Natapos ang klase namin na quiz angending. Hindi ko tuloy nasagutan ang ibang tanong dahil lumilipad pa rin ang utak ko kay Ivan. "Kung buhay siya, bakit hindi ako pinuntahan? Bakit hindi siya nagpakita sa akin?" ginulo ko ang buhok dahil sa mga tanong na hindi ko man lang magawang sagutin.
"Lunch?" nakangiting aya ni Louis sa aking harapan. Nakita ko sa likuran niya yung babaeng nakabangga ko noon enrollment yung natapunan ko ng juice na nakasimangot ang mukha at halatang bitter.
"A-ano kasi, may g-gagawin oa kasi kami ni K!" pagsisinungaling ni A. Tiningnan ako ni Louis na tila sinisigurado kung nagsasabi ba ng totoo si A.
"Naku! Sorry talaga Louis. Talagang may gagawin kami ni A" pagsang-ayon ko sa pagsisinungaling ni A matapos niya akong panlakihan ng mata.
"Ganon ba? So next time na lang?" nagmamaasang tanong niya.
Gusto kong sabihin sa kanya na "Juskooo po Louis! Yung babae sa likuran mo gusto ata akong kainin ng buhay!" pero hindi ko na lang sinabi. I just smiled and nod bilang sagot ko.
"Yes! " mahinang pagkakasabi niya with gesture pa.
"Ha?" takang tanong ko
"W-wala! Basta ha, next time! Wala ng bawian!" nakangiting sabi niya ulit.
"Oo na nga kasi." nakangiting sagot ko at saka din naman naglakad papaalis si louis na may halong lundag pa.
Agad din naman akong kinaladkad ni A palabas ng classroo. Problema ng babaeng to?
"Teka A, nasasaktan ako." reklamo ko. Agad niya din naman siyang napahinto at saka sinabing "Sorry K" with peace sign pa. sarap niya tuloy hampasin ng libro.
"Saan ba kasi tayo pupunta? Bakit parang nagmamadali ka?"
"Kakain" simpleng sagot niya
"ABA!" hindi na natapos ang sasabihin ko ng takpan niya ng kamay niya yung bibig ko.
"May sasabihin ka sa akin di ba?" bigla kong naalala yung kanina. Gusto na tuloy umiyak.
"Kaya tayo na sa canteen. Mahaba-habang usapan ito" at hinawakan niya yung kamay ko tapos sabay kaming naglakad papauntang canteen.
Umorder muna kami bago kami naghanap ng mesang pandalawahan at hindi rin naman kami nabigo.
"So, ano na? Tell me everything! Huwag mong kakaligtaan kahit na maliit na detalye." sabi ni A nang makaupo na kami.
"Di ba pwedeng kumain muna?" I asked sarcastically. Masyado naman kasing excites ang lokang to.
"Mamaya na yan! Food can wait but I can't" sabi niya. I sighed in disbelief.
Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari kaninang umaga. Kung saan ko nakita si Ivan. Kung paano ako parang baliw sa sasakyan ni Louis kanina.
"Sigurado ka bang si Ivan yun K? Nakita mo ba ang mukha?" tanong niya ng matapos kong magkwento.
"Hindi ako pwedeng magkamali A! Kilalang-kilala ko ang likod niya! At kahit nakapikit ako alam kong siya yun!
" baka naman kasi magkasing tangkad at magkasing katawan lang sila. Baka napagkamalan mo lang!"
"Baka nga.." nasabi ko na lang ayaw ko nang makipagtalo. Kung totoong buhay siya eh di sana matagal na kaming masaya.
"C.R lang ako." paalam ko sa kanya. Hindi ako naiihi. Nagbabadya lang kasing tumulo itong mga luha ko.
Naglalakad ako papuntang restroom ng may marinig akong pamilyar na tugtog. Ewan ko pero bigla akong nanlamig.
I remember what you wore on the first day
You came into my life and I thought hey
You know, this could be something'Cause everything you do and words you say
You know that it all takes my breath away
And now I'm left with nothingAgad kong hinanap ang pinanggalingan ng tugtog. Palinga-linga ako habang naglalakad. Hanggang sa makita ko ang hinahanap ko. Napatakip ako sa bibig ko na tila nagpipigil sa paghikbi ng marinig ko sa malapitan ang boses.
So maybe it's true that I can't live without you
And maybe two is better than one
But there's so much time to figure out the rest of my life
And you've already got me coming undone
And I'm thinking two is better than onePinihit ko ang door knob para makita kung sino yung kumakanta. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko at huminto sa pag-ikot ang mundo ng makita ko ang lalaking nakatalikod na naka-upo habang naggigitara. Yung lalaking nakita ko kanina. Si I-Ivan... Lalapitan ko na sana siya para makita yung mukha ng may biglang humila sa akin at isinandal ako sa pader.
Napatulala ako dahil sa babaeng kaharap ko ngayon. Yung mga luha ko ay bigla na lang nawala.
"What are you doing here?" kunot noong tanong ng mestisang babae sa harap ko. Yung babaeng kausap ni Ivan kanina. Hindi ako makasagot. Tila naiwang yung dila ko.
"I'm asking you! What are you soing here?" tanong niya ulit. Napatingin ako sa pintong bahagyang nakabukas. Wala na siya doon. Tumigil na din kasi ang music.
"Bingi ka ba?" pigil na galit niyang tanong
"A-ano kasi.. M-may n-narinig k-kasi akong p-pamilyar na b-boses kaya hinanap ko." nauutal na sabi ko.
"s-sorry kung nakakadisturbo ako" pagpapaumanhin ko
Ilang segundo niya akong tinitigan na animoy hindi naniniwala sa sinasabi ko.
"Ikaw talagang bruha ka! Ang sabi mo ay magccr ka lang! Bakit ka napadpad dito?" laking pasasalamat ko ng dumating si A.
"Oooop, sorry! Nakakadisturbo ba ako?" biglang sabi ni A ng mapansin niya ang mestisang babae sa harap ko.
"No.. Tapos na din kaming mag-usap" sabi ng babae at umalis. Napaawang ang bibig ko habang nakatingin sa kanya na papaalis.
"Sino siya?" tanong ng isip ko na siya ring tanong ni A sa akin
"Hindi ko alam." nakatulala kong sagot. Daig ko pa ang natrauma nito.
"o heto!" sabay abot ng plastic sa akin. "pinabalot ko na yung order mo. Ang tagal mo kasing bumalik" dagdag pa niya. Agad ko din namang inabot iyon.
"Punta na tayo sa next class natin?" saka ko lang napagtantong tapos na ang lunch break. Hindi man lamg ako nakakain.
Habang naglalakad kami ni A papunta sa next class namin ay hinarang kami ng isang katirbang kababaehan na daig pa ang nagwelga sa labas.
"Stay away from Louis!" utos na pagkakasabi ng babaeng nakabangga ko during enrollment. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Excuse me? Sino ka ba?" aba! Malay ko sa babaeng to! Hindi ko naman kilala!
"OH MY FUNNY GOAT! hindi niya kilala si Bel?" side comment ng mga babae sa tabi-tabi.
Napapaypay siya sa dalawa niyang kamay na animoy hindi makapaniwala sa tanong ko.
"OH MY GOD! I FORGOT, TRANSFERREE KA NGA PALA," maarteng pagkakasabi niya.
She cleared her throat at sinabing "LOUIS IS MINE SO BACK OFF!!" pagkatapos niya sabihin yan ay she flipped her curly at umalis. Ang sarap niyang kalbuhin!!
"Louis is mine, so back off!" panggagaya ni A kay Bel ng makaalis na ito. "Mukha niya! Hindi naman maganda!" natawa na lang ako sa side comments ni A. Masyadong affected ang loka!

BINABASA MO ANG
Shadows of Yesterday
FanfictionIsang aksidenteng , nagpabago sa buhay niya. Paano kung naisipan na niyang kalimutan ang mga pangyayari ngunit sa kabila ng kanyang paglimot ay makita niya ang lalaking akala niyang wala na.