Twenty One

44 6 2
                                    

Mabilis lumapas Ang araw at last praktis na namin ngayon. Bukas na ang contest. Karamihan na din sa amin ay kabado.
Hindi ko na nga masyadong nakakausap si A dahil busy din siya sa math club niya. Inspired siya masaydong mag-aral ng math dahil kasama niya yung crush niya .

"Be serious" kunot noong sabi ni Ivan sa akin ng mapansin niyang wala ako sa sarili. Kakapalit lang kasi ng partners 

Hindi na lang ako umimik at nagconcentrate na lang sa pagsasayaw. Ilang araw ko ng nahahawakan ang kamay niya dahil sa praktis pero ang lakas pa din nang kabog ng puso ko sa tuwing hinahawakan niya yung kamay ko.

"You're blushing" puna niya sa akin. Agad ko namang nahawakan ang dalawa kong pisngi na tila ba sinisigurado kung totoo ba ang sinabi niya.

He just chuckled "Damn! Ginogood time mo lang ba ako?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"I'm not" sabay ngiti. Damn those smile. Yan yung ngiting miss na miss ko.

"Louis!!!" Agad kaming napatingin kay Meg na nakaupo na sa sahig. Parang nalaglag ata.

"I'm sorry Meg" paghingi niya ng tawad.

"What happen to you? Wala ka sa huwesyo?!" Sabi ulit ni Meg

"Bukas na yung contest, so stay your focus!" Panay ang sermon ni Meg kay Louis pero wala sa kanya yung atensyon niya kundi na sa akin.

Nag thumbs up ako sa kanya na tila ba pinapalakas ko ang loob niya and he just smile.

"Break na muna!" sabi ni Meg.

Agad ko namang pinuntahan  si Louis. May problema ba siya?

"Hey." Sabi ko sabay abot ng mineral water sa kanya.

"Thanks." Simpleng tugon niya.

Umupo ako sa tabi niya. Di ko na kailangang magpaalam pa sa kanya wala naman sigurong magagalit.

"Okay ka lang ba?" Sincere kong tanong

"Ngayong katabi na kita? Okay na ako." He smiled. I know he's not serious Kaya tumawa na din ako.

"Anong nangyari kanina?"

"Nawala ako sa focus e" nahihiyang pagkakasabi niya sabay kamot sa ulo niya

Natawa ako sa naging reaksyon niya.

"Sa susunod kasi Lo magfocus ka. Napagalitan ka tuloy ni Meg."

"Paano ako makakapagfocus kung nasa iyo ang atensyon ko?" Biglang nawala ang tawa ko dahil sa sinabi niya. Tila ba nawala bigla yung Dila ko at hindi ko na mahanap pa.

"A-ano L-lo, c-c-r lang a-ak-o" utal na sabi ko

Hinawakan niya ako. "I'm serious K.  I want to court you"

Hindi na ako sumagot pa at nagpasya nang umalis at pumasok agad sa comfort room. Pulang-pula ang pisngi ko. "God!" Sabay hampas ng mahina sa mukha ko.

Naghilamos ako ng tubig para naman mawala yung kabang nararamdaman ko.

Pagkatapos kong magcr ay bumalik na ako agad para magpraktis ulit. Tiningnan ko si Louis na seryosong kausap si Meg. Hindi ko na tuloy alam kung paano siya kakausapin. .

Napadako ang tingin ko kay Ivan na seryosong nakatingin sa akin. Ayan na naman yung tingin na di ko mawari kung galit ba siya.

"Half day lang ang praktis natin ngayon kailangan nating magpahinga." Anunsyo ni Meg

"Balik na sa praktis guys!" Nagsitsyuan naman agad yung mga kasama namin.

Magkatabi na kami ngayon ni Louis sa formation pero nahihiya akong kausapin siya. Masyado akong nabigla sa sinabi niya sa akin kanina.

"I'm sorry K" tiningnan ko siya "Nabigla ba kita?" Tanong niya.

Nagsisimula na kaming sumayaw "Konti." Simpleng sagot ko.

Ngumiti lang siya sa akin "I know nahihirapan kang magdecide. I will wait until you're ready"  nakahinga naman ako ng maluwag pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Thank you Lo." At ngumit ako sa kanya.

Lunch break na ng matapos ang praktis namin. Habang nililigpit ko ang mga gamit ko ay tinawag ako ni Meg.

"K, Do me a favor please." Sabi ni Meg.

Ano na naman kaya ang ipapagaws niya sa akin? Baka tungkol to sa pagpapatulong niya kay Ivan.

"Pwedeng pakibigay kay Ivan?" Kagat labing pakiusap  niya.

Bakit ako ang magbibigay kung pwede namang siya? Alam kong nagpapatulong siya pero di ba niya pwedeng ibigay niyaa na Lang agad Kay Ivan?

Tinangap ko yung sulat na pinabibigay niya kay Ivan. Ano kayang nakasulat sa loob nito? Gusto kong basahin pero hindi ko naman ugali ang basahin ang sulat na hindi para sa akin.

"Thank you so much K!" You're the best talaga!" Sabay yakap sa akin ng sobrang higpit.

Nagpaalam na ako kay Meg matapos yung pag-uusap namin. Naglalakad ako sa may Hallway habang titig na titig ako sa sulat ni Meg. Paani ko ba to ibibigay kay Ivan? Hindi naman kami masyadong close. Nagpalabas ako ng isang malalim na buntong hininga. Binibigyan ko lang ng problema itong sarili ko.

Nakita ko si Ivan na naglalakad at malapit na ito sa gate. "Bahala na si batman!" Sabi ko sa sarili ko

"Ivannn!!!!" Tinawag ko siya from the top of my lungs.  Huminto naman siya at tiningnan ako habang nakakunot Ang noo.

Tumakbo ako ng mabilis papunta sa kanya mga tatlong hakbang na lang sana ang pagitan sa aming dalawa ay saka naman ako nadapa. Napapikit ako sa pag-aakalang mahahalikan ko na ang lupa pero nalaglag ako sa isang malambot na katawan.a

Halos lumabas ang kaluluwa ko sa aking katawan ng sa pagmulat ko ay mukha na ni Ivan ang kaharap ko. Ilang beses akong pumikit-pikit tila sinisigurado ko kung totoo ba ito o panaginip lang ba.

"W-will y-you ple-ase g-et up? Ang bigat mo kaya" nahihirapang sabi niya

Bigla naman akong tumayo at inayos ang aking sarili. Hiyang-hiya ako sa katangahang ginawa ko.

"You're still clumsy as always." Sabi niya saka siya umalis at naiwang tulala.

Shadows of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon