Val's POV
Papasok ako ngayon sa bahay ni Ari para kunin ang mga natitira kong gamit.
Hinihiling ko na sana wala siya rito ngayon.
Kaso minamalas ka nga naman nandito siya.
Nasa sala siya habang nag phophone.
Bigla siya napanangon ng mapansin na nandito ako.
"Kukuhain ko lang yung mga naiwan ko pang gamit." Paalam ko.
Paakyat na sana ako ng bigla niya kong tawagin.
"Val, hindi mo naman kailangan umalis. Hindi ko sinasadya mga sinabi ko." Aniya.
"Kahit naman hindi mo yun sinabi aalis pa rin ako dito." Saad ko sabay ngiti.
Tinawag niya ako pero hindi ko siya pinansin at dumeretso na lang ako sa kwarto kung saan nandun ang mga naiwan ko pang mga gamit.
"Hindi na ba kita mapipigilan?" Tanong niya.
Nagulat naman ako sakanya dahil hindi ko ineexpect na susundan niya ko.
"Ang panget naman tignan na wala na tayo tapos sa dito pa ko nakatira." Sagot ko.
"Val ayus-"
"Ari wag mo ko kulitin. Aalis na ko." Paalam ko.
"Agad? Tulungan na kita mag ayos dun sa lilipatan mo." Offer niya.
Napataas ako ng kilay sa sinabi niya.
'Ano nakain neto?'
"Hindi na, nandun naman si Yanna para tulungan ako." Pagtanggi ko.
"Hindi, I insist. Akin na yung dala mo." Ani niya.
Hindi pa ko nakakapagreact nakuha na niya mga dala dala ko at bumaba na.
Kinuha ko pa ang iba pang gamit at bumaba na rin.
Nung nalagay ko na lahat ay sumakay na kami ng kotse.
'GRABE! NAKAKABINGI!'
Dahil sa sobrang katahimikan ay napagdesisyonan ko na buksan ang radio.
"And when I hold you in my arms I promise you." Pag sabay niya sa kanta.
Bigla ko naramdaman na parang may pumipisil ng dibdib ko.
"You're gonna feel a love that's beautiful and new." Patuloy niya.
Nararamdaman ko ang pangingilid ng aking mga luha.
Hindi niya ata na rerealize kung gaano nakakaapekto sakin yung kanta dahil nakatingin lang siya sa bintana.
"This time I'll love you even better than I ever did before and you'll be in my heart forevermore." Last lyrics na kinanta niya bago ko patayin ang radio.
Nakakainis dahil tuluyan nang bumuhos ang luha ko.
Napansin naman yun ni Ari.
"Val okay ka lang ba?" Tanong niya.
Buti na lang at nandito na kami kaya dali dali ako bumaba at kinuha ang mga gamit sa likod.
Agad agad niya rin ako sinundan.
"Okay ka lang?" Tanong niya ulit.
"Huh? Oo naman inallergy lang ako." Rason ko.
Naniwala naman siya sa sinabi ko at tinulungan na ko ilabas ang mga gamit.
Cinompose ko ang sarili ko at nilagay ko na sa trolley yung mga gamit.
Hindi kami nagkikibuan ni Ari hanggang sa dumating kami sa unit.
"What took you so long?" Tanong ni Yanna pagkabukas niya ng pinto.
Laking gulat naman niya nung nakita niya si Ari na kasama ko.
Hindi ko siya sinagot pumasok na ko ng unit at derederetso sa washroom sabay himalos.
"Are you okay?"
Napalingon ako sa nagtanong si Yanna pala.
"Ewan ko ba! Pakaiyakin ko when it comes to her." Saad ko.
Natawa siya sakin at ginulo ang buhok ko.
"Just buy us some food, I'm already hungry." Utos niya sakin.
"Ginawa mo pa talaga akong utusan ah!" Reklamo ko.
Tumawa lang siya sabay alis.
'May magagawa ba ko?'
Lumabas na rin ako ng washroom at lumapit kay Ari.
Na datnan ko siya na inaalis sa trolley yung mga gamit.
"Bili lang ako pagkain. Ako na bahala dyan tulungan mo na lang si Yanna mag buhat ng mga cabinet sa taas." Paalam at utos ko.
"Ehh! Ayoko kasama yun!" Maktol niya.
"Sige uwi ka na." Inis ko.
"Joke lang! To na aakyat na ko." Wika niya at dali dali umakyat.
Napapailing na lang ako habang pinapanood siya paakyat at nagdadabog na kala mo bata.
Bago pa ko tuluyan umalis may bigla akong na rinig na lagabog galing sa taas sabay ang malakas na tawa ni Ari.
"YOU FUCKIN' SCARED ME!" Sigaw ni Yanna.
Dahil sa curious ko umakyat muna ako para malaman ang nangyari.
Nagulat pala siya dahil bigla nagsalita si Ari kaya nahulog siya sa ladder.
Napapaface palm na lang ako sa dalawang to.
Iniwan ko na sila at umalis na ko para bumili ng pagkain.
At this moment naglalaban ang utak ko kung ano bibilhin ko.
'Jollibee o Mcdo?'
Favorite kasi ni Ari ang Mcdo while si Yanna is Jollibee.
Nakalabas na ako ng elevator hindi pa rin ako nakakadecide kung ano ang bibilhin.
Nang makapag decide na ko ay agad agad din ako pumasok sa Popeyes.
Wala masyadong tao kaya nabigay agad ang orders ko.
Pagkapasok ko sa loob ng penthouse ang ingay ingay.
"Ano ba! Bigat bigat na nga!" Sigaw ni Ari
"Can you stop complaining! All the weight is already on me! Wala kang kwenta!" Sigaw ni Yanna.
Binubuhat kasi nila yung cabinet paakyat sa second floor.
"Bakit ba kasi hindi na lang maghire ng magbubuhat ng mga to!" Reklamo ni Ari.
"If you came here just to complain just leave!" Inis ni Yanna.
Napapailing na lang ako habang nilapag sa dinning yung mga pagkain na inorder ko.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ni Jane dahil hindi ko kakayanin yung dalawa baka mabuang na ko.
"Hello! Nasan ka? Pumunta ka rito sumasakit ulo ko sa dalawa." Bungad ko pag kasagot niya ng tawag.
"Busy ako! Nandito ako sa simbahan." Bungad niya.
"Huh? Ginagawa mo dyan?" Curious ko.
"Aattend ng kasal pero kasi hindi pa nag uumpisa nagdidivorce na sila." Sagot ni Jane at parang na tataranta.
Napakunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
"Oh! Sige! Bye na! Nag aasikaso pa kami nila Yanna dito sa bahay at may Japan pa tayo bukas." Paalam ko.
May sinasabi pa siya pero it's too late kasi napatay ko na yung tawag.
Tatawagan ko sana siya ulit pero narinig ko na naman sila nagsisigawan.
'Lord! Maaga ako tatanda paglagi ko kasama ang dalawa!'
