Thirty four

32 3 1
                                    

Pagkatapos ng beach volleyball na laro ay tug of war naman. Inihanda na ni Meg yung lubid na gagamitin. Hindi na ako sumali sa larong yun masyadong marahas at saka masakit sa kamay. Ganun din naman si Ivan at Meg. Nakita ko silang dalawa na masayang nag uusap. Ano kaya ang pinag-uusapan nila?

"Bagay na bagay talaga sila" nasabi ko sa sarili.

"Pero mas bagay tayo" Biglang sabat naman nitong katabi ko.

Napatawa na lang ako sa biglaang pag sabat niya.

"You like him?" Seryosong tanong niya na nakatingin sa dalawang mata ko.

Ngumiti ako ng mapakla. "I don't like him, I love him." Gusto kong isagot yan pero mas pinili ko na lang hindi.

"Hindi a. " I said sarcastically.

"Bakit parang salungat sa mga sinasabi mo ang mga kinikilos mo?" He caught me out of guard. Masyado na ba akong halata? Madalas na ba ang pagnanakaw ko ng tingin kay Ivan lately at napapansin na ni Louis?

Tumawa ako ng pilit para hindi mahalata na kinakabahan na ako. "H-huwag ka ngang praning Lo. W-wala akong gusto kay Ivan. " utal na sagot ko.

Bigla niya akong inakbayan na nakita din naman ng mga kasamahan namin kung kaya ay napuno kami ng tukso na nagibg dahilan kung bakit napabaling yung atensyon nila Ivan at Meg sa amin. Kita ko kung paano kumunot ang noo niya habang nakatingin sa amin.

"He's effin' jealous K!" I can sense it." Ngiting asong bulong ni Louis sa akin.

Gusto kong matuwa sa sinabi ni Louis pero ayaw kong bigyan ng kahit na konting pag-asa ang puso na may pag-asa pa para aming dalawa ni Ivan dahil alam ko na naman sa sarili ko na wala talaga at ako lang din ang masasaktan sa huli.

"Kung ano man yang pinaplano mo Lo you better stop it. Dahil hindi ako interesado" sabay hawi ko sa kamay niyang nakaakbay sa akin. Ayaw ko ng gulo. Kaya hanggat kaya kong iwasan ay iiwas at iiwas ako.

Yung team namin ang nanalo sa larong tug of war 1-1 na ang buong score. .

Mag gagabi na ng inihanda na namin yung mga kakainin namin para sa hapunan. Kami ni Meg ang naatasang mag barbecue.

Ang awkward tuloy sa pakiramdam. Wala n i isa sa amin ang nagsalita. Panay ang sulyap ko sa kanya habang inaayos niya yung barbecue.

"Do you like him?" Tanong niya na hindi pa din ako tinitingnan.

"S-sino?" Tanong ko ulit. Kahit na alam ko kung sino ang tinutukoy niya.

She chuckled na para bang may nasabi akong nakakatawa

"Si Ivan." Tipid na sagot niya

Hindi ako makasagot agad sa tanong niya. Para bang nasaling ako sa isang oral recitation na impromptu.

"H-hindi." Pagsisinungaling ako.  "And besides you two are an item right?" Nakangiting kong tanong kay Meg 

Ngumiti lang siya ng mapakla at hindi na kumibo pa hanggang sa naluto na ang niluluto naming barbecue at nagsimula ng kumaen.

"Anong napag-usapan niyo ni Meg?" Pakikitsismis ni A sa akin habang magkatabi kaming kumakaen.

"Wala. Hindi nga niya ako kinikibo e" hindi ko na sinabi pa kay A tungkol sa tanong ni Meg about kay Ivan. Mas mabuti na yung ganun. Kilala ko pa naman si A parang machine-gun ang bibig.

Pagkatapos naming kumaen ay nagpagdesisyunang maglaro ulit. Larong suck and blow. Yung isasuck ng kasama mo yung card gamit ang bibig tapos ipapasa sa kasunod at sasaluhin din gamit ang bibig kapag nahulog ang card ay magsisimula na naman sa umpisa.

Dalawang grupo ang naglalaro bawat grupo ay may 12 na miyembro. Yug excess na isa ang judge kung sino ang nauna.

Pumuwesto na ako sa pinakahuli nasa unahan ko naman ay si Louis. Dapat daw kasi alternate ang boys at girls hindi pwedeng magkasunod sa linya ang boys or girls.

"1,2,3 go!" Hudyat ng kasama namin na pwede ng magsimula ang laro.

Maingat na nililipat at sinasalo ng mga kasama ko yung card pero ng nasa kalagitnaan na ito ay nahulog na ito. Ganun din ang nangyari sa grupo nila Ivan. Kubmng hindi sa kalagitnaan ay minsan kakasimula pa lang ay nahuhulog na.

Medyo malapit ng matapos ang grupo at si Louis na may dala sa card ililipat na niya yung sa akin at si hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog yung card at accidentally naglapat ang mga labi namin. Nanlaki ang mga mata ko. Bigla kong naitulak si Louis dahil sa gulat at biglang napahawak sa bibig ko. Naghiyawan naman yung mga kasama namin dahil sa nangyari pero natigil lang iyon ng biglang napahandusay si Louis sa buhangin at nakitang kong galit na galit si Ivan sa kanya.

Agad namang inawat ng mga kagrupo namin si Ivan dahil aambang susuntukin na niya naman si Louis na putok na ang labi.

Louis just smirked "Ano bang problema mo?" Galit na tanong ni Louis sa kanya at aamba ng suntok pero napigilan ng mga kagrupo ko 

"Ikaw ang problema!!!" Sigaw ni Ivan kay Louis  bahagyang natawa si Louis at dinura yung dugo sa labi niya.

"May gusto ka ba kay K!!!!?"  Direktang tanong ni Louis kay Ivan. Biglang natahimik ang lahat. Walang umimik. Napatingin ako kay Meg na naghihintay din ng sagot mula kay Ivan pero tulad ko ay bigo din siya dahil umalis na lang  siya ng walang kibo.

Shadows of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon