"Why are you following me?" nakakunit ang noo niya habang nakatingin sa akin. Tinagganl na niya din yung kamay na nakatakip sa bibig ko.
"Why are you following me??" pag-uulit niya sa tanong niya ng hindi pa rin ako magsalita. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko ko. Hindi ko mahanap ang dila ko. Totoo ba to? Talaga bang kaharap ko na siya ngayon?
"I--Iv-van" utal kong sambit sa pangalan niya ng maprocess ng utak ko na totoo ang mga pangyayaring ito.
"Do I know you?" ang tanong ng nagpakirot sa puso ko. HINDI NIYA AKO KILALA? O HINDI NIYA AKO MAALALA?
"I-ivan, ako to si K!" naluluhang pagkakasabi ko. Bakit hindi niya ako kilala? Nagka-amnesia ba siya?
"Sorry miss, pero hindi kita kilala." malamig niyang sabi at binitiwan na niya ako sa pagkakahawak niya.
"Beh, ako to!!! Si K-k!," halos pumiyok na ako dahil hindi ko na napigilan pah-iyak..
"Look miss, i am really sorry. I don't really know you." nakakunot na naman yung noo niya. Ang isang palatandaan na naiinis na siya. "Kung nang gogood time ka lang Miss, tigilan mo na. Dahil hindi ka nakakatuwa." sabi niya saka niya ako tinalikuran.
"Good time?? Tingin mo iiyak ba ako ng ganito kung nang gogood time lang ako?" sigaw ko sa kanya. Bahagya siyang napahinto.
"Baka planado na rin ang pag-iyak mo" saka siya nagpatuloy sa paglalakad.
Hinawakan ko yung kamay niya ng mahabol ko siya "Talaga bang hindi mo na ako maalala?" nagsusumamong tanong ko.
Tiningnan niya ako ng ilang segundo "Paano kita maaalala kung hindi kita kilala?" nabitawan ko agad yung kamay niya matapos niyang sabihin iyon. Halos gumujo yung mundo ko dahil sa sinabi niya. Sobrang sakit! Bakit parang ang bilis niyang kalimutan ako?
Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko ngayon. Sobrang sakit ng puso ko na animoy tinadtad ng pinung-pino. Daig ko pa ang batang inagawan ng kendi! Mabuti lang sana kung kendi lang! Shittt!! Puso ata yung kinuha eh!
Hawak-hawak ko yung dibdib ko habang tinitingnan siyang papalayo sa akin. Akala ko ba, hinding-hindi mo ako sasaktan? Bakit ngayon ay unti-unti mo akong pinapatay??
Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko habang naglalakad pauwi! Daig ko pa ang baliw sa oras na ito! Napatawa ako sarcastically ng maalala ang sinabi niya "Paano kita maalala kung hindi kita kilala?" napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang paghikbi. "Lecheng pag-ibig to oh!" sabi ko sabay punas ng luha ko gamit ang likod ng palad ko.
Tuluyan na akong naupo sa daan ng biglang umulan ng malakas. "pag minamalas ka nga naman Oh! Broken hearted na nga ako! Basang sisiw pa! " i said between my sobs.
Yinakap ko ang mga tuhod ko habang nagpapa-ulan. Mas gugustuhin ko pa ang magkasakit kesa maramdaman ang sakit sa puso ko ngayon.
"Ang galing din ng timing ano? Kung kelan handa na akong tanggapin iyong pagkawala mo! Saka ka magpapakita?? Ano to gaguhan??" tanong ko kahit wala naman akong kausap.
Napaangat ako ng tingin ng maramdaman kong parang tumila na ang ulan. Napakunot ang noo ko ng makita ko si Ivan na nakatayo sa harp ko na may hawak-hawak na payong para masilungan ako.
"Tumayo ka diyan. Nauulanan ka. Baka magkasakit ka kargo dekonsensya ko pa." sabi niya ng hindi nakatingin sa akin. I smiled sarcastically dahil sa mga pinagsasabi niya.
Tumayo ako sa pagkakaupo at umalis sa pagkakasilong sa payong niya. Bigla niya namang hinawakan ang braso ko para pigilan ako at pilit na isinisilong sa payong niya.
Patuloy pa rin ako sa pagpupumiglas sa pagkakahawak niya."Pwede ba huwag kang malikot! " sabi niya. Tiningnan ko siya ng masama.
