Twenty-seven

22 4 1
                                    

Mabilis akong bumaba sa stage at hinanap si Mama pero hindi ko siya makita. Kinuha ko ang cellphone ko at agad dinial ang number ni A. Nag-iisang ring pa lang ay sinagot na niya ito agad.

"K, hindi ko makita si Ivan!" Nababahalang sabi niya.

"Tapos na kaming magperform A. Nakita mo ba si Mama?" Tanong ko

"What? Don't tell me nakita ni Tita na nagperform kayo?" Di makapaniwalang sabi niya. Alam kasi ni A na hindi sumipot si Louis at si Ivan ang pumalit

"Hindi ko alam kung nakita niya. Kaya nga hinahanap ko siya ngayon!" Frustated na sabi ko. Dahil Hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na magtagpo sila Mama at Ivan

"Asan ka ba ngayon?" Tanong ni A sa kabilang linya.

"Nasa may gate. Nagbabakasakali na andito si Mama" sagot ko.

"Tutulungan kitang hanapin si Tita. Tawagan mo ako pag nahanap mo na siya" sabi niya at agad naman akong pumayag at binaba ang tawag.

Patuloy pa din ako sa paghahanap kay Mama pero Hindi ko pa din siya makita. Naisipan kong bumalik ulit sa pinag ganapan ng contest.  Nasa entrance na ako nang makita ko si Mama na nakatayo na tila ba may hinahanap na isang tao  napadako ang mata ko sa unahan kung saan nandoon si Ivan na naglalakad na papunta sa kinatatayuan ng Mama ko. Malapit na silang magkasalabong Kaya mabilis akong tumakbo papunta kay Mama at bigla ko siyang tinalikod kung saan dadaan si Ivan.  Bahagya siyang nagulat sa ginawa ko. Saktong pagkatalikod ko sa kanya  ay siyang pagdaan  din ni Ivan na busy sa cellphone niya. Laking pasasalamat ko at hindi niya ako napansin.

"Anong nangyayari sayo?" Nagtatakang tanong niya

"Ma! Kanina pa kita hinahanap." Pagdadahilan ko sa kanya

Biglang kumunot ang noo ni Mama sa sinabi ko. "Tapos ka na bang magperform?" Tanong niya.  Napatango na lang ako bilang sagot k Biglang siyang nalungkot .

"Sayang hindi ko napanuod." Hindi ko alam kung sasaya ba ako o malulungkot dahil sa hindi ako nakaabot si Mama. Alam kong gustong-gusto talaga ni Mama ang makita akong kumanta uli pero ayaw kong makita niya si Ivan ngayon.

"Di bale Ma, kakantahan ulit kita." Nakangiting sagot. Tumango na lang din si Mama.

Hindi na din naman nagtagal si Mama at umalis na siya sa school dahil may pupuntahan din siya. Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis na siya.

Hindi ko ma hinintay yung anunsyo kung sino ang nanalo dahil mas pinili ko ang maglibot sa school. Madaming booth ang bukas. May kissing booth, marraige booth,  paint booth, photo booth at marami pang iba. Bawat colleges din ay may kanikanilang negosyong itinayo gaya ng tea house, ice creampie (ice cream at pie), nagtitinda ng souvenirs.

Napunta ako dun sa stall kung saan nakasabit ang maraming pictures na kinuha kanina. Iginala ko ang paningi  ko sa lahat ng pictures pero wala akong makita na pictures namin ni Ivan.

"Miss, wala ba kayong pi-----"

"Ah Ma'am may bumili na po ng pictures niyo." Putol ng nagtitinda sa akin.

"Sino?" Kunot noong tanong ko.

"Bawal po daw sabihin e" kibit balikat niyang sagot.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag its A.

"Nakita mo na ba si Tita?" Bungad ni A sa akin. Nakalimutan kong tawagan si A.

"Umuwi na si Mama A. Sorry kung hindi kita natawagan. " sabi ko. Kung magkalapit lang siguro kami sigurado akong masabunutan na niya ako.

"Asan ka? nang masapak kita" 

"Sorry talaga A. Nawala na sa isip ko. Muntikan na kasi talagang magkita sila mama at Ivan." Paliwanag ko.

Rinig ko sa kabilang linya na tinatawag ang pangalan ko at pangalan ni Ivan batid kong malapit siya sa stage.

"K!! Omg!!" Tili ni A sa kabilang linya.

"Nanalo kayo!!!!" Dugtong pa niya sa tili niya.

"Ano?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Nanalo kayo ni Ivam sa contest! Kaya pumunta ka na dito dali!" Excited na pagkakasabi niya.

Agad din naman akong nagpunta dun at  nasa stage na si Ivan hawak-hawak niya yung trophy at yung malaking tseke. Nakita niya ako at ngumiti siya sa akin. May ibinulong siya sa emcee na nagig dahilan kung bakit napatingin sa gawi ko yung emcee.

Tinawag ang pangalan ko at pinapapunta ako sa stage. Umakyat din naman ako agad na may ngiti sa mga labi.

May kumuha sa amin ng picture. Nabigla ako ng biglang hinawi ni Ivan ang beywang para mas mapalapit ako sa kanya.

"Smile" bulong niya na agad ko din namang sinunod.

Nakababa na sila sa stage pero andito pa din ako. Hindi maprocess ng utak ko ang ginawa ni Ivan. Nararamdaman ko pa din ang kamay niya sa beywang ko kahit wala na siya sa tabi ko.

Napabalik ako sa huwesyo ng maglahad ng kamay si Ivan sa harap ko na naging dahila  kung bakit naghiyawan ang mga estudyanteng andoon. Bigla din naman akong namula dahil sa hiya.

"Ano ba an ginagawa mo Ivan?" Naguguluhang tanong ng isip ko.

Shadows of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon