Seryoso akong nakikinig sa Professor naming panay sa paglelecture ng Math. Halos sumabog na ang mga ugat ko sa utak dahil sa mga numerong sinusulat niya sa white board. Panay lang din ako sa pagtitake-down notes para may maireview ako mamaya sa bahay pag-uwi ko.
Nawala ang atemsyon ko sa harap at nailipat sa labas ng room kung saan dumaan ang isang familiar na pigura ng lalaki. Batid kong si Ivan yun, lalong-lalo ng nung makita ko siyang nakaside-view. Napaawang ang bibig ko. Hindi ko parin inaalis ang paningin ko sa labas hanggang sa mawala na siya.
"Miss are you listening?" tanong ng Professor namin. Siniko ako ni A dahil tulala pa rin ako.
"Is there any problem Miss?" doon lang ako napatingin ng lapitan na ako ng Professor namin sa silyang inuupuan ko.
Napalunok ako dahil sa kaba at sumagot "N-no Ma'am"
"The, are you listening?" nakataas ang isang kilay niya habang tinatanong ako.
"Y-yes M-m-ma'am" nauutal kong sagot. Sana ay patawarin ako ng Diyos sa pagsisinungaling ko sa oras na ito.
"Solve the equation in the white board." casual niyang pagkakasabi sabay abot sa akin ng white board pen. Gusto kong magmura dahil sa gulong pinasok ko. Ba't ba naman kasi ako nagsinungaling?
Tiningnan ko si A na nakatingin din sa akin. Gusto kong humingi ng tulong sa kanya ngunit batid long nangangamote din siya sa Math. Aabutin ko na sana yung whiteboard pen ng biglang magsalita si Louis.
"Ahmmm. Excuse me ma'am, pero pwede bang ako na lang ang sumagot?" Nakataas ang isang kamay niya habang nakatingin sa akin,
"Hindi ikaw ang gusto kong sumagot sa problem Mr. Gonzales, kaya you better shut up!" narinig ko pa ang pagsipol ng mga kaklase kong lalaki.
"Tutunganga ka lang ba diyan? The time is running. TIK! TAK! TIK! TAK!" baling muli ng Professor namin sa akin. Tiningnan ko yung problem sa whiteboard. Bakit sobrang complicated? Masasagot ko kaya yan? E simpleng problema ko nga nahihirapan pa ako.
Maglalakad na sana ako papunta sa harap ng biglang "ATTENTION TO ALL STAFF! WE WILL HAVE AN EMERGENCY MEETING NOW!"
"ATTENTION TO ALL STAFF! WE WIL HAVE AN EMERGENCY MEETING NOW!" gusto kong tumalon sa tuwa at magpasalamat kay Manong announcer sa pagligtas niya sa akin sa bingit ng kamatayan ngayon.
"Kita mo nga naman ang swerte!" komento ni Bel na nasa harapan ko nakaupo, sarap sabunutan ng babaeng to!
"See you tomorrow class. And prepare for a long quiz!" sabi niya habang sa akin nakatingin. Agad din namang nagsilabasan ang mga kakklase ko nang makalabas na ang Professor namin.
"Problema mo?" bungad sa akin ni A ng makalabas na kami sa classroom.
"W-wala"
"Sige! Magsinungaling ka pa! Pepektusan kita!" pagbabanta niya.
Napabuntong hininga ako bago magsalita "Nakita ko na naman siya A." malungkot kong sabi
"Sino? Iyong sinasabi mong si Ivan?" tanong niya at napatango na lang ako.
"Baka multo yun K! Hindi mo na daw kasi sya dinadalaw!" natatawang sabi niya?
"Alam mo A? Ang sarap mong kausap!" may bahid ng inis na pagkakasabi ko.
"Sorry... Seryoso na kasi." sabi niya habang pinupunasan ang mumunting butil ng luha sa mata niya. Anong akala niya sa akin nagbibiro?
"Anong club ang sasalihan mo?" tanong ni A ng hindi na ako magsalita.
BINABASA MO ANG
Shadows of Yesterday
FanfictionIsang aksidenteng , nagpabago sa buhay niya. Paano kung naisipan na niyang kalimutan ang mga pangyayari ngunit sa kabila ng kanyang paglimot ay makita niya ang lalaking akala niyang wala na.