Thirty-seven

28 2 1
                                    

Nakatayo kaming tatlo sa loob ng elevator. Walang umimik na kahit isa. Napayuko ako tanging ang pagtingin lang sa aking mga paa ang magagawa ko ngayon.

I sighed heavily na kumuha sa atensyon nilang dalawa. Inirapan lang ako ni Meg na tila ba isang kasalanan ang pagbubuntong hininga ko.

Biglang tumunog ang elevator hudyat na nasa pangalawang palapag na kami. At sa pagbukas nito ay siya ring paglabas ni Ivan habang hawak-hawak nito ang kamay ni Meg.

Heto na naman ako, pinagmamasadan siyang paalis habang may kahawak na ibang kamay. Ang sakit lang isipin na dati rati kamay ko pa ang laging hawak mo pero ngayon iba na.

Napapunas ako sa mumunting luha na tumulo sa aking pisngi. Hindi ko na tatapusin ang victory party na ito. Uuwi na ako.

Agad akong nag-impake pagkadating ko sa kwarto ko. It is already past nine at wala akong pakialam kung wala na akong masakyan pauwi. Gusto ko lang ang umalis sa lugar na ito.

Nasa may pinto na ako ng biglang bumukas ang pinto at nasa labas nito ay si Ivan. Kumunot amg kanyang noo ng makita ang nasa kamay ko.

"Where are you going?" Taas kilay niyang tanong

"Uuwi." Tipid kong sagot.

At mas lalo pang kumunot ang kanyang noo sa sagot ko.

"You're not goig anywhere K. Gabi na. Baka mapano ka pa sa daan." Seryosong sabi niya.

"Tsk." I am really pissed on him. Gusto ko na talaga siyang sakalin pero bakit ganun kahit na galit ako sa kanya ay mahal ko pa din siya?

"Uuwi ako." Saka aakmang lalabas na pero humarang siya may pintuan.

"Ano ba?!!" Medyo basag na ang boses ko dahil naiiyak na ako.

"Will you please leave me alone?! I wanna go home.!" At sa mga oras na ito ay tumulo na ang mga luha ko.

"Ayaw ko na dito!! Ayaw na kitang makita!!! Kaya please lang Ivan, layuan mo na ako!! Dahil lalayo na din ako sayo!! And this time I am really quiting on you!!!" Mahaba kong sabi saka ko siya nilampasan. I left him dumbfounded

Nilakad ko mula sa resort hanggang sa labas ng gate nito. I sighed nang marealize ko ang layo pala ng hotel ng resort mula sa gate. Mabuti na lang at hindi masyadong madami ang dinala kong gamit para sa outing na ito.

Nasa labas na ako ng gate at naghihihtay ng masasakyan pero walang dumadaan. Kung meron man ay puro pribadong sasakyan.

"Seriously? Bakit walang dumadaang taxi dito?" I said in frustration. Ayaw ko ng bumalik doon. Mas gugustuhin ko na lang siguro ang matulog dito sa labas kesa bumalik sa loob.

I know Meg really hates me. Sa paraan pa lang ng pagtingin niya sa akin para na niya akong isinumpa.

Bigla akong nanlamig nang may dumaang tatlong lalaki. Malalaki ang katawan at halata sa paglalakad nila na sila ay lasing.

Nilampasan nila ako pero bigla silang huminto at bumalik sa kinaroroonan ko.

"You're alone miss?" Ngiting asong tanong nung medyo kulot ang buhok.

Hindo ako umimik. Naturuan din naman kasi ako ni mama na don't talk to strangers.

"Uyy! Snob pare!" Sabi naman nung lalaki na maitim pero sabog na sabog na.

"Alam mo bang ganyan ang tipo kong babae miss?" Bulong nung lalaking kulot ang buhok sa akin. Napahigpit ako ng hawak sa bagpack ko. Natatakot na ako. Ganito na lang ba ang mangyayari sa akin? Pagkatapos masaktan ay marirape ng mga panget na lalaki na to at papatayin tapos itatapon ang katawan sa ilog?

Kasalanan ko din naman e. Kung hindi ako umalis sa resort edi sana ay mahimbing akong natutulog doon at hindi ko kaharap ang mga asungot nato.

"Leave.me.alone.please." putol putol kong sabi. Natatakot talaga ako sa awra ng tatlong lalaking ito.

"Sosyal pare! Englishera!" Sabi nung medyo may kapandakan tapos natawanan silang tatlo.

How I wish na may kapangyarihan ako nang maisumpa ko itong tatlong ito ng habang buhay. Nababanas na ako sa tawa nila.

Tatalikuran ko na sana sila dahil naisipan ko na lang na bumalik sa loob kesa sa malapa ng tatlong unggoy na ito pero hinawakan ako ng mahigpit nung lalaking may kulot na buhok.

"Saan ka pupunta miss?" Bakasa sa tono niya na wala siyang gagawing tama. Nanlamig ako bigla. Shet!

"Wag ka na munang umalis. Mas mabuti pa samahan mo na muna kami" sabi nung pandak sabay hipo sa legs ko.

"Mas masarap kaming kasama." Malanding sabi nung isa. Naiiyak na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nasa loob pa naman ng bagpack ko ang cellphone ko.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero bigla na lang natumba yung lalaking kulot ang buhok. May sumuntok sa kanya.

"How. Dare. You. To. Touch.her!!!" Sigaw ni Ivan. Galit na galit siya. Kasama na din  niya si Louis na sinuntok yung pandak.

Agad din namang nagsitakbuhan yung tatlong manyakis palayo.

Bigla niya akong niyakap sabay sabing "Please do not quit on me."

Shadows of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon