Sixteen

45 5 1
                                    

Mag-aalasais na ng gabi ng makauwi ako sa bahay. Medyo nahihirapan pa din akong maglakad buti na lang at hinatid ako ni Louis sa bahay.

"Pasok ka muna" Aya ko sa kanya.

"Upo ka muna Louis" Sabi ko agad ng makapasok na kami sa bahay

"Coffee or tea?" Tanong ko sa kanya

"Tubig na lang" nakangiting sagot Niya. Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng tubig.

"Here"

"Thanks. Ganda pala ng bahay niyo K." Sabi niya habang tinitingnan ang kabuohan ng bahay namin. Hanggang sa napadako yung Mata Niya sa picture frame na nasa ibabaw ng lamesa.

"Close pala kayo ni Ivan?" Tanong niya


"Dati" simpleng sagot ko


"Hindi na ba ngayon?" Nakataas Ang isang kilay Niya.


"Parang Oo na parang Hindi. Basta. Mahirap eexplain. " sagot ko. Kumunot Ang noo ni Louis sa sagot ko.

"Ang gulo" bahagya siyang natawa.

"Sinabi mo pa. It's complicated" pagbibiro ko.

Mga ilang minuto lang nag stay si Louis. Hindi na siya nagtagal sa bahay pa kasi may dinner pa daw sila ng mommy Niya. Namimiss ko na tuloy si Mama.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako agad sa kwarto at tinext si Mama.

"Ma, kailan ka uuwi? Miss na Kita. :(" Text ko kay mama

Nag beep ang phone ko akala ko si mama ang nagreply Hindi pala.

"Kumusta paa mo?" Nakataas ang isang kilay ko ng mabasa ko ang mensahe galing sa isang unknown no.


"Medyo maga pa. But I'm okay. BTW. Who's this?" Reply ko agad.



"You don't have to know who really I am. Glad that you're okay. :)" Lalong tumaas ang kilay ko sa reply niya.


"A'right! Then stop texting me.!" Suplada kong reply.


"Tingin ka sa labas :)"

Dali-dali din Naman akong tumingin sa labas pero wala naman akong nakita. Nangpaprank ba to?

"In your left" agad akong tumingin sa kaliwa at nakita ko si Ivan na nakatingin sa akin. Anong ginagawa niya dito?
Saan Niya nakuha ang number ko?

Pupuntahan ko na sana siya sa labas pero umalis na na siya.

"Saan mo nakuha number ko? Tanong ko sa text


"I have my ways. " Nagpakunot Ang kilay ko sa reply niya.

Hindi na ako nagreply pa sa text niya. At natulog na.

Maaga akong nagising kinabukasan. Sinuri ko ang paa ko. Hindi na siya namamaga pero may konting kirot pa kapag ginagalaw.

"Hindi na naman ako makakapraktis nito" mahinang sabi ko at nagbuntong hininga.

Kinuha ko ang Cellphone ko para tingnan Kung may text ba si mama.

"I'll be home tommorow sweetie. I miss you too. Kumusta paa mo?" Paano nalaman ni mama tungkol sa paa ko?


"Okay na paa ko Ma. Sinong nagsabi sayo?" I replied.


"Secret baby. Be careful next time ha. I love you." Tanging reply Niya. And I replied "I love you too Mama"

Napahiga ako ulit sa kama ko. Madami akong tanong na ang hirap sagutin.

Sino ang nagsasabi Kay mama tungkol sa mga nangyayari sa akin? Sigurado akong Hindi si A. Dahil hindi Alam ni A na na injured ako. Ginulo ko Ang buhok ko out of frustration. Nakakabaliw sobra.


Mag eeight na ng makarating ako sa school. Nakatulog ako ulit kanina. Agad Naman akong nagpunta sa gym.
Nakita ko Ivan sa may stage banda nakaupo. Gusto love siyang lapitan at itanong kung anong ginagawa Niya sa labas ng bahay namin kagabi? Kung saan Niya nakuha Yung number ko?

"Kkkkkk!! " Tawag ni Meg sa akin at tumakbo papunta sa akin.

"Kumusta paa mo?" Sabay tingin sa paa ko.

"Okay na paa ko Meg. Medyo may kirot pa din. Pero nakakalakad pa din" natatawang pagkakasabi ko

"Huwag ka na munang magpraktis ngayon K."

"Pero Meg. Malapit na ang kompetisyon. " Sabi ko.


"Fast learner ka Naman di ba? Saka I really trust you K." She smiled and I nodded. Wala na din Naman akong magagawa e.

"Praktis na tayo guys!" Sigaw ni Meg. Di ba sumasakit lalamunan Niya sa kakasigaw?

Naupo na lang ako dun sa may upuan at pinanuod silang magpraktis. Gustong-gusto ko na talagang sumayaw. Iginalaw ko yung paa ko. Kumikirot pa din pero Hindi na tulad kahapon. Sana naman okay na to bukas.

Shadows of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon