" Oh my God, K!!! You'll never believe this!! " bungad sa akin ni A na may kasamang tili ng makita niya akong naglalakad sa hallway papunta sa classroom namin.
" OMG! OMG!!!" Paulit-ulit niyang sabi na animoy parang bulateng naputulan ng buntot.
"Teka nga A!! Ano bang nangyayari sa'yo?? Nasaniban ka ata ng masamang espiritu! " sabi ko dahil talagang hindi ko siya maintindihan. Bigla niyang hinawakan yung kamay ko at literal na kinaladkad papunta sa kinaroroonan ng bulletin board
"Excuse me! Makikiraan lang po! Dadaan ang magaganda!" sabi niya habang sinusuot ang mga nagkukumpulang mga estudyante na nakatingin din sa bulletin board.
"Finallllly!!!" Sabi niya na animou nakalabas kami sa isang gubat. "Looook!!" Tapos tinuro niya yung nakapost doon
CONGRATULATION AND WELCOME TO THE ZIONN CLUB.(bagong pangalan ng music and dance club).
1. Ana Marie Redoble
2. Ysabel Maghinay
3. Jillian Grace Uy
4. Xian Angelo Lim
Napako ang paningin ko ng makita ko ang pangalan ko.
5. PRINCESS KRIAN SERON
" Pasok ka K!!! Pasok ka sa Zionn!!!" Malakas na pagkakasabi ni A na naging dahilan kung bakit napatingin sa amin yong iba. Nakita ko iyong babaeng nakasabayan ko sa pila, iyong nakita kong umiyak.
"Tsk." Sabi niya na may halong lungkot sa mga mata at umalis din siya agad.
"May meeting kayo mamaya K! Ang bilis naman!" Sabi ni A. Binasa ko ulit yung nasa ibaba.
"PLEASE SEE US AT THE MUSIC BUILDING AT AFTER CLASS. WE WILL HAVE OUR FIRST MEETING. SEE YAH!! "
" Paano ba yan? Hindi na naman tayo magsasabay sa pag-uwi?" Malungkot na saad ni A.
"hintayin mo na lang kaya ako A?" Suhestiyon ko.
"Huwag na no!! Baka lamukin lang ako said paghihintay sayo! Sayang ang ganda ko kung lamok lang din ang makikinabang!" Biro niya.
"At saka mag-aaral pa ako sa math para bukas! Alam mo na, andun si crush! Kaya dapat magpa-impress ako!"
"Alam mo A, nagmumukha kang tanga! " natatawang sabi ko.
"Kung magtsitsismisan lang kayong dalawa diyan! Mabuti pa ay umalis na kayo sa harap! Nakakasikip lang kayo!" Sabi nung babae sa may likod.
"Wow ate!! Nahiya naman kami sa katawan mo! Kung tutuusin, ikaw pa nga iyong nakakasikip dahil sa laki ng katawan mo!" Sagot pabalik ni A. Ito ang ayaw ko kapag nagiging beast mode si A!
"Aba! Aba! Lumalaban!" Hindi ko na tuloy maexplain ang mukha ng babae ngayon na daig pa si majimbo sa sobrang pula.
"Tama na A. Mabuti pa ay umalis na tayo. Ayaw ko ng gulo." Pagpipigil ko sa magaling kong kaibigan.
"Pasalamat ka majimbo at mabait itong kaibigan ko, dahil kung Hindi? Lechon aabutin mo!" Huling banat niya at hinila na naman niya yung kamay ko.
Mga ilang metro na ang layo namin sa kinaroroonan ng bulletin board ng biglang sumalampak sa tawa si A na animoy parang baliw na nakatakas sa mental. Iyong totoo, bakit hindi ako na inform na baliw itong kaibigan ko?
" A, nagpacheck-up ka na ba?" Seryosong tanong ko.
Pinunasan niya yung mata niya dahil naluluha na siya sa kakatawa. "bakit, may sakit ba ako?"
"Mas lalo atang lumala iyong sakit mo sa utak." Binatukan ba naman ako.
"Alam mo K? Nakakarami ka na ha!! Kung baliw ako sana'y wala ako dito! Sana---"
"Sana'y andun ka sa mental?" Pagdudugtong ko sa sasabihin niya. Saka kami parehong natawa. Hindi ko maitatangging magkaibigan nga kami. Parehas kaming baliw.
