Thirty six

37 2 1
                                    

"I'm s-sorry" nahihiyang sabi ni Ivan habang hindi makatingin sa akin ng diretso.

Sorry saan? Dahil ba sa hinalikan niya ako? Ganun din ba ang ginawa niya kay Meg matapos niya itong halikan, ay nagsorry din siya?

Halos mandiri ako sa sarili ko nang maalala ko iyon. Shet! Pagkatapos niya halikan si Meg ay ako naman?

Gusto ko siyang sampalin ng sobrang lakas para naman maramdaman niya yung sakit na nararamdaman ko ngayon pero mas pinili ko ang hindi.

Napapikit ako nagpalabas ng isang malalim na buntong hininga ngunit sa pagsabay nang pagdilat ng akong mga mata ay siya ring pagtama ng isang malakas na sampal sa mukha ko.

Namamanhid ang mukha ko sa sobrang lakas ng  pagkakasampal na yun. Tiningnan ko yung pinanggalingan ng sampal at nakita ko si Meg. Galit siya. Ramdam ko kung paano niya ako tingnan.

"How dare you K!!!" Bulyaw ni Meg sa akin. Nakita niya ba ang nangyari kanina?

Aakma siyang sasampalin ulit ako pero pinigilan ito ni Ivan.

"What's your problem Meg?!!!!" Halos pumiyok na si Ivan sa sobrang lakas ng boses niya.

"Why did you slapped her?" Dugtong pa niya.

Bahagyang napatawa si Meg. Mababakas sa tono nito ang pagkasarkastik sa tawa niya.

"Bakit nga ba Ivan?!! Bakit?!!!" Sigaw niya pabalik kay Ivan.

"You know my feelings for you! Mahal kita Ivan!! Ilang beses ko bang dapat ulit-ulitin yun?!" Sa mga oras na ito ay naluluha na si Meg.

"I keep on loving you eventhough its killing me inside!! Alam mo ba yun? Ang sakit sakit na dito" sabay turo sa dibdib niya kung nasaan ang puso, "sobra!"dugtong pa niya sabay punas ng mga luha sa mukha niya

Sa mga oras na ito ay ramdam ko ang nararamdaman ni Meg. Dahil yan din ang nararamdaman ko ngayon. Yun bang kahit buhay ka pa ay pinapatay ka na sa sobrang sakit. Kahit na hindi ka na naman nasugatan physically.

"Meg, stop it! You're drunk!!" Nang sinabi ni Ivan iyon ay saka ko lang napansin ang mapupulang pisngi ni Meg na dahil siguro sa alak.

"No I'm not!!" Kunot noong sagot ni Meg.

"Just love me Ivan. Ako na lang please." Pagmamakaawa ni Meg sa harapan ni Ivan.

Hindi ako makapaniwala na gagawin ni yan.

She's perfect, maganda, matalino, talented at mabait. Sigurado aking marami ang magkakagusto sa kanya. Everybody loves her (not sure with Ivan tho).  Di niya kailangang ipagsiksikan ang sarili niya.

I sighed silently, gusto kong sabihin ang lahat ng iyan kay Meg pero hindi ko naman kaya dahil alam ko sa sarili ko ganun din ako. Ipinagsisiksikan ko ang sarili ko kay Ivan kahit naman ayaw niya. Paulit-ulit ko siyang tinatanong kung di niya ba ako naalala gayung hindi naman talaga.

Ibinaling ni Meg yung atensyon niya sa akin.
"And you K! Nagsisisi akong pinasali kita sa ZIONNS! I really hate you!!!" Pagkatapis niyang sabihin yun ay umalis na siya agad.

Naiwan akong nakatulalang nakatingin sa papalayong si Meg. She hates me so much.

"Sana nga hindi na lang ako sumali sa ZIONNS." Mahinang sabi ko nang nakayuko

Biglang pinat ni Ivan ang ulo na naging dahilan sa pagtingin ko sa kanya.

"Just don't mind what she had said.  She's drunk." Kalmadong sabi niya sa akin at tumango na lang din ako.

"And just forget what happened tonight. " and the  he left me again.

Alin nga ba ang kakalimutan ko Ivan? Ang pangyayaring kung saan andun si Meg? O yung hinalikan mo ako?

"Ganun na lang ba talaga kadaling sabihin ang mga salitang kalimutan para sayo?" Sigaw na tanong ko sa kanya ng nasa medyo kalayuan na siya.

Bahagya siyang napahinto sa paglalakad ng ilang segundo at nagpatuloy ulit sa paglalakad palayo sa akin. Hindi man lang niya ako sinagot.

"I wish I could hurt you the way you hurt me. But I know that if I had the chance, I wouldn't do it."  Mahinang sabi ko habang sabay nito ay ang pag-agos ng aking mga luha.

Saksi ang buwan at ang mga bituin sa basag kong puso. " I broke my own heart loving him. Kasalanan ko din namam kasi umasa ako." Sabay punas sa mga luha sa pisngi ko pero wala pa ding silbi dahil patuloy pa din ito sa pag-agos.

Naisipan ko nang bumalik sa pinagtutulayan namin ng medyo umokay na ang pakiramdam ko. Hindi na ako nakihalubilo sa mga kasamahan ko, kahit na kay A. Tinext ko na lang siya para magpaalam na magpapahinga na ako kasi masama ang pakiramdam ko.

Biglang tumunog ang elevator bilang hudyat sa pagbubukas nito at agad din naman akong pumasok akong nakayuko. Magsasara na sana yung pinto ng elevator nang biglang may humarang na paa para tumigil sa pagkakasara ito.

Nagsisi tuloy ako at bakit ko pa naisipang mag elevator ngayon sana ay naghagdan na lang ako.

Pagkatapos ng mga pangyayari kanina ay ayaw ko na muna siyang makaharap. Lalo na ngayon at galit na galit siya sakin.

Gusto kong bumaba pero naninigas katawan ko.    Kasabay ng pagpasok ni Meg ay ang pagpasok din ni Ivan.

Sa dami-dami ng araw at oras na pwede kaming magsabay bakit ngayon pa? Hindi ko gusto ito. Feeling ko may mangyayaring masama sa loob ng elevator na ito.

Shadows of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon