Val's POV
"Tama na ang pagtatrabaho!" Pigil sakin ni Jane at kinuha ang folder na hawak ko.
"Ano ba?" Inis ko.
"Alam mo umuwi ka kaya muna. Pahinga pahinga din pag may time." Suggest ni Jane habang binabasa nya yung laman ng folder na kinuha niya sakin.
"Wala akong time sa ngayon Jane. Akin na nga yan!" Sigaw ko sakanya.
Pero mas lalo niya lang nilayo sakin.
Umupo siya sa may sofa at pinagpatuloy ang pagtitingin sa folder.
"Ano na pag isipan mo na ba?" Tanong niya.
"Ang alin?" Pagtataka ko.
"Yung kay Andrew." Ani niya.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Alam mo Val. Matagal ng wala si Ari. It's time na siguro para mag move on." Ani niya.
Sa puntong to nandidilim na paningin ko sakanya.
"Lumabas ka nga dito!" Utos ko.
Baka masapak ko siya ng wala sa oras.
"Val naman. Hindi ko naman sinabi na agad agad." Pilit niya.
"Eh ano?" Pagtataray ko.
"Bigyan mo ng chance. Tignan mo kung worthy ba. Ganun! Ilang years ka na din hinihintay nung tao. Shet! Ganda talaga!" Ani niya.
'Tangina kala ko seryosohan na.'
Umiling iling na lang ako at kumuha na lang ng ibang papers.
"Oy! Pero biro. Seryoso ako. Bigyan mo ng chance si Andrew. Mahirap mabuhay ng single mom ah." Advise niya.
"Jane hindi madali ang sinasabi mo. Alam ni Ran na dalawa ang mommy nya. Hindi yan basta basta magtatanggap ng kahit sino lang." Explain ko.
"Magpapakatatay naman yan kay Ran. Kaya nga try mo lang!" Pamimilit niya.
"Alam mo kung makapilit ka kala mo hindi bestfriend mo yung asawa ko." Ani ko.
"2 years na siya wala oh! At deserve mo naman sumaya." Depensa niya.
"Bahala ka. Pag ikaw dinalaw nun ewan ko na lang." Pananakot ko.
Bigla naman siya umaktong nagdadasal.
Umiling iling na lang ako habang nagpipigil ng tawa.
Tinoon ko na lang ulit ang attention ko sa papel na hawak ko.
"Oy! Yung flight nyo pa Siargao binook ko na next week." Balita niya samin.
"Akala ko ba ikaw maghahatid samin?" Pagtataka ko.
"Bigla nagpa meeting ang mga Engineers at AMT para sa mga aircraft na need na alisin at palitan." Explain niya.
Tumungo tungo na lang ako at niwalang bahala na siya.
Hindi din naman nagtagal si Jane at umalis na din sa office ko.
Pero bumabagabag pa din sa isip ko ang sinabi niya.
Umiling na lang ako at kumuha ng folder na babasahin.
Hindi pa ko nag uumpisa magbasa ng may bigla kumatok sa pinto.
Dahan dahan to bumukas at pumasok si Andrew.
Napakunot ang noo ko sa pagtataka.
Habang nakangiti siya na lumalapit sakin.
Niwalang bahala ko na lang siya at tinuon na lang atensyon sa folder na hawak ko.
"Ano kailangan mo Andrew?" Tanong ko nung naramdaman ko na nasa harap ko na siya.
Umupo siya sa mesa ko at inagaw ang folder na hawak ko.
"Kakalabas mo lang ng hospital deretso trabaho ka agad." Sermon niya sakin.
"Ano ba kailangan mo?" Iritable konh tanong.
"Wala lang kinakamusta lang kita." Sagot niya.
Tumungo tungo na lang ako sabay kuha ng folder na hawak niya.
"Okay lang ako. Wag mo ko guluhin at na iistress pa ko." Taboy ko sa kanya.
"Sige hindi kita guguluhin basta pumayag ka sa offer ko." Ani niya.
Napatigil ako sa binabasa ko at napatingin sa kanya sabay taas ng kilay.
"Labas tayo mamaya." Aya nya.
Na gulat ako sa sinabi niya pero hindi ako nagpahalata.
Bigla nag flashblack sakin lahat ng sinabi ni Jane.
'Why not I give it a chance? Wala naman mawawala.'
Huminga ako ng malalim sabay sandal sa upuan.
"Sige. " Pagpayag ko.
Kitang kita sa pagmumukha niya na masaya siya sa sinagot ko.
"Wala na yang bawian ah!" Giit niya.
"Basta isasama ko ang anak ko." Request ko.
"Even better!" Masaya niyang galak.
Tumayo na siya at naglakad papunta ng pintuan.
"Balik ako ng 7." Ani niya.
Tumungo tungo na lang ako at niwalang bahala siya.
Binalikan ko na ang mga papeles na nakatengga at inumpisahan pirmahan ang mga ito.
Dahil busying busy ako sa pagpipirma hindi ko na napansin ang oras.
Napansin ko na lang nung bigla pumasok si Ran kasama si Andrew.
"Mommy!" Sigaw ni Ran.
Dali dali siya lumapit sakin at yumakap.
"Ako na ang sumama sa kanya dito sa office dahil nagmamadali ate mo may meeting pa daw siya." Explain sakin ni Andrew.
Tumungo tungo na lang ako at pinukaw ko na ang atensyon ko sa anak ko.
Kinamusta ko lang ang araw niya at ang dami niya nakwento.
Nung natapos siya magkwento ay inaya na kami ni Andrew malumabas.
Dali dali ko inayos ang mga gamit ko at lumabas na kami.
"Saan mo gusto kumain Baby?" Tanong ni Andrew kay Ran.
"Mcdo! Gusto ko Happy Meal!" Masayang sagot ni Ran.
Wala naman kami choice kundi umagree.
Naglakad na kami patungo sa Mcdo dahil meron naman dito sa airport alangan magmall pa kami.
Pagkarating namin sa Mcdo tinanong lang sakin ni Andrew kung ano kakainin ko at inutusan ako na maghanap ng upuan.
Sila na lang daw Ran ang pipila.
Maya maya lang ay dumating na sila at ang daming happy meal toy ang binili.
"Ang dami naman nyan!" Gulat ko.
"Hayaan mo na minsan lang yan." Depensa ni Andrew.
'Hay nako Lord sana hindi lumaking spoiled tong anak ko! Lahat na lang ng nasa paligid niya pinagbibigyan siya.'
Aayusin ko na sana ang pagkain ni Ran pero nag offer si Andrew na siya na lang ang mag aasikaso sakanya.
Wala na ako na gawa kaya kumain na lang ako.
Habang nakain pinagmamasdan ko sila.
Sabay nila binubuo ang mga toys na binili nila habang sinusubuan siya ni Andrew.
Halata na nagkakasundo sila.
Hindi ko mapigilan ngumiti.
Tama nga si Jane.
Deserve ni Ran ng pangalawang magulang.
Bigla naman napatingin si Andrew sakin at ngumiti.
Tumingin na lang ako sa kinakain ko para maiwasan ang tingin niya.
BINABASA MO ANG
Our Past
FanfictionReminiscing Our Past That I Will Never Forget. Book 2 of Our Paths