Chapter 40

303 12 3
                                    

Val's POV

On the way kami ngayon sa puntod ng mama ni Ari.

Mas gusto niya raw ito unahin bago namin puntahan lahat ng business na meron siya.

Sa Heritage Cemetery lang naman sa may Taguig malapit lang sa place ng mga business ni Ari.

Halos lahat kasi ng Business ni Ari nasa Pasay meron naman sa Makati, Mandaluyong at Manila pero mga Hotels at Call Center for her business.

Buti na lang at makulimlim nung makarating kami.

"It's creepy seeing Ari's name knowing she's right beside me breathing." Na tatawang wika ni Yanna.

Paano naman kasi hindi pa na aalis yung pangalan ni Ari sa lapida.

"Wala naman bangkay na nakalagay diyan no?" Tanong ni Ari.

"Oo walang laman yang puntod na yan. Na sabi naman namin sayo na hindi namin nakita yung bangkay. Kasi buhay na buhay pa." Tatawang sagot ni Jane.

Tumango tango na lang si Ari.

"Ganto pala itsura ng pundot ko." Saad ni Ari.

"Gusto mo pre higa ka na?" Biro ni Jane.

Walang na tawa sa joke niya kaya nanahimik siya.

Napunta naman ang atensyon sa puntod ng mama ni Ari.

Magkatabi lang sila ng puntod.

"Hello. Sorry hindi kita maalala ngayon. Pero sabi ni Val ikaw daw ang mama ko." Saad niya.

Natahimik na lang kaming tatlo.

"Anong klase ka kayang ina? Siguro sobrang layo mo dun sa nagpanggap na ina ko." Patuloy niya.

"The best yan si tita kung maalala mo lang lahat." Singit ni Jane.

Ngumiti lang si Ari habang nakatingin sa puntod.

"Sana maalala na kita. Kasi matagal na ko nangungulila sa pagmamahal ng isang magulang." Randam ko na paiyak na si Ari.

Nilapitan ko siya para yakapin.

Hindi naman niya ko sinalag hinayaan niya lang ako.

"Can we go now? It's hot already." Reklamo ni Yanna.

"Ito! Ayaw na ayaw sa araw! Kailangan mo yan! Tignan mo mukha ka ng bampira sa sobrang puti!" Asar ni Jane.

Sinamaan lang siya ng tingin ni Yanna.

Umalis rin naman kami agad.

Pagkalabas ng Heritage Cemetery laking gulat ko dahil papasok kamo sa Campo na katabi.

"Huy! Bawal tayo rito!" Saway ko.

"Ano ka ba! Dito nakatira yan si Yanna! Short cut pa BGC!" Pasigaw na explain ni Jane.

"Pagtayo na baril dito ah!" Pag aalala ko.

"Stop over reacting Val. My parents lives here." Paliwanag ni Yanna.

Oo nga pala pamilya ng mga militar tong si Yanna.

Nagulat na lang ako at pag labas namin ng campo Venice Grand Canal agad ang nakita namin.

Kumain lang kami at dederetso na kami sa Airline after.

Pagkarating namin tinour agad siya nila Atty. Chin, Jane at Yanna.

Mahigit tatlong oras rin kami nag ikot ikot rito.

Pero mukhang hindi na bored si Ari dahil nakikita ko sa mukha niya ang pagkamangha.

Our PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon