Lunes ng umaga, maaga akong nagising para maghanda sa pagpasok ko sa Miriam University. Kinakabahan man ay excited pa rin ako sa kauna-unahang araw ko sa M.U. My phone beep and it was A.From: A
It' s our first day! Break a Neck!! :)) good morning pretty!!
Napangiti ako dahil sa mensahe niya. Sobrang swerte ko at binigyan ako ng Diyosng isang kaibigan na kagaya ni A. Kinuha man niya si Ivan, meron pa rin akong kaibigan na kahit kailan ay hindi ako iniwan.
Matapos kong magbihis ay bumaba na alo para mag-agahan. Nakita ko si Mama sa kusina na busy sa pagluluto.
"Good morning sweet heart!" nakangiting bati ni Mama sa akin nang mapansin niya akong nakatayo sa may entrance
"Good morning din Ma." bati ko rin sa kanya at hinalikan siya sa pisngi
"Sunny side up for breakfast" sabay lapag ng pagkaing niluto niya. Agad din naman akong natakam ng maamoy at makita ko ang pagkain.
Pagkatapos kong kumain at magtooth brush ay nagpaalam na ako kay Mama.
"Sana maganda ang araw ko ngayon." I said silently habang naghihintay ako ng tricycle sa labas ng gate namin.
Ilang minuto pa akong naghintay pero wala pa ring tricycle na dumadaan. Yung totoo? Strike ba ngayon?? Napakunot ang noo ko ng pagtingin ko sa relo ko ay 7:30 na pala. 8 am ang klaes ko. Pag siniswerte ka nga naman!
Halos lumuwa ang mata ko ng may humintong itim na sasakyan sa harap ko. Ibinaba nito ang windshield sa bintana niya at nakita ko si Louis sa driver seat na nakasuot ng striped sweater at aviator sunglasses. Gustong tumulo ng laway ko sa sobrang gwapo niya!
"Good morning! Papasok ka na?" tanong niya and I just nodded.
"Sabay ka na sa akin, 8start ng klase mo di ba?"
"Paano mo nalaman? At saka taga rito ka ba?" di makapaniwalang sagot ko. He just chuckled
"4th block , sampagiuta street." nakangitingnsabi niya. " and about dun sa schedule mo. enrollment day, ako yung nag signed ng form mo."
"Ahhhhhhhh." napatango-tango kong sagot.
"so, hop in.." sabi niya. Hindi ko man lang namalayang nakababa na pala siya sa kotse niya at pinagbuksan na niya ako ng pinto. Wala na akong nagawa kundi ang sumabay sa kanya. Opportunity knock at once, kesa naman ma late ako.
Tahimik lang siyang nagdradrive at tahimik lang din akong nakasakay habangnakatingin sa labas. Hindi ko mahanap ang dila ko sa oras na ito. Sino ba naman ako para makipag-usap sa kanya? Baka sabihin pa niyang feeling close ako.
Nasa labas pa rin ang atensyon ko nang may mahagip ang mata ko. Isang lalaking nakatalikod sa akin at may kausap na mestisang babae. Postura pa lang ay kilalang kilala ko na! Likod pa lang ay memoryado ko na! Kahit nakapikit ay alam na alam kong siya yun! Pero impossible di ba? Matagal na siyang wala! Matagal na niya akong iniwan,
"I-ivan..." nasabi ko bigla
" What??" tanong niya sa akin
"Stop the car" natatarantang sabi ko habang nakatingin sa likod
"Ano??"
"I said STOP THE CAR!!" naluluhang sabi ko kaya bigla niya natapakan ang preno at huminto yung sasakyan. Dali dali kong tinanggal ang seatbelt at agad binuksan yung pinto ng sasakyan at bumaba.
Lakad takbo ang ginawa ko para makapunta sa lugar kong saan ko siya nakita, pero bigo ako. Wala na siya doon. Umalis na siya.
Agad akong napaupo sa kalsada at umiyak. Wala akong paki alam kahit magmukha akong tanga dito. Hindi ako pwedeng magkamali, si Ivan yun!
"Here" napatingin ako kay Louis ng iabot niya sa akin yung panyo niya.
"S-salamat" umiiyak na sabi ko.
"Baka maubos ang panyo ko dahil sa'yo" natatawang sabi niya. Alam ko sa mga oras na ito ay gusto niya lang akong patawanin pero kahit ang pag ngiti ay hindi ko magawa.
Inabot niya yung kamay niya sa akin tila ibig niyang sabihin na kunin ko iyon. Inabot ko din naman agad iyon at tinulungan niya ako sa pagtayo.
"Ang dumi-dumi mo na. Nagmumukha ka ng pulubi." biro niya ulit
"Hindi ka ba natatawa sa mga biro ko? " tanong niya ng di ako nagreact sa biro niya
Nakarating kami sa M.U ng late. Kumusta naman ang first day of school ko?
Pumasok na ako sa classroom mabuti na lang at late din ang Professor namin. Swerte panrun kahit papaano. Kunot noo kong nilingon si Louis ng makita ko din siya na pumasok sa classrom ko.
"We're classmate" sagot niya. Kahit hindi ko naman tinatanong
Agad napabaling ang atensyon ko ng tawagin ako ni A.
"Bakit mugto yang mata mo?" bungad niya sa akin "at saka bakit ka late?" dugtong pa niya
"Long story." simpleng sagot at naupo sa bakanteng upuan sa tabi niya.
"Then make it short!" mahinang sabi niya dahil pamusok na yung Professor namin
"Nakita ko si Ivan" naluluha na namang sabi ko. Agad din naman niyang nabitawan yung hawak hawak niyang libro.
"Ano???????" sigaw niya na naging dahilan kung bakit napatingin sa kanya yung mga classmate namin pati na yung Professor namin.
"You Miss! Kung mag-iingay ka sa loob ng klase ko! You better go out!" taas kilay na sabi ng Professor namin. Napayuko na lang din si A dahil sa hiya.
"Mag-uusap tayo mamaya" baling ni A sa akin ng makaupo na siya.
BINABASA MO ANG
Shadows of Yesterday
FanfictionIsang aksidenteng , nagpabago sa buhay niya. Paano kung naisipan na niyang kalimutan ang mga pangyayari ngunit sa kabila ng kanyang paglimot ay makita niya ang lalaking akala niyang wala na.