Twenty-six

30 4 1
                                    

Mag-aalas otso na nang makauwi na ako sa bahay. Natapos yung paligsahan mga 6:30 na ng gabi. Hindi na ako sumabay pa sa mga kasama kong umuwi dahil sa nangyari kanina.

Malaki ang ngiti ni mama ng makita niya ako batid kong nalaman na niya na kami ang nagchampion sa contest.

"Congats sweetie!" Nakangiting salubong ni Mama sa akin sabay yakap.

"Thanks Ma!" Masayang sabi at niyakap ko din siya.

"One contest to go!" Excited na sabi ni mama habang pumapalakpak pa. "Manunuod talaga ako bukas." Dagdag pa niya.

Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan.
"Talaga?" Tanong ko. At tumango lang si Mama.

"At saka last kitang narinig kumanta ay last year pa. Noong buhay pa si Ivan."

Ngumiti ako ng mapakla. Simula kasi noong nawala si Ivan ay hindi na ako kumanta at sumayaw pa. Talagang ngayon lang ako bumalik. Bigla kong naalala si Ivan. Paano kong makita siya ni Mama bukas? Hindi pwede yun!

"Ma, pwede bang huwag ka na lang munang manuod?" Malambing na pagkakasabi ko. Napakunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Bakit naman?"

Kailangan kong.makahanap ng dahilan para hindi siya pumunta ng school bukas. Ayaw kong magkita sila ni Ivan dun.

"A k-ka-si.. mas m-maprepressure lang ako lalo" pagdadahilan ko.

Tinaasan lang ako ng kilay ni Mama habang naka cross armed. "May tinatago ka ba sa akin K?" Seryosong tanong niya.

"W-wala naman po" pagsisinungaling ko.

"Then pupunta ako." Di na ako nakaimik pa dahil umalis na si Mama at nagpunta na siya sa kusina  at ipinaghanda niya ako ng makakain.

Kinabukasan ay maaga kong tinawagan si A para humingi ng tulong. Kailangan niyang ilayo si Ivan sa school. Hindi siya dapat makita ni Mama.

"Hello" antok na sagot ni A.

"A, help me please." Nagmamakaawa kong sabi.

Rinig kong nahulog si A sa kanyang kama dahil sa may kumalabog.

"Aray.. anong sabi mo?" Tanong niya ulit.

"Tulungan mo ako." Sagot ko.

"Saan?"

"Ilayo mo si Ivan sa school. Pupunta si Mama." Natatarantang sagot ko 

"Omg!!! You're kidding right?" Alam ko sa mga Oras na ito ay sobrang laki na ng mata ni A.

"Seryoso ako A." Mahinang sabi ko. Imbis na ang inaalala ko ngayon ay ang contest ko mamaya. Heto ako ngayon stress na stress sa planong pagpunta ni Mama sa school. Kung pwede lang sana ang hindi sumipot pero nakakahiya naman kay Louis.

Binaba na namin ni A yung tawag. Hahanapin niya daw si Ivan mamaya pagkadating niya sa school at hindi na niya daw tatanggalin ang paningin niya dito.

Nagpasya na akong maghanda para sa pagpunta sa school. Unang araw ng intrams namin  ngayon. Amg araw kung saan kakanta ako sa isang paligsahan.

Nakarating  na ako ng school dumiretso ako agad sa pagdadarausan ng paligsahan sa may auditorium ito.

Panay ang lakad ko back and forth dahil sa kaba. Hindi pa dumadating si Louis. Hindi pa din siya nagtetext. Malapit na kaming tawagin. I tried to call him pero walang sumasagot. May nangyari kaya sa kanya?

Biglang dumating si Meg kasama si Ivan. Mababakas sa mukha ni Meg ang pagkabalisa.

"K, Hindi na makakarating si Louis" natatarantang sabi ni Meg sa akin na nagpatulala sa akin.

"He's in the U.S now. May emergency daw kasi" dagdag pa nito.

Anong gagawin ko? Huwag na lang kaya akong umakyat ng stage? Magback out na lang kaya ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Masyadong magulo ang utak ko ngayon.

"I'll sing with you." Agad akong napatingin kay Ivan ng sabihin niya yun. He's serious.

"Ano ba ang kakantahin niyo?" Dagdag pa niya. Hindi pa din ako nagsasalita. Hindi maprocess ng utak ko yung mga sinabi ni Ivan.

"Perfect! Pwede kang magsub Ivan!" Masiglang sabi ni Meg.

"Anong kakantahin niyo K?" Tanong ni Meg sa akin. Wala na kaming panahon para magpraktis pa.

Dali-dali kong kinuha yung kopya ng kanta sa bag ko. Inayos namam ni Ivan ang gitara ko saka niya kinapa ang lyrics ng kakantahin namin.

Hindi ko alam kung tama ba tong desisyon ko. Bahala na si batman. Ito ang contest na hinihiling ko na sana ay hindi makarating si Mama.

Tinawag na kami ng emcee at agad din naman Kaming umakyat sa stage. Napuno mg hiyawan ang buong auditorium.

Nagsimula ng magstram ng gitara si Ivan. Tinanguan niya ako bilang hudyat ng intro

"Heto na naman ako,
Nag-aabang ng bago sa istorya ko
Paulit-ulit na lang
Paulit-ulit na lang." Panimula ko sa pagkanta

"Heto na naman ako,
Tinitignan sa'n nagkamali ang puso ko,
Parang walang katapusan
Walang katapusan."  Habang kikanta ko yung lyrics ay  nakatingin lang ako kay Ivan. Saan nga ba ako nagkamali?

"Kahit pilitin pa'ng sarili
Ibigin kang mali,
Ako'y Mali
Ako'y Mali" mali ba ang ibigin kita? Isa nga bang pagkakamali ang ibigin ka Ivam?

"Paano ba ang magmahal?
Palagi bang nasasaktan" duet namin sa chorus. Nakatingin lang din siya sa akin. May gustong sabihin ang mga mata niya pero hindi mabasa ito.

"Umiiyak na lang palagi,
Gusto ko nang lumisan." Minsan gusto ko na ding sumuko sa pag-ibig na pinaglalaban ko para sayo.

"Paano ba ang magmahal?
Kailangan bang nasasaktan
Lagi na lang, di maaari
Ngunit ayaw lumisan." Hindi ko na napigilan ang maluha pa. Bawat lyrics ng kanta ay para bang isang bala na tumatama direkta sa puso ko.

Heto na naman ako,
Parang hindi nadadala ang puso ko
Kahit nasusugatan
Aking ipaglalaban

Kahit pilitin pa'ng sarili
Ibigin kang mali,
Parang mali
Parang mali

Paano ba ang magmahal?
Palagi bang nasasaktan
Umiiyak na lang palagi,
Gusto ko nang lumisan.

Malaki ang pasasalamat ko at naitawid ko ang pagkanta ng hindi pumipiyok kahit na panay pa din yung pagtulo ng luha ko.

Pagkatapos naming mag bow ay bumaba ako agad sa stage at hinanap si Mama.

Shadows of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon