Val's POV
"Sobrang tagal niyo bumalik wala na! Nalibot na namin ang buong Siargao!" Inis ko.
Paano usapan isang linggo lang sila sa Manila umabot sila ng 2 weeks.
"Paano itong isang to hinanap pa namin." Sagot ni Jane sabay turo kay Yanna.
"Why me!? There's so many pilots in the airline." Inis ni Yanna.
"Pasalamat ka pa nga at hinahanap ka pa!" Rebat ni Jane.
"Tara na sa pier nandun na yung mga gamit!" Aya samin ni ate.
Sakto lang din ng dating nila yung pag dating ng mga gamit para sa pag gawa ng resort.
Kasama na rin pala nila ate si Clark isa sa magiging engineer ng gagawin naming resort.
Napansin ko naman na titig na titig siya kay Wave kaya dali dali ko siya nilapitan at niyakap.
"Umayos ka accla! Nacrecreepyhan na sayo yung tao." Saway ko sakanya habang yakap ko siya at kinurot na rin.
Pagkalas ko sa yakap humarap na ako kay Wave.
"Wave si Clark nga pala. Isa siya sa magiging Engineer ng gagawin na resort." Pakilala ko.
"Hi Wave." Akmang yayakapin niya sana si Wave pero pinigilan ko siya.
"Shake hands." Bulong ko sakanya.
Nilahad na lang niya ang kamay niya.
Nakipagshake hands naman si Wave na may kasamang awkward na ngiti.
"Pagpasensyahan mo na to ah! Ganyan talaga siya." Pag umanhin ko.
"Okay lang." Sagot niya.
Umalis na kami at nagtungo na kami sa pier.
Pagdating namin nandun ang 3 o 4 na cargo.
"Napaka dami naman ata." Saad ni Jane.
"Sobrang laki ng lupa na binili? Kulang pa nga yan! Ano sa tingin mo isang bahay lang gagawin?" Pangbabara ni ate.
"Ito naman! Nagulat lang eh!" Simangot ni Jane.
Habang busy sa kung ano man ginagawa nila lumapit sakin si Wave.
"Grabe ang susuccessful ng mga nasa paligid ko. Nahihiya ako." Saad niya.
"Bakit ka naman nahihiya?" Tanong ko.
"Syempre.. Si ate Cal architect, Si Jane, Yanna at Clark Engineer, Ikaw may malaking business, ako ito Highschool nga lang ata natapos ko." Sagot niya.
'Kung alam mo lang.'
"Kung gusto mo mag aral. Anong course ang kukunin mo?" Tanong ko.
Napaisip siya sa tanong ko.
"Siguro.... Architecture rin gaya ni ate Cal. Ewan ko ba pero parang may knowledge ako at kaya ko siya." Sagot niya.
Natawa ako sa sinagot niya dahil Archi naman talaga siya.
"Bakit ka natawa?" Pagtataka niya.
"Wala lang.. Natutuwa lang ako." Sagot ko.
"Val! Tara na! Puntahan na natin ang Resort!" Tawag ni ate Cal.
Habang bumabyahe kami papunta sa Resort hindi ko na mabilang kung ilan truck ang nakasunod samin.
Kinakausap din ni ate si Wave kung may masusuggest siya sa resort.
Nasabi ko kasi sakanya yung sinabi sakin ni Wave kanina.
BINABASA MO ANG
Our Past
FanfictionReminiscing Our Past That I Will Never Forget. Book 2 of Our Paths