Twenty-three

27 5 1
                                        

Maaga akong nagising kinabukasan. Alas dos ng hapon ang contest namin pero kailangan naming magpunta dun sa school ng alas otso dahil doon daw kami magkikita-kita at sabay kaming lahat na pumunta sa lugar na pag gaganapan ng contest.

"Good morning sweetie!" Bungad ni mama sa akin na kakapasok lang sa kwarto ko

"Good morning din Ma" nakangiting bati ko sa kanya.

"Aga mong nagising, kinakabahan sa contest?" Nakangiti niyang tanong.

"Medyo"

Lumapit si mama sa akin at naupo sa kama ko. "Alam kong mananalo kayo, magaling kaya kayo and isa ka sa pinakamagaling sa M.U." Pagpapalakas niya sa loob ko.

Napakunot ang noo ko. Paano nalaman ni Mama na sa M.U na ako nag-aaral? Kahit kailan ay hindi ko nasabi sa kanya ang paglipat ko ng school.

"A, Told me sweetie." Sabi ni Mama ng makita niya ang reaction ko.

Naglalakad ako papasok sa gate ng school ng makita ko si A. Agad siyang kumaway ng makita ako at lumapit papunta sa akin.

"Anong oras nga ang contest K?" Hingal  na tanog niya.

"2pm A. Bakit?" Bigla siya napatalon na ikinagulat ko. Nababaliw na ba to?

"Makakaabot pa ako!"  At niyakap niya ako.

"I.... can't....bre-ath....A" nahihirapan kong sabi kay A dahil sa higpit ng yakap niya 

"May practice kasi kami para sa quizbee. Buti na lang at hanggang 1pm lang kami "

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Si A? Sasali sa quiz bee?

"Seryoso?" Di makapaniwalang tanong ko.

Napasimangot siya sa naging tanong ko. "Nakakainsulto ka K ha" tinawanan ko lang siya.

"Joke lang A. Di ka naman mabiro. Alam kong magaling ka." Sabay pisil sa mukha niya.

Nagpaalam na kami ni A sa isa't-isa dahil late na siya sa practice nila at late na din ako sa call time namin.

"Kkkkkkkk!!!" Tawag ni Meg sa akin sabay hila sa  akin sa may sulok.

"Naibigay mo ba talaga yung sulat?" Pabulong niyang tanong.

Napakagat ako sa labi ko. Anong sasabihin ko?

"A-no ka-" hindi ko na matapos ang sasabihin ko dahil biglang sumulpot si Louis sa likuran ni Meg.

"Mukhang seryoso ang usapan a" nakangiting sabi niya.

"H-hindi naman masyado." Sagot ko.

Laking pasasalamat ko dahil dumating si Louis. Gustong-gusto kong sabihin kay Meg na hindi ko naibigay ang sulat kay Ivan. Kahit na nahawakan naman talaga ni Ivan yun pero hindi ko din naman alam kung nabasa ba niya yun.

Bumalik na kami kung nasaan ang nga kasama namin. Hindi na muna ako lalapit kay Meg para hindi niya matanong ulit yung tungkol sa sulat.

Mag_aalas dose na kami ng maghanda na kami para sa contest. Sinimulan na din kaming lagyan ng make up. Sinuot na din namin yung costume namin. Hindi ako comfortable kasi masyado itong sexy. Masyadong hang na para na akong naka bra. Masyado ding maikli yung shorts para sa akin. Panay hila ko sa shorts ko kasi nga naiiklian ako.

Napatingin si James sa akin. Kumunot ang noo niya. Bagay na bagay sa kanya yung costume. Lalong lumabas yung kagwapuhan niya.

"You need to change your costume." Seryosong sabi niya.

Nababaliw ba siya? Paano ako magpapalit? Ito na nga ang costume naming lahat di ba? Kung meron lang akong choice ay nagpalit na ako.

"Paano ako magpapalit? May ibang costune pa ba?" Taaa kilay kong tanong sa kanya.

May inabot siya sa aking paper bag. Pagtingin ko ay kaparehang-kapareha ng costume namin pero mas mahaba na ito.

"Saan mo to nakuha?" Tanong ko.

"Huwag ka ng magtanong at magpalit ka na." Sagot niya at nagpunta na siya dun kay Meg na nagsisimula ng ayusan.

Nagpunta ako agad sa cr para magpalit. Napangiti ako dahil comfortable na ako sa suot ko. Though maikli pa din pero hindi ka ganun kaiklit nung una.

Lumabas din naman ako agad sa cr pagkatapos kong magbihis.

"Omg! Bakit ganyan ang suot mo?" Komento agad ni Meg ng makita ako.

"Bakit ang haba ng suot mo?" Mahaba? Maikli pa nga to e.

"Kailangan kong tawagan ang gumawa ng costume mo K! Hindi dapat ganyan!!" Alam kong    frustrated na si Meg dahil sa suot ko.  Pero hindi naman ako nagmukhang nanay a.

Dinadial na ni Meg yung cellphone niya at rinig kong nagriring Na ito. Biglang hinablot ni Ivan yung cellphone na hawak hawak ni Meg.

"What are you doing Ivan?" Kunot noong tanong ni Meg.

"I'm stopping you Meg" seryosong sagot niya.

"What?" Di makapaniwalang tanong ni Meg kay Ivan.

"Look, there's nothing wrong with that costume!"  Sagot ni Ivan
" It looks good on her."  Dagdag pa nito

Napailing na lang si Meg sa naging sagot ni Ivan.

Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti sa narinig ko. He praised me.a

Shadows of YesterdayMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon