Chapter 30

185 13 2
                                    

Val's POV

"What did you do?" Tanong ko kay Yanna.

"It's her fault! She scared me." Depensa niya.

"Ikaw naman kasi bakit mo pa kasi na isipan manakot?" Sermon ko.

Isipin niyo alas tres ng madaling araw nagtatakutan pa.

Tapos tatakutin mo galing sa PAF katangahan diba!?

"Malay ko ba na sasapakin niya." Sagot ni Jane habang cinocold compress ang mukha.

May black eye si tanga eh.

"Lakas ng tama mo magtago sa shower curtain eh." Natatawang sabat ni Wave.

Kaya pala maaga kami ngayon dahil pupunta kaming Cebu.

It's time na para iispoil siya.

Flight namin papuntang Cebu mamayang 5:30.

Dapat ihahatid kami nung dalawa gamit chopper.

Pero kilala ko si Jane at pagtritripan niya si Wave sa first ride niya sa eroplano kaya mas pinili ko na lang mag domestic flight.

Ihahatid na lang nila kami sa Airport kasama si Ran.

"Tita bakit panda ka?" Tanong ni Ran matapos makita yung mukha ni Jane.

Lahat kami nagtawanan sa tanong ng anak ko.

"Nakakatawa yon?" Pambabara ni Jane.

Hindi niya sinagot ang tanong ni Ran bagkus pinapasok na niya kami sa Van.

Habang nasa byahe kami ay busy si Ran sa pakikipag daldalan kay Yanna.

Lagi yan magkausap yang dalawa naaalala raw kasi ni Yanna yung dalawa niyang pinsan.

Samantala kami naman ni Wave nasa likod.

Natutulog siya habang nakayakap ako sa braso niya.

Mas nakakatulog siya byahe compare pag nasa kama.

Noon pa man ganyan siya.

Halos isang oras rin ang naging byahe namin papuntang Airport.

Hindi na nga kami nakapagpaalam kay Ran kasi nakatulog na siya.

"Wag niyo muna susundan si Ourania ah!" Wika ni Jane.

"Tarantado." Mura ko bago ko isarado ang Van.

Hinintay muna namin makaalis sila Jane bago kami pumasok sa loob ng Airport.

"Just the two of us." Kanta ko sabay yakap sa braso niya.

Nginitian naman niya ko at hinalikan niya ang ulo ko.

Nagulat ako sa ginawa niya dahil first time yun.

Pero hindi ako nagpahalata.

Hinihintay na lang namin magboarding at ramdam ko ang kaba ni Wave.

"Chill ka lang. Aircraft namin ang sasakyan natin kaya safe yan." Paninigurado ko.

"Bakit hindi ba inyo yung nagcrash dati?" Tanong niya.

Natawa ako bigla sa tinanong niya.

"I mean safe na yan dahil tinututukan talaga namin yan." Paninigurado ko.

Nginitian na lang niya ako.

Maya maya lang nag boarding na at isa isa na chinecheck ang ticket namin.

"Alam mo Val hindi mo naman ako need dalhin sa Cebu. Tara na makipaglaro na lang tayo kay Ran." Saad ni Wave pagkapasok namin sa Aircraft.

Kaya pala kami sa Cebu dahil wala naman malls sa Siargao.

Our PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon