Eleven

52 5 1
                                        

Eleven

"hindi mo ba talaga ako maalala?"bigla kong naitanong kay Ivan na nagsisimula ng maglakad papalayo sa akin.

"May dapat ba akong maalala?" tanong niya pabalik sa akin. I sighed. Alam kong sa puntong to wala akong makukuhang sagot sa mga tanong ko.

"Uuwi na ako." sabi ko na lang at nilagpasan ko siya. Bigla na namang nanikip yung dibdib ko. Gusto ko na namang umiyak pero not here, not in this place kung saan makikita ako ni Ivan

Tumakbo ako papalabas ng gate dahil unti-unti ng lumalabo yung paningin ko dahil sa luha na parang gripong umagos. I don't know kung kaya ko pa bang ipagpatuloy yung plAno kong mangalap ng impormasyon kung siya nga ba si Ivan. Dahil ngayon, gusto ko ng sumuko. :(

Pinunasan ko na yung luha ko gamit yung panyo ni Louis, hindi ko pa pala to naisusuli sa kanya. Dalawang panyo na amg nasa akin. Napatawa ako ng bahagya dahil naisip ko si Bel. Ano kaya ang magiging reaksyon niya pag nalaman niyang dalawang panyo ni Louis ay nasa akin. Mababaliw na siguro ako.

Tumunog bigla yung cellphone ko, hudyat na may mensahe ako.

"Are you home?" text ni A sa akin. I smiled ng mabasa ko yung text ng bestfriend ko.

"on the way :)" i replied at saka ko binalik yung cellphone sa bag ko.

Dumaan muna ako sa isang ice cream shop para naman gumaan yung nararamdaman  ko.

"I'm home!!"  masayang sigaw ko ng makapasok na ako sa loob ng bahay.

"Ma?" tawag ko kay Mama ng mapansin kong walamg sumasagot sa akin.

Pumunta akong kusina nagbabakasakaling andun si MAma, pero wala. Binuksan ko yung fridge para maghanap ng pagkaen pero isang note ang nakita ko.

"'ll be out for a couple of days honey! I have important matter to be settled. Don't forget to eat. And take good care of yourself.

                  -Mama <3-

"crap!ako lang mag-isa ngayon sa bahay. Kung kailan kailangan ko ng kasama saka naman umalis si Mama. Nice timing!

Pagkatapos kong kumaen ay agad akong naligo at nahiga sa kama. Feeling pagod na pagod ako. "sana maganda ang araw ko bukas" sabi ko saka ako pumikit at nakatulog.

Alas sais ng umaga ay gising na ako. Kailangan kong gumising ng maaga para maghanda wala pa naman si Mama. Ano ba kasi yung aasikasujin ni Mama dun? Kunot noo kong tanong sa sarili ko.  Bumangon na ako sa kama at agad naligo. Habang nagsasabon ako ay bigla kong naalala na may quiz pala kami. "Shocks! Nakalimutan kong mag-aral" sabay sabunot sa buhok mo.

Dali-dali akong naligo, nagbihis, nagluto at kumaen saka umalis ng bahay. Habang nag-aabang ako ng tricycle ay nagbabasa ako. Madalian na pag-aaral ang gagawin ko.

"Sipag ah!" napatingin ako agad sa pinanggalingan ng boses.

"Hindi kasi ako nakapag-aral kagabi." nahihiyang pagkakasabi ko sa kanya na ikinatawa niya lang.

"anong nakakatawa?" kunot noong tanong ko.

"Nothing. You're so cute tho." sabay gulo sa buhok ko.

"Huwag mo kong bolahin Louis. Don't me!"  sabay irAp sa kanya.

"Bakit wala ata ang kotse mo?" pag-iiba ko sa usapan.

"tinatamad akong magdrive ee. At saka may gusto akong makasabay" sabay kindat sa akin.

Kung malisyosa lang ako iisipin kong may gusto to sa akin. Mabuti na lamg hindi.

May dumaang tricycle na agad din naming pinara. Kahit nasa biyahe ako ay patuloy pa din yung pagbabasa ko sa notes. Ayokong bumagsak.

"Bakit ba kasi hindi ka nakapag-aral?" tanong ni Louis sa akin

"Nakatulog ako e" sagot ko habang di nakatingin sa kanya

"Kahit di ka mag-aral, sigurado akong papasa ka" sabay kurot sa ilohg ko na agad namang namula.

"Namumuro ka na ah!"this time ay nakatingin na ako sa kanya habang magkasalubong yung dalawang kilay ko. Tapos tinawanan niya lang ako.

"Nababaliw ka na Louis"

Baliw sayo" na ikinatahimik ko at itinuon na lang yung atensyon ko sa pagbabasa.

Nakarating na kami sa school . Panay tingin ng mga estudyante sa akin. Sino ba namang hindi titingnan e kasama ko si Louis the great!

Agad akong pumasok sa 1st subject ko which is English. Dudugo na naman ilong ko nito.

Lumipas ang 1 1/2 hour ay natapos na din. May free time ako na isang oras bago yung next subject ko while si A naman ay dumiretso agad sa next class niya.

Pumunta muna akong music building dahil nagtext si Meg na pumunta daw muna ako dun saglit dahil may ibibigay siya. Bubuksan ko na sana yung pinto ng may marinig ako.

"I...I..L-l-lo-ve you, Ivan." mahinang sabi ni Meg. Sapat lang para marinig ko

"Look Meg, I'm sorry. But I can't love you back" sagot ni Ivan habang nakatingin kAy Meg.

"I know. Dahil hanggang ngayon ay siya pa rin." mapaklang ngumiti si Meg.

Anong ibig sabihin ni Meg? Akala ko ay may gusto sila sa isa't-isa pero one sided lang pala. Masyado akong naguguluhan.. Bubuksan ko na sana yung pinto ng may biglang humili sa akin at inilAyo niya ako dun.

Shadows of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon