Thirty two

25 4 3
                                        

Naghahanda ako ng gamit na dadalhin ko bukas.    Parang nagdadalawang isip na tuloy akong pumunta. Nahiga ako sa kama ko at napatitig sa kisame. "Mag-eenjoy kaya ako bukas?" Mahinang tanong ko sa sarili. Hanggang sa unti-unti na akong nakatulog ng hindi ko namamalayan.

Nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa isang malakas na katok mula sa labas ng kwarto ko.

"Hoy K! Gumising ka na diyan! Halos mamuti na yung mata ko kakahintay sayo!" Sigaw nung nasa labas. Kahit hindi ko buksan ay alam ko kung kaninong boses.yun.

Tumayo ako sa kama at agad nagtungo sa may pinto at pinagbuksan si A.

"Omg! What happened?" Oa na tanong niya. Sabog-sabog kasi yung buhok ko. Hindi na akong nag-abalang magsuklay pa.

"A, pwede bang hindi na lang tayo pumunta?" Nakapikit na tanong ko. Inaantok pa kasi ako.

"Hindi pwede K. Andun na si Louis sa baba naghihintay sayo." Kinikilig na sabi niya.

Agad kong minulat ang mata ko ng marinig yun "Ano?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Haba ng hair mo! May isang Louis Ray na naghihintay sayo." Sabay hila ng buhok ko. Kaya mas lalo akong nagising.

Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at agad na akong nagtungo sa cr para magbihis. Nakakahiya naman masyado kay Lo kapag pinaghintay ko pa siya ng matagal.

Pagkababa na pagkababa ko sa may hagdanan ay bumungad agad sa akin si Louis na nakaupo sa may sofa. Napatingin siya sa dako ko at biglang napatayo.

"Tayo na?" Aya ko sa kanya ng nakalapit na ako sa kanya. He just smiled na tila ba may nasabi akong maganda. I look at him and raised my eyebrows. Di ko talaga siya magets

Sumabay na kami ni A kay Louis para makatipid na din ng pamasahe. Ang layo kaya ng blue resorts. "Bakit pa kasi dun naisipang mag victory party? Ang layo pa naman?" Naibulalas ko out of the blue.

Natawa na lang si Louis dahip bigla kong tinakpan ang bibig ko na tila ba may nasabi akong masama.

"Bakit ba K? Ang ganda kaya ng blue resort. " sabat naman ni A.

"Maganda nga. Malayo naman." Kunot noo kong sagot.

Nabigla na lang ako ng biglang humalaklak si Louis. May nasabi ba akong joke? I give  a confused look.

"Sorry" sabi niya habang natatawa pa din. "Pag-aari kasi nila Meg yung resort kaya nagrepresenta siyang ilibre na ang grupo dun." Dagdag pa ni Louis.

"Bongga din pala yung mestisang yun!" Sabat ulit ni A. Binato ko nga ng empty bottled water na hawak ko.

"Aray! Bruhang to!" Nakabusangot na sabi niya ng tamaan siya.

Tahimik lang ako sa biyahe. Si A ang masyadong madaldal. Panay tanong niya kay Louis ng kung anu-ano. Di ba to nahihiya?

Mga dalawang oras din ang biyahe namin. Eksaktong 10am kaming nakarating sa resort.

Nakita ko agad si Meg pagkababa ko ng sasakyan  na busyng-busy sa reception area habang kinakausap yung mga nagtratrabaho sa resort nila.

"Good morning Gorgeous!" Bati agad ni Louis sa kanya ng makalapit na kami sa kanya.

"Hi Lo!" Nakangiting bati ni Meg kay Louis. Nawala yung ngiti niya ng tingnan niya ako.

"Hanapin niyo na lang ang pangalan niyo andun na din ang room niyo." Instruct ni Meg sa amin.

"Uhm.Ma'am, excuse me po. Meron pong isang miyembro na wala po ang pangalan niya sa lista." Napakunot ang noo ni Meg ng marinig yun.

Bigal kong naalala si A. Hindi pala ako nakapagpaalam kay Meg or Louis na dadalhin ko si A.

"Edi bigyan niyo ng room at ilagay sa list." Simpleng sagot naman ni Meg at nagmamadaling umalis.

"Buti at hindi ako pinauwi. Heheh" bulong ni A sa akin.

"Buti talaga." Sagot ko sa kanya.

Dinala na namkn yung gamit namin sa room. Room 406 ako at 504 si A.

"Ano ba yan? Bakit hindi magkatabi room natin?" Pagmamaktol ni A sa elevator.

"Pasalamat ka na lang A at may room ka kamo" natatawa kong sabi.

Nakarating na ako sa 4th floor at agad hinanap ang room na 406. Nang mahanap ko na ay agad kong hinawakan ang door knob. Nagtaka ako dahil hindi ko pa naswaswipe yung card ay bukas na ang pinto.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Ang ganda ng kwarto. Sobrang nakakarelax. Nilagay ko na muna ang mga gamit ko sa tabi ng kama ko at nahiga na muna. Hindi ko alam pero feeling ko pagod na  pagod ako. Pinikit ko na muna ang mga mata ko para marelax. Napakunot ang noo ko ng may marinig akong nagbukas ng pinto sa kay cr. May kasama ba ako sa kwartong to? Sa pagkakaalam ko wala akong kasama.

Unti-unti kong minulat ang akong mga mata at bumungad sa akin ang likod ng isang lalaki na nakatapis ng tuwalya sa may bandang baba.

Agad akong nabapangon sa kamang kinahihigaan ko at napasigaw.

"What the fuck!" Gulat na sabi niya at napaharap sa gawi ko.

Agad akong namula at ipinagdasal na sana ay lamunin na ako ng kam at wag ng iluwa pa.

"A-anong g-ginagawa mo dito?" Nauutal na tanong ko kay Ivan. Habang nakatalukbong ng kumot

Napakunot ang noo niya. "What? Ako dapat ang magtanong sayo niyan?" This is my room." Naningkit ang kanyang mga matang habang nakatingin sa akin.

Lumabas ako sa  kumot at tiningnan siya. "No! This room is mine! So if you don't mind tsuuppe!" Pagpapalayas ko sa kanya.

Natawa siya sa ginawa ko. Lumapit siya sa akin. Juskoo po. Nakakasilaw po ang abs niya.

"Gusto mo atang may mangyari sa atin e" bulong niya sa akin ng makalapit siya. Agad na nag init ang mukha ko at namula.

Tinulak ko siya palayo sa akin. "Pwede ba umalis ka na." Di ko siya matingnan ng maayos.

He smirked. May kinuha siya sa table at binigay sa akin. Yun yung card ng room niya. Agad nanlaki ang mata ko at dali-daling nagpunta sa pinto pero nang pagkabukas ko ng pinto ay nasa labas na si Meg.

Shadows of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon