Thirty

73 4 3
                                        

"Meg!" Tawag ko sa kay Meg. Sinusundan ko kasi siya. Gusto kong humingi ng sorry sa nangyari.

"Meg!" Sabay hawak ko sa kamay niya ng maabutan ko siya.

Napahinto siya sa pagkakahawak ko at isang malakas na sampal ang ibinigay niya sa akin. Napabitaw ako sa kanya at napahawak sa pisngi kong sinampal niya.

"I-I-I'm s-sorry" utal na sabi ko habang hindi makatingin sa kanya ng deretso.

Bahagya siyang natawa "Ano pang magagawa ng sorry mo?" Masama niya akong tiningnan  "Alam mong gusto ko si Ivan K! I even asked your help and you agreed! Pero bakit ganun?" Naiiyak na tanong niya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko para akong nasalang sa isang oral recitation at hindi nakapag-aral.

"Gusto mo ba si Ivan?" Deretsong tanong niya.

Napatingin ako agad sa kanya nang itanong niya yun. She's hurt nakikita ko sa mukha niya

She smirked ng hindi ko sinagot yung tanong niya. "You like h-" hindi natapos ni Meg yung sasabihin niya dahil biglang dumating si Ivan.

Nilapitan siya ni Ivan sabay hawak sa kamay niya. Biglang may konting kirot sa puso ko nang makita ko iyon.

Binawi naman agad ni Meg yung kamay niyang hinawakan ni Ivan at tiningnan niya ito ng masama.

"I hate you." Seryosong sabi ni Meg kay Ivan at umalis. Nakakailang hakbang pa lang siya palayo ay bigla siyang huminto at tiningnan ako "You are no longer part of the club K." Ang huling sinabi ni Meg at tuluyan na niyang tinahak ang daan palabas.

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang marinig ko iyon. I am no longer part of her club. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko lang. I really love   dancing and singing. Alam kong pwede pa akong kumanta at sumayaw kahit na hindi na ako member ng club pero may part sa akin na gustong-gusto makita at makasama ulit na su mayaw si Ivan.

"Don't mind what she said K." Sabi ni Ivan nang makalapit siya sa akin tumango na lang ako bilang sagot ko.

"Meg is mad at me. Sigurado akong  kinasusuklaman niya ako."  Mahinang sabi ko sa kay Ivan. Bigla niya akong niyakap at bigla na lang ding tumulo yung luha ko.

"May audition daw para sa music club? Balita ko may natanggal na isang kagrupo e"

"Talaga? Sino?"

"Hindi ko kilala e." Hindi ko maiwasan  ang hindi makinig sa pinag-uusapang ng mga estudyante dito sa loob ng canteen.

Andito ako ngayon sa canteen sinasamahan ko si A.

"Akala ko pa naman mabait ang Meg na yun. Yun pala hindi." Nakabusangot na sabi ni A habang sinusubo yung banana cueng kinakain niya.

"She's kind K. Masyado lang siyang nasaktan kaya ganun" depensa ko.

"Kahit na nasaktan siya dapat ay hindi niya dinamay yung pagsali mo sa club. Di porket siya ang presidente dun ay ganun-ganun na lang gagawin niya. Masyado siyang mapang-api." Mahabang litanya ni A.

"Kahit sinong tao A gagawin yun. Kapag kasi nasaktan tayo hindi na natin alam kung ano ang tama at mali. " sabi ko.

"Alam mo din K, masyado ding o.a yung Meg na yun porket nakita niya lang kayong magkahawak kamay ay kayo na agad. Di ba pwedeng friends mo na?" Napahilot na lang ako sa noo ko. Hindi ko alam kung paano ko ipapaintindi sa kaibigan kong ito na walang kasalanan si Meg kung bakit ako natanggal sa music club.

"Saan ka tatambay ngayon?" Tanong ni A sa akin nang matapos na siyang kumain.

"Magalilibot ulit." Tipid kong sagot.

"Samahan kita." Nakangiting sabi niya sa akin at pumayag din naman ako agad.

Nabigla ako sa biglaang pagtunog ng cellphone ko. Tiningnan ko agad kung sino ang tumatawag its an unknown no.

"Hello" panimula ko

"K!" Napakunot ang noo ko sa boses na narinig ko. "Si Louis to." Dugtong niya.

"Wala ka na daw sa ZIONN?" Di makapaniwalang tanong tanong niya. Tumango ako na para bang kaharap ko lang siya.

"Sinong nagtanggal sayo?" Batid ko sa boses niya ang pag-aalala.

"Si M-Meg" halos mabilaukan ako namg sabihin ko ang pangalan ni Meg.

"Sh*t!" He silently cursed. "I'll call you later K. Tatawagan mo muna si Meg. And don't worry hindi ka maalis si Grupo." Then he ended the call.

"Sino yun?" Tanong agad ni A sa akin nang maibaba na ang tawag.

"Si Louis."

"Anong sabi? Miss ka ba niya?" Pagbibiro niya.

"Hindi. Baliw mo." Kung nasa mood lang ako ngayon malamang ay nasapak ko na tong kaibigan ko 

"Ano ngang sabi niya?" Pangungulit ni A sa akin.

"Nagtanong lang kung sino amg nagtanggal sa akin sa grupo." Walang ganang sagot ko 

"Tapos?" 

"At  huwag daw akong mag-alala dahil hindi daw ako matatanggal sa grupo."

"Omg! Ang sweet ni Louis sa'yo!" Kinikilig na pagkakasabi ni A na para bang siya yung sinabihan nun.

"Penge ng isang Louis Ray Gonzales please!" Dugtong pa ni A. Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi niya.

Matapos kumain ni A ay naglibot-libot muna kami. Panay lang ang kain niya na para bang hindi siya nakakain ng isang buwan.

"Oy K! Si Ivan o!" Bigla naman akong napatingin sa tinuro niya at nakita ko si Ivan. Kasama na niya si Meg. Mukhang okay na sila para bang walang nangyari kanina.

I smiled bitterly nang makita kong magkahawak yung kamay nila. Kani-kanina lang hawak-hawak ko ang kamay mo Ivan. Ngayon iba na ang nakahawak sa kamay mo.

Biglang tumunog ulit ang cellphone ko. Bago ko yun sinagot ay nakita ko ang pagsulyap ni Ivan sa akin na naging dahilan kung bakit napatingin si Meg sa akin at bumusangot ang kanyang mukha.

Hindi ko na lang sila pinansin at agad na sinagot yung tawag.

"K." Its louis.

"You're part  of the ZIONN na ulit!!" Masayang pagkakasabi niya sa akin. Sa sobrang tuwa ko ay napatalon ako ng sobrang lakas at sa hindi inaasahang pagkakataon ay natapilok ako kaya ako natumba na naging dahilan kung bakit napatingin sa akin yung mga estudyante doon.

"Are you okay?"

Natulala ako sa taong nasa harapan ko ngayon. Nakaluhod siya kung saan magkalevel yung mukha namin.

Kailan pa siya nakapunta dito?

Tinulungan niya akong tumayo at pinagpagan ang tuhod ko.

"Wala ka pa rin talagang pinagbago" mahinang sabi niya pero rinig ko.

"S-salamat I-ivan." Naiilang na sabi ko dahil nakatingin si Meg sa akin na kunot na kunot ang noo.

Shadows of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon