Twenty-eight

26 6 1
                                    

Alas nuwebe na akong pumunta ng school sa ikalawang araw ng intrams. Hindi ko pa din nalilibot lahat ng stall dito sa loob. Ayaw ko ding itry kahit na anong booth dahil hindi ko gusto iyon.

Umupo muna ako dun sa may bench kung saan napapasilungan ng malaking puno kaya hindi masyadong mainit. Napapikit ako at dinama ang pagdampi ng hangin sa balat ko. Masyadong nakakarelax dito.

Napadilat ako bigla ng may humawak sa kamay ko at ipinosas ako.

"Kanina ka pa namin hinahanap andito ka pala." Saad nung isang nagposas sa akin.

Kunot noo ko silang tinangnan. Batid kong nasa marriage booth ang dalawang ito kasi nakita ko sila kahapo .

"I'm not going." Sabi ko.

"Hindi pwede ang running bride Maam." Sabi naman nung lalaki.

"Anong hindi pwede?"

"Kung hindi po kayo sisipot sa kasal kailangan niyong magmulta ng 2,000."  Paliwanag nila.

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi nila, 2000? Seryoso? Dalawang linggong allowance ko na yun.  At dahil wala akong pera ay sumama na lang ako sa kanila kahit labag sa loob ko. Siguraduhin lang nila na mala-adonia yung groom ko.

Pagkadating  namin sa loob ng marriage booth ay binihisan na nila ako. Pinasuot nila ako ng gown, at nilagyan ng veil, pinagsuot.din nila ako ng heels at nilagyan din nila ako mg make-up.

Tiningnan ko amg kabuohan ko sa salaming kaharap ko para nga akong ikakasal. Kaya naman pala ang mahal ng bayad pag nagback-out kasi mahal din ang mga gamit.

"Sino ba ang groom?" Tanong ko dun sa isang panay ang picture sa akin.

"Bawal daw sabihin." Napasimangot ako sa sagot niya. Ako lang ata amg bride na hindi kilala ang groom niya.

"Ready na ba ang bride?" Tanong nung baklang kakapasok pa lang.

Tiningnan niya ak0 sabay sabi ng "Perfect!" At lumabas din agad.

Nakatayo na sa may pinto kung saan ako papasok para maglakad sa aisle na gawa-gawa nila. Kinabahan ako bigla. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Biglang bumukas ang pinto at sa pagbukas nito ay nakita ko ang taong hindi ko inaasahang makikita ko. Nakatingin siya sa akin na may ngiti sa mga labi. Biglang pumungay ang kanyang mga mata tila ba sinasabi nito na ako lang ang pinakamagandang babae dito, na mahal na mahal niya ako. Biglang tumulo ang mga luha ko. Kahit na alam kong hindi ito totoong kasal ay hindi ko maiwasan ang hindi maluha.

Naalala ko yung mga panahong tayo pa. Yung pangarap nating maikasal sa isa't-isa. Pinunasan ko ang mga takas na luha sa pisngi ko at pilit na ngumiti. Hindi ako pwedeng umiyak dito baka isipin nilang nababaliw na ako.

Patuloy pa din ako sa paglalakad papunta sa kanya. Hanggang sa nakarating na ako sa harap niya. Inilahad niya ang kamay niya na agad ko din namang tinanggap.

"You look so beautiful." Nakangiting pagpuri niya sa akin

"Thank you." Nakangiting sagot ko.

Humarap na kami sa gaganap na pari.

Nagsimula na ang seremonya. May kung anu-anong sinabi yung pari. Namilog ang mata ko ng itanong ng pari yung vows namin. Hindi ako nainform.

Naunang magsalita si Ivan. " No one else but you, ever. There is nothing for me but you, ever. Your eyes and your words, forever." Seryosong sabi niya habang nakatingin sa mata ko. Damang-dama ko yung sinabi niya. Nararamdaman ko ang puso pero hindi pa din mawawala sa isip ko ma hindi totoo ito. Na isa lang itong laro. Dahil pagkatapos nito balik na naman kami sa dati kung saam hindi niya ako maalala.

Nagpalabas ako ng isang malalim ma buntong hininga bago ko simulan ang vow ko. " The most beautiful lie, they say, is that love always triumphs. Lie to me. Lie to me forever and I will believe it." Hindi ko mapigilan ang maluha ulit. Dahil kahit hindi ko aminin totoo yung sinabi ko. Kahit ilang ulit pa niyang sabihin na hindi niya ako kilala kahit na ramdam kong nagsisinungaling siya ay paniniwalaan ko pa din siya.

Bahagya niyang pinunasan ang pisngi ko at ngumiti sa akin na ginatihan ko ng mapaklang ngiti.

"And now, I pronounce you husband and wife. You may kiss the bride." Sabi nung pari
Napuno ng hiyawan ang loob.

Inilapit ni Ivan ang mukha niya sa akin. Hahalikan ba niya ako? Mga ilang inches na lang ang pagitan sa amin ay napapipikit ako. Hindi ko inaasahan na maglapat ang labi namin.

Nabalik ako sa huwesyo ng may camerang nagclick sa harapan namin at  kinuhanan kami ng picture. Napakunot ang noo ko.

"Documentation." Nakangiting saad nung nagpicture and he left me dumbfounded.

Shadows of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon