Thirteen

43 4 1
                                        

Mabilis lumipas ang araw at lunes na. Hindi pa din nakakauwi si mama. I tried to pn her on messenger pero hindi Naman siya online. Saan ba siya pupunta? Tinawagan ko din siya pero yung sinasabi niya uuwi din siya agad pagnatapos na daw yung inaasikaso Niya? Nalaman din ni mama na nagkasakit ako? Sinabi siguro ni A sa kanya.

Naglalakad ako sa may hallway ng school ng makita ko si Ivan na papasok din siya sa classroom ko. Anong ginagawa niya dun? Hindi naman kami magkaklase.
I sighed deeply ng maalala ko yung nangyari nung sabado. Nakakahiya. Nakakahiya ako. I'm a messed!

"Aray!" Napahawak ako bigla sa ilong ko ng may bangga ako sa pinto.  Saka ko lang narealize na si Ivan pala yung nakabangga ko.

"S-sorry" Sabay naming pagkakasabi. Ngumiti lang siya.
Yung ngiting miss na miss ko.

"Hinahanap ka pala ni Meg" Sabi niya

"H-ha?" Naguguluhang tanong ko

"Punta mo na lang siya after class. May sasabihin daw siya sayo." Saka sa umalis. Habang tiningnan ko siyang papalayo.

"Hoy!" Bungad ni A sa akin. Kakadating Niya lang Kasi at nakatayo pa din ako sa may pinto.

"May lagnat ka pa din ba? " Sabay hawak sa noo ko. " Wala ka namang lagnat e." Nakapout na Sabi niya "Hoy A! Galit ka ba? Sorry na . Kung Hindi Kita hinatid nung biyernes sa bahay niyo. Nagkataon lang Kasi na nagkaproblema sa bahay Kaya si Ivan na yung naghatid sa iyo. At saka he insisted na Naman e. Kaya umoo na lang din ako." Saka lang ako bumalik sa huwesyo ng narinig ko yung huling sinabi ni A.

"A-ano Yung Sabi mo?" Tanong ko uli.

" Nagkasakit ka lang loading ka na. "

"Sabihin mo na kasi". Naiinis na Sabi ko.

"Ginusto ni Ivan na ihatid ka sa bahay niyo! Gets mo na?" Hindi ko alam pero bigla akong natuwa sa sinabi Niya. I shrugged my head to clear the thoughts away. Ayaw ko ng umasa. Ayoko ng masaktan ulit.

Mabilis natapos Ang araw at uwian na. Pinuntahan ko muna si Meg dahil may sasabihin daw siya. Kumatok ako sa pinto pero walang umiimik. Kaya hinawakan ko Ang door knob saka ako pumasok pero nabigla ako sa nakita ko. Hinalikan ni Ivan si Meg. Hindi ko alam pero parang tinutusok yung puso ko. Yung feeling na may mabigat sa dibdib mo. Biglang may nagtakip sa Mata ko. saka Niya ako hiniharap sa kanya. Hindi ko na lang namamalayan na tumutulo na pala yung mga luha ko. Napakaiyakin ko na talaga. Gusto Kong ibalik yung dating Krian, na matapang yung Hindi iyakin.  Paano ko maibabalik yun Kung malaking parte ng puso ko ang nawala at nasasaktan.

Pinunasan bahagya ni Louis Yung mga luha ko saka niyang sinabing " Smile, huwag mong ipakitang nasasaktan ka. Andito lang ako" Alam kong sa mga oras nato sincere siya. " Sayang ganda mo kung iiyak ka lang" dagdag pa Niya. Tumango ako saka tumikhim na kumuha Ng atensyon nila Ivan at Meg.  Agad din namang yumuko si Meg at namula.

"K!! I miss you!" Bungad Niya sa akin. "Kumusta pakiramdam mo?" Dagdag pa niya.

"I'm good. " Saka ngumiti ng bahagya. " Pinatawag mo daw ako"

" Yeah! Ano kasi tungkol dun sa contest. Mas mapapaaga Kasi Yung contest kesa sa inaasahan natin. So kailangan na talaga nating magpraktis ng Todo. I'll ask our professors na eexcuse Yung mga members natin sa klase muna. Will you help me on that?" Masayang tanong Niya.

Bigla akong napatitig sa mukha ni Meg. Ang ganda Niya talaga. Hindi na ako magtataka Kung nagkagusto na talaga si Ivan sa kanya.

"K? Okay lang ba?" Tanong Niya uli. Sa kakatitig ko sa kanya Hindi movie pa pala nasasagot siya.  I just nodded saka Niya Niya ako niyakap "thank you so much, K!"

Shadows of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon