Two

129 7 1
                                    


Maaga akong nagising kinabukasan para magpa-enroll sa M.U. Iba kasi ang patakaran ng eskwelahang ito. First come, first served! Pag una kang nakapagpa-enroll mas malaki ang chance mong makapili ng kursong gusto mo. hindi alam ni mama ang paglipat ko ng school, though yun ang gusto niyang mangyari ay hindi ko pina-alam. Ayaw ko lang kasi sa ideya niyang pagpapalit ng kurso ko.

Naglalakad ako papasok sa gate ng M.U nang magbeep ang cellphone ko. Binasa ko yong mensahe ni A. " Nasaan ka na? Andito ako sa canteen."

I was about to reply her ng tamaan ako ng isang empty plastic bottle. Agad napadako ang tingin ko sa pinanggalingan ng empty bottle. Nakita ko ang isang babaeng nakatungo, mataas ang paldang suot, may malaking salamin, medyo magulo ang buhok. Tingin ko sa itsura pa lang ng babae ay may bullying na nagaganap. Laking gulat ko na lang bigla nilang buhusan ng isang baldeng tubig na may ice ang babae. I pity her.

Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko about sa pagtratransfer dito. Mga abnormal ang mga estudyanteng nag-aaral sa eskwelahang ito. Nakita na nga nilang binubully ang isa, nagagawa pa nilang pagtawanan. Gusto kong tulungan ang babae pero baka ako naman ang pagdiskitahan. Kaya lang naman ako lumipat ng school ay para makalimot.

Bagsak ang balikat ko papuntang canteen. Naawa ako sa babaeng nakayuko at basang-basa habang nilalamig.

"HOY! Lutang ka na naman!" bungad ni A sa akin ng mapansing wala ako sa sarili.

"Huwag na lang kaya tayong magtransfer A?" mahinang sabi ko.

Biglang nagsalubong ang kilay niya na animoy pinaprocess ang sinabi ko.

" Naku K! Huwag mo akong mabiro-biro ng ganyan! Kung alam mo lang ang piangdaanan ko para makuha to!" tapospinakita niya sa akin ang form na fifill-upan namin. Halos lumuwa ang mata ko dahil sa pagkaka-alam ko ay hindi madali ang makakuha ng form. Kinakailangan mo pang tumawid nang ilang sapa at umakyat ng ilang bundok!

"Paano ka nakakuha niyan A?" tanong ko.

" I have my ways K! Kaya huwag mo akong mabiro-biro ng ganyan dahil dugo't pawis ang inilaan ko para makuha lang ang lecheng form nato!" sa tono ng boses niya para nga siyang dumaan sa butas ng karayom.

"pero A, may bullying dito."

"Lahat ng eskwelahan may bullying na nagaganap K! Kaya huwag kang OA at fill-upan mo itong form ng maipasa na natin sa admin!" sabi niya at napanguso ako.

Matapos kong fill-upan ang form ay agad kaming pumunta sa admin para maipasa iyon. Kumatok muna kami sa pinto bago pumasok sa loob. Laking gulat ko na lang ng makita ko yong lalaki sa park na prenteng nakaupo sa mesa.

"Ikaw ang admin?" naibulalas ko na nagpakunot ng noo ng lalaki.

"Ganyan na ba ako katanda para mapagkamalan mong admin?" natatawang sabi niya

"S-sorry. Kasi naka-upo ka diyan." sabay turo ko sa mesang kinauupuan niya na may nakalagay na admin. halos mapasigaw ako ng biglang sundutin ni A ang tagiliran ko.

"Gaga! Ang bata-bata pa niyan mapagkakamalan mong admin? eh mga gorang yun!" bulong ni A sa akin.

Tumawa ng malakas yung lalaki at biglang tumayo. "Let me introduce myself first. I'm Louis Ray Gonzales." sabay abot ng kamay at inabot ko rin para makipaghand shake

"Hindi ako ang admin dito. Napag-utusan lang ako na dito muna tumambay." nakangiting sabi niya

"So,I guess magpapasa kayo ng form?" tanong niya habang nakatingin sa form na hawak-hawak ko.

"ha-ha-ha" pilit na tawa ni A. "OO nga pala yung form" tapos hinablot niya yung form sa akin at ibinigay kay Louis.

Naupo siya pabalik at pinagtuunan ng pansin yung form namin. Mga ilang minuto lang ay natapos na siya. "here.." sabay bigay ng form na agad din naming inabot iyon at nagpasalamat bago lumabas.

Shadows of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon