Fourteen

43 5 1
                                    

Fourteen

Tinulungan ko si Meg na ipagpaalam Yung mga members na kasali sa club na e-excuse lang muna for 1 week, dapat sana e 2 weeks kaso Hindi na pumayag Yung ibang professor Kasi masyado na daw mapapabayaan yung pag-aaral. Lunch time na Ng matapos kami nun. Kaya napagpasyahan namin ni Meg na kumain na lang sa canteen.

"Anong order mo?" Tanong ko Kay Meg ng makahanap na kami Ng table sa canteen.

"Gusto ko lang mag dessert ngayon K" sagot Niya.

Agad naman akong nagtungo at kumuha Ng pagkain na nakadisplay saka ko nilagay sa tray at nagbayad agad sa cashier at bumalik agad sa table namin. Ako na din Ang nag-order Kay Meg.

"Thanks, K" nakangiting Sabi niya Sabay abot ng pagkain.

Tahimik lang kaming dalawa ba kumakain. Pansin ko Ang mga nakaw na tingin ni Meg sa akin na animoy may gusto siyang sabihin.

"May problema ba Meg?" Tanong ko

"A-ano k-kasi K," nauutal na sabi niya.. "M-m-may Nakita ka ba k-kanina?" Nahihiyang tanong niya. Dahil maputi si Meg. Makikita mo talagang nagblush siya.

Bigla Kong naalala yung nakita ko kanina. Kumikirot na naman ang puso ko. Nagpalabas ako ng isang buntong hininga para hindi ako maluha. "Ano ka ba. Wala akong nakita Meg. Sakto lang na dumating si Louis Kaya natakpan Niya Mata ko. " Pagsisinungaling ko.

"Really? Alam mo K, Feeling ko Louis likes you." Diretsong Sabi niya batid sa Boses Niya na kinikilig siya.

Muntik na akong mabulunan dahil dun at dali-daling uminom ng tubig at bahagyang naubo. "Naku! Malabong mangyari yun Meg. Kahit kailan Hinding-hindi ako magugustuhan ni Louis no" natatawang sagot ko

"Believe me K. I know him well. He really likes you" nakangiting Sabi niya. Hindi na lang ako umimik at nagpatuloy na sa pagkain.

"What do you think about Ivan?"tanong ni Meg ulit. Bakit po Ang daldal niya?

Gusto kong sabihin na kamukha niya yung lalaking Mahal na mahal ko pero mas pinili Kong sabihin na " I think He l-l-likes y-you" halos nahirapan akong sabihin Yun.

"Talaga?" Nagmamaasang tanong Niya. I just nodded.

Alam ko na sinasaktan ko lang Ang sarili ko dahil sa mga sinasabi ko. Ganun naman talaga di ba? Pag nagmahal ka Hindi talaga maiiwasan Ang hindi masaktan.

"K, pwedeng favor?" Maamong tanong ni Meg sa akin

"Kung Kaya Kong gawin, pwede." Alangan naman pumayag ako agad sa favor Niya e. Hindi ko naman pala kayang gawin.

"Pwede mo ba akong tulungan Kay Ivan?"

"Ano???!" Halos lumuwa na ang mata dahil sa sinabi niya.

"Pwede mo ba akong tulungan Kay Ivan?" Nahihiyang pag-uulit Niya.

"B-b-bakit a-ako?" Di makapaniwalang tanong ko.

."because you're my best friend"

"B--best friend? A-ako?" She nodded. Bakit Hindi ako nainform?

"Pretty please.🙏" Pagmamakaawa Niya. Papayag ba ako? Paano kung ayaw ko? Magagalit Kaya siya? Gusto ko na nganm sanang lumayo na muna Kay Ivan pero bakit ganito?

"S-s-sure!" I smiled fakely. Sanay gabayan ako Ng Diyos sa mga desisyong ginagawa ko.

"Really?" Malapad ang ngiting iginawad Niya sa akin. Tumango na lang ako.

"Yey! Thank you so much best friend!" Then she hugged me.

Mabilis lumipas ang oras at uwian na. Gusto ko na sanang umuwi at magpahinga sa bahay pero may praktis pa kami. Agad akong dumiretso sa gym. Andun na silang lahat at nagsisimula ng magwarm up. Agad akong nagtungo sa locker room at nagbihis at lumabas.

Nag warm up akong mag-isa dahil patapos na sila sa pagwawarm up.

"Hi!" Napatingin ako agad sa lalaking nasa tabi ko ngayon na kasabay ko sa pagtakbo na. Ngiti lang ang isinukli ko.

"Hi!" Bati Niya ulit sa akin. Ang kulit talaga Ng taong to.

"Hello?" Natatawang sagot ko

"May nakapagsabi na ba sayong maganda ka? Pambobola niya

Natawa ako ng malakas dahil sa sinabi niya. Napatingin sa amin lahat ng kasama namin. Bigla akong napatingin Kay Ivan na nakatingin na din sa amin ni Louis. Hindi ko mabatid kung ano ang ibig sabihin ng mga titig na yun.
"Talaga?"

Shadows of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon