Ari's POV
Lutang akong naglalakad sa airport ngayon.
Hindi ko naman idedeny na mahal ko pa si Val.
Nasira lang talaga ang tiwala ko sakanya.
Sobrang sakit na makita kong masaya siya kasama si Yanna.
'Putanginang babaeng yun siya pa nga nagpumilit sakin na sumama dito!'
Hindi ko rin alam sa sarili ko bakit ko naisipan manatili pa dito ng isang buwan.
Tinignan ko ang phone ko at 12 na pala ng madaling araw.
Kaya napagdesisyunan ko nang umuwi.
Habang naglalakad ako papunta sa parking lot hindi mawala sa isip ko yung picture ni Val at bwiset na Yanna na yan.
'Kuhang kuha niya ang inis ko!'
"Why so grumpy?"
Napalingon naman ako sa nagsalita.
'Talagang nagpakita pa sakin!'
"Lumayo layo ka sakin baka hindi kita matantya." Banta ko.
"What did I do?" Natatawa niyang tanong.
Hindi ko na siya pinansin.
Pumunta na lang ako sa motor ko at dali dali umalis.
Kakabili lang netong motor ko na to kahapon dahil ayoko naman na laging guluhin si Jane para lang ihatid sundo ako.
Valid pa naman lisensya ko bilang Artemis kaya okay lang.
Pagkarating ko sa bahay dumeretso ako sa banyo para maligo.
Nung natapos na ko ay hinihagis ko na ang sarili ko sa kama.
Kinuha ko na lang ang phone ko.
Kaso pag bungad agad sakin post ng dalawang yun ang nakita ko.
"Thanks God for letting me meet this person." Basa ko.
Napakunot ako ang noo ko sa dahil sa caption.
"Anong God? Eh ako nagpakilala sainyo!" Basa ko sa reply ni Jane.
Mas lalo ako na inis kasi hinahayaan lang sila ni Jane.
Sa sobrang inis ko pinagbblocked ko silang dalawa sa Instagram.
'Ang sasakit sa mata!'
Bumaba muna ako saglit para kumuha ng coke sa ref.
Pag pasok ko ng kwarto napatingin ako sa bintana dahil may napansin akong dalawang tao.
Lumapit ako sa bintana para tignan ng maayos kung sino.
'Hindi pa pala nila ako tapos bwisitin.'
Nakatingin lang ako sakanila habang nag uusap sila sa labas.
Hindi ko napansin na nayuyupi ko na pala yung lata ng coke.
'Tangina hinalikan ba niya sa noo?!'
Nung mapansin ko na papasok na si Val sa loob ng bahay dali dali ako bumaba.
"Bakit ngayon ka lang?" Bungad ko pagkapasok niya ng bahay.
"Kakauwi lang namin ni Yanna." Sagot niya.
"Kung ganyan ka mas mabuti na lang na umalis ka na dito." Bigla ako nagulat sa sinabi ko.
Kita ko sa mga mata niya na namumuo na ang mga luha.
"Wag ka mag alala naghahanap na ko nang malilipatan. Bukas na bukas titignan ko ang apartment na nahanap ko and by next week lilipat na ko." Sabi niya.
Bago ko pa mabawi ang sanabi ko bigla na lang siya umakyat.
'Shet anong ginawa ko!'
Jane's POV
"What the hell is your problem!?" Sigaw ni Yanna pagbukas niya ng pinto.
"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" Sagot ko sabay pasok sa apartment niya.
"What did I do?" Taka niya.
"Ang sabi ko maghanap ka na lang ng iba. Pero hindi ko naman sinabi na si Val!" Inis ko.
"What are you talking about!?" Maang maangan niya.
"Hoy! Yang ginagawa mo kay Val ganyan na ganyan nung umipisa na magustuhan mo si Sab!" Saad ko.
"Jane you're talking nonsense." Saad niya.
"Nonsense ka dyan?! Hilig mo sa taong hindi pa tapos magmahal sa iba. Kung hindi ikakasal! Kasal na!" Inis ko.
Hindi niya ako pinansin at dumeretso siya sa kusina.
"Hoy! Nakikinig ka ba?!" Sigaw ko habang sinusundan siya.
Kumuha siya ng alak sa shelf at nilagay sa baso.
"I don't see anything wrong liking her." Sagot niya sabay inom.
'ANAK NANG!'
"Sayo ako nag aalala ah! Ayoko maulit ang nangyari dati." Pahayag ko.
"Yeah I know you're just worried. But there's nothing to worry about. Promise ko sayo yan." Paninigurado niya.
"Ewan ko sayo Julianna Roxas!" Inis ko.
"Just ride along Jane. Just ride along. Can't you see how affective I am?" Wika niya habang natatawa.
Nagtaka ako sa mga sinasabi niya.
'Nagdrudrugs ba to?'
"Pupunta ka ba sa kasal ni Sab next week?" Pag iba ko ng topic.
"No. I have errands to do." Sagot niya.
"Ulol sa errands! Ano naman yang errands mo na yan at mas uunahin mo pa kaysa sa kasal ng bestfriend mo?! Lagi ka nga nun hinahanap sakin. Hindi mo na daw siya nirereplyan!" Tanong ko.
"I'll help Val move to her new apartment." Sagot niya.
"HAH?!" Gulat ko.
"Wag kang sumigaw! It's already 3 am!" Saway sakin ni Yanna.
"Bakit walang nagsasabi sakin nyan?!" Gulat ko na may halong inis.
"Did you ask?" Tanong niya.
"Kahit na!" Pagmamaktol ko.
"What ever." Anas niya.
'Ganyanan ah! Sige!'
"Pero seryoso? Hindi ka pupunta?" Paninigurado ko.
Tumungo tungo niya.
"Gaga ka! Ikaw best friend nun tapos hindi ka pupunta? Bahala ka hindi kita sasaluhin dun. Ako na nga gumagawa ng dahilan bakit hindi mo siya nirereplyan." Ani ko.
Tinarayan niya lang ako.
'Bakit ba ganito mga topak ng mga kaibigan ko?'
![](https://img.wattpad.com/cover/339073749-288-k364509.jpg)
BINABASA MO ANG
Our Past
FanfictionReminiscing Our Past That I Will Never Forget. Book 2 of Our Paths