Mabilis natapos ang klase namin at nagsiuwian na iyong mga kaklase ko. Habang ako naman ay papunta pa lang sa music para umattend sa nasabing meeting.
Nagpalabas ako ng isang malalim na buntong hininga ng marating ko ang pintuan ng building bago ko ito binuksan. Bumungad sa akin ang dalawampung tao na prenteng nakaupo sa kani-kanilang upuan. Nakita kong nakatayo sina Louis, Megan at Ivan sa harap kasama ang isang lalaking medyo may edad na din.
"Hi K!! " bati ni Meg sa akin ng makita niya ako.
"Atlast! You're here!" Nakangiting sabi ni Louis sa akin na sinuklian ko na lang ng tipid na ngiti. Hindi ako sanay sa ganito. Ayaw kong nakakaagaw ng atensyon.
Naupo ako sa bakanteng upuang nakita ko sa likod. Ganyan naman palagi diba? Iyong huling dumadating ay palaging nasa likod.
"As what I have said a while ago. Since 21 kayong bago. We decided to divide you in two group. Each group consist of 10 member."
"So, paano yung isa? 21 nga kami di ba?" Tanong ng kagrupo namin. Hindi ko kilala.
"Well, yung isa will be part of our group. Since tatlo lang kami nina Ivan, at Louis. Kailangan namin ng isa para mas maging maayos ang club lalo na ngayong iisa na lang ang music club at dance club." Sagot ni Meg
Nagtaas ng kamay itong katabi ko. "Yes?" Tanong ni meg.
"May napili na ba kayo kung sino ang kukunin niyo?" Tanong niya.
"Good question " sabi ni Meg nang nakangiti
"Nakapili na kami. Honestly nahirapan kami sa pagpili kung sino. Since we base it according to the performance during the audition ay madali kaming nakapagdecide."
"Sino ang napili ninyo?" Tanong nung babaeng bobcut ang buhok.
"Ivan, I'll give you the honour to announce her name." Sabi ni Meg sabay pulupot sa braso ni Ivan. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi magselos.
"Ikaw na Meg. Total ikaw naman ang pumili sa kanya." Sabi niya sabay tingin sa akin.
Narinig ko ang mahinang pagsipol ni Louis. Anong problema ng dalawang to??
I saw Meg pouted her lips na tila disappointed sa naging sagot ni Ivan. Talagang ganyan yan, pag ayaw niya talagang hindi niya gagawin.
Meg cleared her throat at saka nagsalita. "Okay guys! I would like you to meet the newest member of our group Ms. Krian Seron!!" Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway ng marinig ko ang sinabi ni Meg. Hindi pa rin maprocess ng utak ko iyon.
"k, are you okay? Sorry dahil hindi kita na inform." Sabi ni Meg ng lapitan niya ako. Hindi ko man lang namalayan ang paglapit niya. Nakita kong nagthumbs-up si Louis sa akin na may kasamang ngiti. Halata sa ngiti niyang masaya siya. Nadako ang paningin ko kay Ivan na busy sa cellphone niya. Ayan na man iyong I DON'T KHER SYNDROME niya.
Pagkatapos ng meeting ay nagsilabasan na rin kami sa building. Nasali sa meeting namin ang paghahanda para sa interschool dance competition. Hinati namin sa dalawang grupo. Iyong magagaling sumayaw sila ang isasabak sa contest kasali din kami.
Pinaliwanag din ni Meg kung bakit ako ang napili niyang isali sa grupo.
"Because you are flexible! You can sing, you can dance. Pinakita sa akin ni Louis yung videong nakuha niya ng makita ka niyang sumayaw sa labas ng bahay niyo." Napakunot ang noo ko. Nakita niya yun? Nakakahiya pa ma man iyong mga steps ko dun.
"Bakit parang lumillit na ang mundong ginagalawan natin Ivan?" I asked silently and went home.
BINABASA MO ANG
Shadows of Yesterday
FanfictionIsang aksidenteng , nagpabago sa buhay niya. Paano kung naisipan na niyang kalimutan ang mga pangyayari ngunit sa kabila ng kanyang paglimot ay makita niya ang lalaking akala niyang wala na.
