Magkasabay kaming pumasok ni Louis sa school. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga estudyante sa hallway.
Napayuko ako sa paglalakad dahil Hindi ako sanay sa atensyong ibinibigay nila.
Biglang hinawakan ni Louis Ang kamay ko na naging dahilan Kung bakit ako napatingin Sa kanya. He just smiled at me. "Lift up your head Princess, If not the crown falls." Kung ibang babae siguro Ang sinabihan ni Louis Ng ganun malamang ay naglumpasay na Ito sa kilig.
"Hindi ako sanay sa atensyon Louis" simpleng sagot ko
"I know. I got your back K" pag aassure niya sa akin.
Biglang may humarang sa amin na naging dahilan sa paghinto namin.
"Louis, what's the meaning of this?" Hysterical na pagkakasabi ni Bel. If I got it right.
Kumunot Ang noo ni Louis na tila ba nalilito siya sa tanong ni Bel sa kanya.
"Bakit kayo magkasama?" Tanong niya ulit.
"Are you two an item?" Muntikan na akong masamid sa sarili Kong laway dahil sa tanong niya.
Tiningnan naman ako Ng masama ni Bel. At agad Naman itong napansin ni Louis.
"Leave her alone Bel. What's wrong with you?" Kunot noong tanong niya.
Bahagyang natawa si Bel. "You know I like you Louis. And here you are with this ugly bitch holding hands while walking. What do you want me to do? " Halos pasigaw na niyang pagkakasabi.
Napa face palm na lang si Louis. Mababakas sa mukha niya ang frustration.
"Look Bel." Panimula ni Louis. "I really appreciate your courage on telling me how you feel. But sorry Bel, I can't love you back. "Louis said sincerely.
Biglang naging tahimik ang paligid na animoy may dumaan na Diyos sa aming harapan.
Napakagat Ng labi si Bel saka nagpalabas ng isang buntong hininga. "Whatever!" At saka umalis kasama Ang mga alipores niyang nag-ala crinkles ang mukha.
Napatulala ako sa nasaksihan ko kanina. Isa ba Yung direct rejection? Napatingin ako kay Louis na ngayon ay nakatingin na sa akin habang nakangiti.
"Tayo na?" Pag-aaya niya sa akin at tumango na Lang din ako.
Mabilis lumipas ang oras at papunta na ako ngayon sa music building.
"Hi" biglang sulpot ni Louis sa harapan ko. Nang makapasok na ako sa music building. Nakakasanayan na niya ata ang sumulpot-sulpot sa harap ko. Kung may sakit Lang ako sa puso malamang inatake na ako.
"Kanina pa ba kayong nagprapraktis?" Tanong ko.
"Maybe? Kakadating ko Lang Kasi." Nahihiyang Sabi niya Sabay kamot sa ulo niya.
"Okay guys! Back to work!" Sigaw ni Meg sabay clap ng kamay niya. Para bang ini-encourage niya Kami.
Nagsimula na kaming magpraktis at kapartner ko si Louis. Iniingatan niya talaga àko sa tuwing may steps na binubuhat yung Babae.
"You're really good at dancing K" papuri ni Louis sa akin agad naman akong nahiya.
"Hindi a. Sakto Lang" pagdedeny ko.
"Seriously, I'm not kidding. Gustong-gusto ko talaga na pinapanuod ka habang nagsasayaw" nakangiti niyang Sabi.
"Thanks." Tipid Kong sagot.
Pagkatapos ng isang oras na pagprapraktis ay nagpahinga muna kami.
"May naisip ka na bang kanta?" Tanong ni Louis sa akin.
Bigla Kong naalala yung sinabi ni Louis na pag break namin sa praktis at magprapraktis kami sa kanta pero Hindi ako nakapagsearch Ng kanta.
"Wala akong maisip e". Nahihiyang pagkakasabi ko.
"Pyramid?" Suggestion niya.
"Hindi ba sobrang taas nun?" Sagot ko
"Endless Love?" Sabi ni Louis. Napailing Lang ako
"Pwede ba Tagalog?" Tanong ko.
"Wala naman silang sinabi na English songs lang pwede" sagot niya.
May biglang pumasok na kanta sa isip ko "Paano ba ang magmahal?" Biglang lumiwanag Ang mukha ni Louis.
"Paano nga ba Ang magmahal K?" Pagbibiro ni Louis sa akin.
Isang "Tsk." Ang narinig ko sa aking likuran nang lingunin ko Yun it's Ivan. Nakatitig siya sa akin na tila ba may kasalanan akong nagawa sa kanya. Naalala ko yang tingin na Yan. "Is he jealous?"
![](https://img.wattpad.com/cover/20939731-288-k509717.jpg)
BINABASA MO ANG
Shadows of Yesterday
ФанфикIsang aksidenteng , nagpabago sa buhay niya. Paano kung naisipan na niyang kalimutan ang mga pangyayari ngunit sa kabila ng kanyang paglimot ay makita niya ang lalaking akala niyang wala na.