"Aanhin ko iyang payong mo kung basa na ako? Hindi na maiaalis ng payong mo na basa na ako!! Kaya pwede ba! Tigilan mo itong dramang to! Hindi mo ako kilala di ba? So, huwag mo aking paki-alaman!!" saka ko hinigit ng sobrang lakas ang kamay ko at umalis na umiiyak pa rin.
Wala ako sa sarili ng makarating ako sa bahay nila Ivan. Kusa na lang akong dinala ng mga paako dito. Gusto ko ng may makakausap ngayon! Gusto kong tawagan si A, pero baka ano pa ang lumabas sa bunganga nun. And maybe sa mga oras na ito si Tita Sarah (ang mommy ni Ivan) ang makasagot sa mga tanong ko.
"Ikaw talagang bata ka! Bakit ka nagpaulan?" nag-aalalang sabi ni Tita ng buksan niya ang gate at nakita akong basang-basa.
"Nakalimutan ko kasing magdala ng payong Tita." matipid ang ngiting iginawad ko sa kanya.
Agad niya din naman akong binigyan ng tuwalya ng makapasok na kami sa loob ng bahay niya.
"Sa kwarto ko na lang ikaw magshower K. Tapos isuot mo ito." sabi niya sabay abot ng damit niya. I think damit to ng nakakabatang kapatid ni Ivan.
papasok na sana ako sa loob ngmkwarto ni Tita Sarah ng makita ko ang pintuan sa kwarto ni Ivan. Muli ko na namang naalala yung kanina. Sa tuwing naiisip ko yun kumikirot iyonh puso ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang pahikbi.
"Mula ng mawala si Ivan ay hindi na nabubuksan ang kwartong yan." agad kong pinahid yung luha ko. At napatingin kay Tita ng bigla siyang magsalita. Ngumiti siya ng mapakla halatang hindi niya pa rin tanggap ang pagkawala ng anak.
"Gusto mong pumasok sa loob?" tanong niya sa akin at agad din naman akong tumango.
Pumasok kami sa loob ng kwarto ni Ivan. Wala pa ring pinagbago! Nakalagay pa rin sa study table niya yung picture naming dalawa, katabi nito ang isang maliit na teddy bear na pinangalanan naming bochog. Gusto kong umiyak dahil sa pangungulila sa kanya. Miss na miss ko na siya.
Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako sa sala. Nakita kong naghahanda ng ng hapunan si Tita. Maggagabi na pala.
"Kumain ka muna bago umuwi." nakangiting sabi jiya. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi ngumiti . Magkamukha si Tita Sarah at si Ivan. Pati hugis ng mukha nito ay namana ni Ivan kay Tita.
"Kung andito lang siguro si Ivan, sigurado akong matutuwa iyon. " sabi niya.
Bigla ko tuloy naalala yung lalaking nakita ko kanina.
"ahhh. Tita.." panimula ko. Tiningnan niya ako na parng hinihintay ang sasabihin ko.
"May kakambal po ba si Ivan?" agad nangunot ang kanyang noo sa tanong ko.
"Kasi po lately.. May nakikita po akong kamukha niya." hindi pa rin siya kumikibo.
"I tried to approach him pero hindi niya ako kilala." dugtong ko. "So bigla kong naisip na baka kakambal niya po iyon." pinunasan ni Tita yung labi niga saka nagsalita " saan mo siya nakita?"
"Malapit po sa MU." sagot ko.
"Walang kakambal si Ivan K. Nag-iisa lang siya ng isilang ko siya. Maraming tao ang magkakamukha K. Matagal ng wala ang anak ko. Baka magkamukha lang talaga sila." mahinahong sagot niya.
Gusto kong sumagot sa sinabi niya pero mas pinili ko na lang ang manahimik. Dahil sa sinabi ni Tita mas lalong lumakas ang loob ko na si Ivan iyan. Kailangan kong makahanap ng ebidensya.
BINABASA MO ANG
Shadows of Yesterday
FanficIsang aksidenteng , nagpabago sa buhay niya. Paano kung naisipan na niyang kalimutan ang mga pangyayari ngunit sa kabila ng kanyang paglimot ay makita niya ang lalaking akala niyang wala na.