SHADOWS OF YESTERDAY
"Hindi mo kasalanan ang lahat Krian. Huwag mong sisihin ang sarili mo." ang mga salitang mas lalong nagpa-iyak sa akin matapos ang aksidente.
Hindi man lang ako sinisi ng pamilya niya. Mas lalo ko lang nararamdaman na kasalanan ko ang lahat!
Kung hindi lang sana ako nagpumilit na sumama sa kanya.
Kung hindi lang sana niya ako hinatid pauwi.
Kung sana hindi ako pumayag sa gusto niyang isuot yung helmet niya.
SANA...
SANA MASAYA KAMI NGAYON.
Isang taon na ang nakalipas pero bakit parang kahapon lang nangyari ang lahat.
Isang taon na pero sariwa parin sa akin ang mga pangyayari noong August 5, 2013, martes ng gabi. Ang gabing inakala kong isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko. Hindi ko akalaing magiging isang sumpa pala!
"Beh, uwi na ako." paalam ko kay Ivan. Andito kasi kami sa bahay ng kaibigan niyang si Jed. May small gathering silang nagaganap dahil kaarawan ni Jed.
Ayaw niya sana akong isama dito dahil alam niyang mapapasubo siya sa inuman. Kaya lang nagpumilit akong sumama.
Tumayo siya sa kanyang kinauupuan " Hatid na kita beh." sabi niya. Medyo mapula na yung pisngi niya dala ng alak.
"Huwag na beh. Nakakahiya sa mga kaibigan mo kung iiwanan mo sila at saka nakainom ka. Bawal kang magdrive" paliwanag ko sa kanya.
"Ihahatid kita." sabay pisil sa ilong ko. "Mas importante ka kesa sa kanila. Nakainom lang ako, hindi ako lasing" dugtong niya saka ngumiti. Nag nod na lang ako bilang pagpayag ko sa gusto niya.
Tawa lang kami ng tawa habang papunta kami sa labas kung saan nakaparada yung motorsiklo niya. Hindi ko alam yun na pala ang huling pagkakataon kong marinig ang tawa niya na parang musika sa pandinig ko.
"I love you beh." sabi niya ng makarating kami sa tapat ng motorsiklo niya at hinalikan ako sa labi.
"I love you more beh."sabi ko at ngumiti ng pagkalapad-lapad
"Isuot mo to" sabay abot niya sa akin ng helmet niya.
"Paano ka?" tanong ko.
"Di bale nang ako ang wala, kesa ikaw. Baka masaktan ka pa. Papakasalan pa kita" sabay hawak niya sa pisngi ko,na ikinapula nito.
"Ang cheesy mo" pagbibiro ko sa kanya.
"Sa'yo lang naman ako nagkakaganito" at ngumiti siya. Ngiting hindi mo gugustohing mawala.
Agad akong umangkas sa motirsiklo niya at pinaandar niya ito. Noong una ay mabagal pa ang pagpapatakbo niya.
Nasa kalagitnaan kami ng kalsada ng biglang umulan ng malakas. Hindi ko alam pero biglang bumilis yung takbo niya.
"Higpitan mo yung hawak mo beh" utos niya na agad kung sinunod.
Halos hindi ko na nga masyadong makita ang daang tinatahak namin.
Hanggang sa may liwanag akong nakita na papalapit sa amin.
*scrrrrrreeeeecccchhhh*
at hindi ko na alam ang nangyari dahil bigla na lang akong nawalan ng malay...
Nagising na lang sa ako dahil sa ilaw na bumabalot sa loob ng kwartong kulay puti ang pintura. Nakita ko si Mama at ang bestfriend kong si Alexandrine
May benda ang kanang braso ko at may nakatusok na dextrose sa kaliwa.
May konting galos ang ulo at tuhod ko.
Bigla kong naalala ang nangyari at doon na ako nagsimulang kabahan at humagolgol ng iyak.
Nabangga kami ng isang malaking truck, at tumilapon ako sa damuhan.
"Si Ivan?" ang kauna-unahang salita na lumabas sa labi ko. Walang sumagot. Nakatungo lang sila na para bang ayaw nilang sabihin sa akin ang sagot sa tanong ko.
"Ma! Ano ba?! Nasaan si Ivan?!!!" sigaw ko kay Mama.
May kung anu-anong hinala na pumasok sa isip ko. Lahit kailan hindi ko matatanggap yun!
Hindi ako pwedeng iwan ni Ivan! Mahal niya ako! Nagpromise siya sa akin na hinding-hindi niya ako iiwan!!!
"H-hindi." diing pagkakasabi ko sa aking paghikbi.
"A-anak, wala na si Ivan." sabi ni Mama ng yakapin niya ako.
"HINDI!!! HINDI PA PATAY SI IVAN DI BA?! HINDI NIYA AKO IIWAN!!!" parang batang iyak ko.
"Hush baby.. Iiyak mo lang yan" alo ni Mama sa akin. Habang nakatingin lang ang bestfriend ko. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.
"Ma, nagpromise siya eh! Nagpromise siya!" pinipilit kong kalasin ang yakap ni Mama sa akin.
"Ma, hindi niya ako pwedeng iwan.. M-mahal niya ako" at tuluyan na akong napaupo sa pag-iyak.
"Kahit gaano niyo pa kamahal ang isa't-isa. Pag si kamatayan na ang kumontra wala na tayong magagawa. Hindi natin kontrolado ang lahat." mahinahong utal niya.
Masakit isipin na ang taong pinakamamahal mo ay kinuha na ng Maykapal. Hindi ko matanggap na sa dinami-daming tao na pwede niyang kunin bakit si Ivan pa?! Bakit yung taong mahal ko pa?
Minsan hindi ko mawari kung bakit ang unfair ng Diyos?
Kinukuha niya yung taong hindi pa nararapat kunin.
Bakit hindi na lang yung mga adik sa lipunan? Yung mga kriminal na walang awang pumapatay! Sila yung dapat hindi binibigyan ng karapatang mabuhay!
Niyakap ko ang aking sarili dahil sa lamig ng hangin na dumadampi sa balat ko. Andito ako ngayon sa veranda ng bahay namin.
Iniisip ko na naman ang buhay ko. Iniisip ko ang taong mahal na mahal ko.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakakalimutan. Yung mga maliligaya naming sandali.
Hanggang ngayon Mahal na Mahal na Mahal ko pa rin si Ivan.
Miss na miss ko ang Ivan ko.
Ang Ivan na tinuring akong prinsesa.
Ang Ivan na Minahal ako ng buo.
Ang Ivan na handang ibuwis ang sarili niyang buhay para sa akin.
Minsan hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sa kanya o magagalit.
Magpapasalamat dahil niligtas niya ako sa kamatayan?
O
Magagalit dahil iniwan niya akong nag-iisa at miserable ang buhay.
Sana isinama niya na lang ako sa pinuntahan niya. Hindi sana ako umiiyak ngayon.
Simula ng mawala siya. Nawalan na rin akong mamuhay. Napapabayaan ko na ang mga kaibigan ko, ang pamilya ko at ang sarili ko.
Sa tuwing naiisip ko si Ivan tanging ang pag-iyak na lang ang nagagawa ko. May pag-asa pa kaya ako na maging masaya tulad ng dati?
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hindi ko alam kung dudugtungan ko ba.Lol Any suggestions?

BINABASA MO ANG
Shadows of Yesterday
FanfictionIsang aksidenteng , nagpabago sa buhay niya. Paano kung naisipan na niyang kalimutan ang mga pangyayari ngunit sa kabila ng kanyang paglimot ay makita niya ang lalaking akala niyang wala na.