindi ako nakaimik sa tanong niya. Tila ba isang exam ang tanong niya na kay hirap sagutin. I looked away 

Inabot niya ulit ang sulat sa akin. Aakma ko na sanang kukunin yung sulat pero agad niyang binawi yung kamay niyangay hawak nito. Napalaki ang mata ko sa ginawa niyang pagpunit sa sulat sa harap ko.

"Why did you do that?" Di makapaniwalang tanong ko.

"I have my reasons K." Sagot niya at nagsimula na siya maglakad paalis. Mga tatlong hakbang pa lang ang nalalakad niya ay nagsalita ulit siya "Huwag  mong gawin ang bagay na labag sa loob mo." Saka siya nawala sa paningin ko ng tuluyan.

Bagsak ang balikat ko habang papauwi ako sa bahay. Madaming tanong ang gusto kong magkaroon ng sagot. At isa na dun ang PAANO KO SASABIHIN KAY MEG ANG NANGYARI?

"Pero ang pakiusap lang naman kasi ni Meg di ba ibigay lang kay Ivan ang sulat? Naibigay ko naman. Success pa din yun!" Para akong baliw kasi kinakausap ko ang sarili ko.

Biglang tumunog cellphone ko at tiningnan ko iyo. Its A. Kumusta na kaya ang bruhang to?

"Kkkkkkkk!!!" Bungad niya agad sa akin sa telepono. Kaya nailayo ko ng bahagya ang cellphone ko sa aking tenga. Halos masira na eardrums ko sa sigaw niya.

"May balak ka bang gawin akong bingi A?" Singhal ko sa kanya.

Napatawa lang siya ng sobrang lakas na para bang hindi niya muntikang masira yung eardrums ko.

"Napatawag ka?" Tanong ko.

"Asan ka? Kanina pa ako andito sa bahay niyo. Inaamag na ako sa kakaantay sayo a!" Napataas ang kilay ko sa sagot niya.

"Ginagawa mo sa bahay namin?"

"Huwag ng madaming tanong, pwede? Umuwi ka na lang at dito na tayo.mag-usap sa bahay niyo at may bisita ka" then she ended the call.

Mabilis kong narating ang bahay namin. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa bahay ay bumungad na sa akin si A at katabi niya si Meg. So, si Meg Ang bisita ko?

Bumati at ngumiti si Meg sa akin na ginatihan ko din ng ngiti. Tiningnan ko si A. She owe me an explanation. Hindi niya sinabing andito si Meg Hindi ako nakapaghanda. Kanikanina nga lang iniisip ko Kung paano ko sasabihin Yung nangyari sa sulat niya at heto siya ngayon kaharap ko.

"Sorry kung hindi ako nagpaalam na pupunta ako sa bahay niyo K" panimula ni Meg. Habang pinaghahanda ko sila ng merienda.

"Naku! Anukaba Meg! Huwag kang mag-alala sanay na si K sa akin." Biro naman ni A na tiningnan ko ng masama na agad din namang uminom ng juice na inihanda ko.

"K, ano..." si Meg. Naghihintay ako sa pwedeng idugtong ni Meg pero wala naman.

"K" tawag niya ulit sa akin. Tiningnan ko siya. She's uneasy. Ano ba talaga ang gusto niyang sabihin?

"Ano yun Meg?" Tanong ko.

"NaibigaymonabakayIvanangsulat?" Mabilis natanong niya na kahit si A ay hindi naintindihan iyon.

"Sorry Meg pero pwede bang dahan-dahanin mo? Wala akong maintindihan e." Nahihiyang sabi ko.

Huminga siya ng malalim " Naibigay mo na ba ang sulat kay Ivan?" Pikit matang tanong niya.

Napanganga ako. Ano ang sasabihin ko? Na naibigay ko na kay Ivan pero pinunit niya lang ito?

"A... hehehe.. " yan lang ang tanging naisagot ko.

"Naibigay mo na ba K?" Tanong niya ulit.

"O-O?" Di sigurado kong sagot.

"Oo? So naibigay mo na?" Bakas sa mukha niya ang galak. Niyakap niya ako ng mahigpit. "Thank You talaga K!"

"Anong sabi niya? Di ba siya nagtanong?" Follow up question ani Meg.

Sa mga oras na ito ay gusto ko ng maglaho.Hindi ko alam ang isasagot ko kay Meg.

"Wala na siyang tanong e. Tinanggap niya lang agad" I lied.  Hindi naman niya talaga tinangaap yung sulat. Pinunit niya pa.

Biglang nalungkot Meg "Talaga?"

"Malay mo, binabasa na niya yung sulat mo ngayon"  nakangiting sabi ko habang hindi makatingin sa kanya ng diretso

Alam kong mali ang ginawa ko. Binibigyan ko siya ng false hope.

"Baka nga." At bumalik na naman ang sigla sa mukha niya.

Napabuntong hininga na lang ako. Masyado ko ng ginagawa ang mga bagay na hindi ko naman ginagawa dati. Hindi ako sanay magsinungaling. Pero ayaw ko lang din namang saktan si Meg e. Naging mabuting kaibigan siya sa akin.

Pero paano kung malaman niya na kamukha at kapangalan ng Mahal niya ang mahal ko? Magagalit kaya siya sa akin?

Shadows of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon