Magpapast 8:00 na kaming natapos sa pagprapraktis. Feeling ko pagod na pagod ako. Ito yung praktis na sobrang nakakapagod kasi may mga binago at may idinagdag. May pagkakataon din na nagpapalit kami ng partners which is may pagkakataon din na kami ni Ivan ang magkapares.
Hindi ko mawari kung anong ekspresyon yung mga ibinibigay niya sa akin kanina habang magkapares kami. Masyadong malalim yung mga sinasabi ng mata niya na ang hirap basahin.
Natigil ang pag-iisip ko ng hawakan ni Louis ang kamay ko.
"You promised right?" Nakangiting sabi niya.
Oo nga pala. Sinabi ko sa kanya ma ililbre ko siya after praktis.Tinanguan ko lang siya "Wait lang kukunin ko lang mga gamit ko" paalam ko lang sa kanya.
Bumalik din naman ako agad at nakita ko ang malapad na ngiti ni Louis. Para bang nanalo siya sa lotto sa mga oras na ito.
"Saan tayo?" Tanong ko ng makalapit na ako sa kanya
"Ikaw manlilibre a" sagot naman ni Louis.
"Uyy manlilibre daw si K." Napakunot ang noo ko ng marinig ko ang boses na yun. Boses yun ni James na may mapipilyong ngiti sa kanyang labi.
Agad din namang nagsilapitan yung mga kasamahan ko sa akin.
"Totoo ba? Manlilibre ka?"
"Sama mo naman kami"
"Doon tayo sa sa bagong bukas na resto rinig ko masarap daw dun at saka mura pa"
Hindi ko alam ang gagawin ko. At ang isa pa dun wala akong pera. Hindi ko sila kayang ilibre lahat. Isang hamak ma estudyante lang ako at wala pa akong sweldo.
Tiningnan ko si Ivan ng masama at nagkibit balikat lang siya na tila ba wala siyang ginawa. I sighed in disbelief. Pinapahamak niya ako. At hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera.
Napangiti ako ng pilit. Gusto kong ibenta sa pawnshop tong si Ivan nang saganun ay magkapera ako. Total naman siya yung naglagay sa akin sa ganitong sitwasyon.
Tiningnan ko si Louis at ningitian niya lang ako. Pwede naman siguro akong mangutang sa kanya di ba?
Nagtungo na kami dun sa nasabing kakabukas lang na resto. Ang ingay ng mga kasama ko. Hindi din sumama si Meg dahil may pupuntahan daw siya. At lalong hindi sumama si James mabuti na lang dahil kung sumama siya dito siya ang ipambabayad ko.
Umorder na kami at gusto ko maglaho ng parang bola dahil sa dami ng inorder nila. Wala nga akong pera remember? Kailangan ko na atang ibenta itong isang kidney ko.
"Okay ka lang?" Tanong ni Louis sa akin ng mapansin niyang balisa ako.
Ngumiti ako ng pilit sa kanya at napakagat sa ibabang labi ko.
"Sinasabi ko na nga ba" sabi niya na tila ba alam niya ang problema ko ngayon
"Pwede bang pautang mo na.?" Bulong na pagkakasabi ko at mapangiti na lang si Louis.
"Kahit di mo na bayaran." He winked at me.
"Babayaran kita. Di pa naman masyadong makapal itong mukha ko. Hihi" i joked.
Dumating na yung mga order namin at nagsimula na kaming kumain. Masarap ang pagkain nila. Hindi masasayang ang pera mo.
Natapos na kaming kumaen at tinawag ko na ang waiter para hinging yung bill namin. Halos mabilaukan ako sa laki mg babayaran ko pang 2 months allowance ko na yun e.
Binigay ko na agad ang pera at naghihintay na lang ng sukli pero buo pa rin ang ibinalik ng waiter.
"Maam, may nagbayad na po pala" sabi ng waiter.
"Sino?" Kunot noong tanong ko.
"Ayaw niya pong ipasabi e" at saka siya umalis.
Wala akong maisip na tao na pwedeng bayaran ang mga kinain namin kanina. Tinanong ko din yung mga kasamahan ko kung binayaran ba nila.
"Hindi a! Libre mo kaya yun" yan lang ang tanging sinasagot nila.
Masayado ng gulo ang isip ko. Masyado na ding pagod ang katawan ko dala ng praktis.
Kung sino man ang nagbayad kanina malaki ang pasasalamat ko sa kanya. Nasave ang 2 months allowance ko. Gusto kong magpasalamat sa kanya sa personal pero paano?
Hinihatid ako ni Louis pauwi sa amin dahil gabi na at baka daw mapano pa ako sa daan. Sinabi ko naman sa kanya na I can handle myself. Kahit papaano ay may alam din ako sa basic self defense.
"Salamat" sabi ko kay Louis ng nasa tapat na kai ng gate namin.
"No, Ako dapat ang magpasalamat" nakangiting sabi niya sabay hawak sa kamay ko. I feel uncomfortable. Hindi ako sanay na ganito si Louis si akin. I Know he likes me, but hindi ko kayang suklian iyon.
Dahan-dahan kong kinuha ang kamay na hawak niya. At dali-daling lumabas sa kotse niya. Feeling masyadong mainit dun sa loob at pinagpapawisan ako ng maigi.
Muli ko siyang tiningnan at nagpaalam na ginatihan niya lang ng ngiti.

BINABASA MO ANG
Shadows of Yesterday
Fiksyen PeminatIsang aksidenteng , nagpabago sa buhay niya. Paano kung naisipan na niyang kalimutan ang mga pangyayari ngunit sa kabila ng kanyang paglimot ay makita niya ang lalaking akala niyang wala na.