Chapter 33

167 11 4
                                    

Val's POV

Isang linggo na ang nakalipas.

At sa isang linggo na yun wala kaming ginawa kung hindi ayusin ang lahat ng documents na kailangan sa court.

Lalo na yung death certificate ni Ari kailangan namin alisin.

"Tangina imagine sinasabi nila. Wala na si Artemis Ramirez patay na siya so ako na ang may ari ng Airlines! Tapos bigla papasok si Ari sa court room. Tapos sasabihin niya, sino nag sabing patay na ko? Boom!" Imahinasyon ni Jane.

Natawa na lang kami sa lakas ng imahinasyon ni Jane.

Nasabi na pala namin sa board members ang nangyari and they are not happy about it.

Ilaban daw namin Airline dahil nung hawak ito ng Ong napaka pabaya daw sa Airline.

Dun lang din namin na laman na pabankrupt na ang Airline nung binigay ito kay Ari.

No wonder kaya yun ang tinaya niya.

Tapos ngayon na asensado na ang Airline kukunin nila samin? Not fucking happening.

"Na ready mo na ba ang speech mo para kay Wave bukas?" Tanong sakin ni Jane.

Napakagat labi na lang ako sa tanong ni Jane.

Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya.

Hindi ko alam kung anong reaction niya.

Kung matutuwa ba siya, magagalit or what so ever.

Kabang nga magkausap kami thru phone hindi ako mapakali at binababa ko agad ang tawag.

Akala ko kasi napaka dami pang oras.

Kahit si Dr. Xy hindi pabor sa biglaang sabi namin kay Wave pero wala na kaming choice.

'Sana talaga maintindihan niya.'

Nagulat na lang ako ng mag ring ang phone ko.

Pagtingin ko si Wave pala tumatawag.

"Bakit Alona?" Bungad ko.

"Ewan ko sayo Tina." Inis niya.

Natawa naman ako sa sinabi niya.

Ayaw niya kasi na tinatawag siya sa real name niya.

At ayun nakahanap din siya ng igaganti sakin.

Nalaman niya kasi na ayoko tinatawag akong Tina.

Hindi pa siya na kokontento tinatawag pa kong tinapay sarap sakalin.

"Ano kailangan mo ah?" Tanong ko.

"Aalis ako pupunta ako kela Chase." Paalam niya.

"Sige lang Love." Pagpayag ko.

"Uuwi rin naman ako mamaya. Ikaw ba kelan kababalik dito?" Tanong niya.

"Secret! Susurpise na lang kita!" Ani ko.

"Pasurprise surprise pa! Sya! Sige na aalis na ko." Paalam niya.

"Sige. Ingat ka ah! I love you." Pahayag ko.

"I love you too." Response niya.

Pinatay ko na ang tawag at bumalik na lang ako sa pag aasikaso ng papeles ni Ari.

Wave's POV

"Kailan ba siya babalik?" Tanong ni Chase.

"Hindi ko rin alam. Surprise daw." Sagot ko.

Nandito ako ngayon sa flower shop ni Chase.

Nabobored kasi ako dun sa resort wala kasi si Val.

"Grabe yaman ng girlfriend mo no? Ano business nun?" Curious niya.

"Lagi niya sinasabi na hindi sakanya yun kung hindi sa asawa niya. Pero ang business nila Airline." Sagot ko.

"Tangina Airline?! Nakajackpot ka ah!" Pangangasar niya.

"Hindi ako gold digger tanga!" Inis ko sabay hampas sa ulo niya.

"Ito hindi mabiro! Pero tama ba? Asawa niya? So kabit ka?" Question niya.

"Tanga! Wala na asawa niya! Naaksidente sa eroplano!" Depensa ko.

"Buti naman! Akala ko desperada ka na eh." Sambit niya.

Tinarayan ko na lang siya at tinulungan ko na lang siya mag ayos ng nga bulaklak.

"Bakit pala siya nasa Manila ngayon?" Tanong niya.

"May problema daw. May gusto kumuha ng Airline." Sagot ko.

"Ahh." Aniya.

Nagpatuloy na kami sa pag aayos ng mga bulaklak niya.

"Napag uusapan niyo ex wife niya?" Out of nowhere na tanong ni Chase.

"Dati pero ngayon hindi na." Sagot ko.

"Talaga? Sino ba?" Curious niya.

Napaisip din ako sa tanong niya.

'Sino nga ba?'

"Hindi ko na tatanong eh." Sagot ko.

"Teka search nga natin yang history ng girlfriend mo. Mamaya sindikato pala." Biro niya.

"Tarantado." Usal ko.

"Ano name niya? Search natin sa google nandun yun malamang." Tanong niya.

"Valentina Ramirez." Sagot ko.

Hinahayaan ko lang siya na mag search dahil busy ako sa pag aayos ng mga bulaklak niya.

"Ito oh. Valentina Martines Ramirez wife of Artemis Ramirez who dies on a tragic accident. Aww." Basa niya.

Na curious din ako kaya nakibasa na lang rin ako.

Hindi lang pala Airline ang pagmamay ari nila.

Meron din silang hospital, restaurants and firm.

Sinearch niya naman ang pangalan ng asawa ni Val.

Napakunot ang noo ko dahil isang araw lang pagitan nung aksidente niya at aksidente ko.

Laking gulat namin nung nakita namin ang litrato niya.

Nagkatinginan kami sa nakita namin.

"Putangina mo!" Sigaw ni Chase.

Tinitigan ko ulit ang litrato ni Artemis.

'Ako?'

Minake sure namin na hindi kami na mamalik mata.

"Bakit hindi mo alam mga social media ng mga nakakasama mo?" Inis niya nung sinabi ko na hindi ko alam mga accounts nila.

Hindi ko siya sinagot dahil napakadami tumatakbo sa utak ko.

'Sino ba talaga ako?'

'Bakit nilihim nila sakin?'

'Ako lang talaga si Artemis Ramirez?'

"Naka private instagram account ni Valentina pero nakita ko account ni Artemis." Inform niya.

Kinuha ko ang phone ni Chase.

Isa isa namin tinignan lahat ng post sa account na yun.

Ang last post ni Artemis 2 years ago

'Bakit nila nilihim sakin to?'

Hindi ko alam ang nararadaman ko.

Lahat ng mga tao sa paligid ko binetray ako.

Lahat sila nilihim ang tunay na pagkatao ko.

Our PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon