Three

122 11 1
                                    

Flashback

First year college ako noon, habang naglalakad ako papuntang library para gawin yung assignment ko. Kaliwa't kanan ang dala kong libro. Sa pagmamadali ko ay hindi ko napansin ang lalaking nagalalakad na animoy hari ng daan na busy sa kakatext sa cellphone niya. Sa hindi sinasadya ay nabangga ko siya at tumilapom ang mamahalin niyang cellphone at nasira ang screen.

"What the f***!!" sabi niya na with all the accent in the universe

"pwede ba! Tumingin ka sa dinadaanan mo?" baling niya sa akin ng iniisa-isa kong pulutin yung mga libro ko sa sahig

"Hoy Mister!! Hindi ko kasalanan kung tanga ka! Ikaw yung walang dala, ikaw na sana ang umiwas pa!" bulyaw ko sa kanya.

"Ako pa ngayon ang tanga? Eh sino kaya ang mas tanga na kahit alam mong hindi mo makayang dalhin ang mga librong ito at pinipilit pa rin? Feeling mo ikaw si darna?"

"Malamang mag-aaral ako! Estudyante ako! Anong ineexpect mo? Cellphone ang bibitbitin ko?" taas kilay kong sagot sa kanya.

He sighed in disbelief at saka niya pinulot yung cellphone niyang sira at umalis na.

Gusto kong batuhin siya ng libro pero nakakawala ng poise yun, at isa pa masyado ng naeexpose ang ganda ko dahil sa eksena kanina.

Matapos kong pulutin ang lahat ng libro ko ay pumasok na ako sa loob ng library. Daig ko pa ang pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa nakabusangot kong mukha.

Agad akong naupo sa bakanteng upuan at inilapag doon ang mga librong dala. Magsisimula na sana akong magbasa ng may makita akong isang papel na lukot-lukot na.

"Hindi man lang itinapon sa basurahan." sabi ko at kinuha yung papel at itinapon sa trashcan malapit sa entrance.

Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ay may biglang tumikhim sa hrapan ko. Napa-angat ako para tingnan kung sino yun. Napakunot ang noo ko ng makita ang lalaking nakabangga ko kanina.

"Have you seen a piece of paper here?" tanong niya

"Oo" sabi ko ng maalala yung papel na itinapon ko

"Where is it?" hindi ba pwedeng magtagalog habang nagtatanong? Dumudugo yung ilong ko eh.

" I throw it already." simpleng sagot ko.

"What????" sigaw niya na naging dahilan kung bakit nabitawan ko yung hawak-hawak kong libro.

"Hindi uso ang mahinang boses sa iyo ano? Kailangan talagang sumigaw?" nangigigil na sabi ko ng makarecover ako sa pagsigaw niya.

"Sa susunod huwag mong pakiki-alaman ang hindi sa'yo." malamig na pagkakasabi niya at agad nagtungo sa may entrance

"sa susunod din huwag mong basta-basta iwan yang gamit mo! Kaya napagkakamalang basura eh!"" bulyaw ko sa kanya.

"Shhhhhhhhhhh." saway sa akin ng librian. Mukhang napalakas ata ang boses ko.

Tiningnan ko ang gawi ng lalaki kung saan busy siya sa paghahanap sa papel niya na itinapon ko. Gaano ba kasi ka importante iyon? Total isa akong mabait na tao at nakokonsensya ako kahit papaano at ako rin naman ang nagtapon nun ay tumayo na ako para tulungan siya.

"I don't need your help" sabi niya ng aakmang tutulungan ko siya. May attitude problem din ang lalaking to ha!

"Tabi!!" sabay tulak ko sa kanya kaya napunta siya sa may gilid at ako na yung naghanap sa papel. Ang dami naman kasing papel sa trashcang ito! :'(

Shadows of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon