Eight
"So, ano na?? Sasali ka sa music club?" tanong ni A sa akin matapos ang panghuli naming klase namin sa araw na ito.
"Ikaw ba, anong club ang sasalihan mo?" pag iiba ko sa usapan namin. Panadalian siyang nag-isip.
"Hmmmmm.. Math club siguro." muntik ma akong madapa ng marinig ko yung sagot niya.
"Nagpapatawa ka ba A?? Dahil kung Oo? EFFECTIVE!!" natatawang sabi ko. Bigla ba naman niya akong binatukan na animoy may nasabi akong masama.
"Seryoso ako K! Math club talaga amg sasalihan ko!" napatigil ako sa pagtawa
"Baliw ka ba? Nangangamote ka na nga sa Math, doon mo pa napagpasyahang sumali! End ofthe world na ba?"
"Bakit ba? May requirements ba na dapat magaling ka sa Math kapag sasali ka sa Club nila? Basta nandoon si Crush, okay na yun!! Makakasurvive ako! At teka n ga! Winawala mo ang usapan natin K! Sasali ka ba sa Musicclub?" mahabang litanya niya and I nodded. Nakapagdesisyon na akong sasali sa Music club. Nagbabasakaling may makuhang ebedinsya na si Ivan nga yon.
"Paano ang pagsasayaw mo?"
"Pagsasabyin ko na lang. Gusto ko rin namin ang pagkanta."
"Gusto? O may gusto kang makita?" makahulugang tanong niya.
"Gusto kong kumanta A! Yun lang! Wala ng iba! At saka pwede bang magpatingin ka na sa Psychiatrist king anu-ano na lang iyang pumasok sa utak mo!!" sabi ko.
"Baka gusto mong sumama? Patingin na tayong dalawa?" biro niya. Inirapan ko na lang siya. Kahit kailan talaga walang paglalagyan ang kabaliwan ng babaeng ito.
"O siya! Kita tayo later! Magpaparegister muna ako sa Mtah Club."
"Sige." sabi ko.
"AJA!! Break a Neck! Pag-eencourage ni A sa akin. Ngayon din kasi ako mag-o-audition.
"Ikaw din! Break your brain!" natatawang sabi ko.
"Baliw!! Umalis ka na nga!!" pagpapa-alis niya sa akin.
"OMG!!You're here!! Mag-o-audition ka?" tanong ni Meg ng makita niya akong nakapila sa mahabang pila sa labas ng music building.
"Pwede pa ba?" nahihiyang tanong ko.
"Nukaba!! Hindi mo na kailangang mag-audition! Sana tinawagan mo na lang ako!" sabi niya na naging dahilan kung bakit napatingin sa amin yung ibang mag-o-audition.
"Tsk!! Favoritism! Sino ba siya?" side comment ng iba na hindi man lang narinig ni Meg.
"Ano kasi Megan.."
"its Meg" putol niya sa akin.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Ano kasi Meg, gusto kong mag-audition para fair. Parang sobrang unfair naman para sa iba na nagtiyagang pumila dito para lang makapag-audition." mahabang paliwanag ko.
ngumiti siya ng sobrang laki at bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit "I really like you"
"Hihintayin kita sa loob. Galingan mo!!" sabi niya saka pumasok sa loob.
"N.29" mahinang basa ko sa numerong hawak-hawak ko.
"Totoo ba na sabay ang audition sa dance club at music club sa loob?" tanong ngbabaeng nasa harapan ko doon sa taong nasa unahan niya.
"Yan din ang narinig ko. Mukhang napagdesisyunan ng admins na ipagsanib ang dance at music club para na rin siguro paghandaan yung TAGISAN NG TALENT sa iba't-ibang School." sagot din naman nung isa.
BINABASA MO ANG
Shadows of Yesterday
FanfictionIsang aksidenteng , nagpabago sa buhay niya. Paano kung naisipan na niyang kalimutan ang mga pangyayari ngunit sa kabila ng kanyang paglimot ay makita niya ang lalaking akala niyang wala na.
