Val's POV
'Shit! Alam na niya?'
"Anong alam mo na?" Maang maangan ko.
Gusto ko kasi masigurado kung tama ba nga ba ang nasa isip ko.
"Alam mong alam ko ang tinutukoy ko Val." Sagot niya.
Napayuko na lang ako dahil hindi ko kaya makipagtitigan sakanya.
"Bakit mo tinago katauhan ko Val?" Tanong niya ulit.
Hindi ako makasagot dahil sa takot.
First time niya magalit sakin ng ganto.
"Hey! What's wrong?" Tanong ni Yanna pagkalapit nila ni Jane.
"Kayo!?" Sigaw niya habang tinuturo ang dalawa.
"Bakit hindi niyo sinabi sakin!?" Dugtong niya.
Hindi ko alam ang mga naging reaction nila dahil nasa likod ko sila.
"Ano hindi kayo sasagot!?" Sigaw ulit ni Wave.
Nagkaroon na ko ng courage na tignan siya sa mata.
Nag aapoy yung mga mata niya sa galit.
"Wave. Magpahinga ka muna. Sasabihin ko lahat sayo mamaya pagnakapag pahinga kana." Mahinahon kong sabi.
"Hindi! Ngayon niyo sabihin." Pagpupumilit niya.
"Wave. Take a rest first." Hikayat ni Yanna.
Hahawakan sana siya ni Yanna pero tinabig niya.
Lumapit sa sakin.
"Sagutin mo ang tanong ko Val!" Demand niya.
Humugot muna ako ng lakas ng loob bago ko sabayan ang titig niya.
"Dahil hindi ko alam paano ko ieexplain ang lahat Wave!" Sigaw ko out of my frustration.
Tahimik lang siya na nakatitig sakin.
"I wanted to tell you but I don't know how!" Dagdag ko.
Na ngingilid na ang luha ko at anytime pwede na to bumagsak.
"Bakit hindi mo agad sinabi sakin dun palang nung nakita ako ni Ran!" Tanong niya.
"Bakit pag sinabi ko bang totoong anak mo siya, totoong pamilya mo kami paniniwalaan mo kami?!" Pagbalik ko sa tanong.
Para siyang na himasmasan sa sinabi ko.
"Oh diba! Bakas dyan sa mukha mo na hindi mo kami paniniwalaan Wave!" Sigaw ko.
Hindi ko na mapagilan at bumuhos na ang luha ko.
Pumagitna samin si Yanna.
"Val calm down. Hindi magandang idea na nag uusap kayo na ganto." Pagkalma niya sakin.
"Wave matulog ka muna. Let's discuss it later." Utos niya kay Wave.
Hahawakan ulit siya ni Yanna para alalayan pero tinabig niya ulit.
"Ano ba Yanna! Ayoko nga sabi!" Sigaw niya.
Ilan segundo sila nagkatitigan.
Bakas na rin sa mukha ni Yanna na nawawalan na siya ng pasensya.
Anytime pwede magsabong ang dalawa.
"Yanna dun na muna kayo. Ako na bahala sakanya." Utos ko.
Tinignan ako ni Yanna para bang sinasabi na sigurado ba ko.
Nginitian ko na siya para hindi na siya mag alala.
Lumapit na siya kay Jane na kanina pa tahimik at hinila ito.
BINABASA MO ANG
Our Past
FanfictionReminiscing Our Past That I Will Never Forget. Book 2 of Our Paths