Chapter 56

117 7 0
                                    

Val's POV

Akala ko pa naman mga pagod na sila kaya nagsipag uwian na kami.

"Tara na oy!" Aya ni Jane.

Ano oras na nag aaya pa siya lumabas night life daw kami.

"I'll be staying right here kasi I'm not feeling well." Inform ni Yanna samin.

"Luh! Bakit!?" Sigaw ni Jane.

"Shutup! You know it's your fault! I'll be gonna watch Ran na lang. She might get sick it's already cold out there. " Suggest ni Yanna.

"Tama yan maging yaya ka muna." Pangangasar ni Jane.

Sinamaan na lang siya ng tingin ni Yanna.

Nagpaalam na kami ni Ari sa anak namin at binilinan ko na rin si Yanna kung sakali may kailanganin si Ran.

"Bakit ang dami mong dalang camera?" Tataka ko.

Paano tatlong camera ang dala ni Jane.

Dalawang DSLR at isang digicam.

"Di lang yan! Ta dah!" Sabay pakita ng videocam.

"Ano na naman ba trip mo?" Pagtataka ko.

Bago pa man siya makasagot bumukas na ang elevator.

"Syempre! Kita mo ba kung gaano kaganda ang Japan ngayon!? Sayang naman if hindi ko gagamitin ang skills ko diba!?" Sagot niya.

"Bakit kasi 4 na camera ang dala mo?" Tanong ni Ari.

"Iba iba kasi ng ano to! Hindi niyo naman maiintindihan bakit pa ko mag eexplain!" Sambit niya.

Malapit lang naman ang shibuya crossing sa hotel na tinutuluyan namin.

12 am na ng madaling araw dito pero ang dami pa rin tao.

Wala naman akong pake sa trip ni Jane sumama ako lumabas para sa pagkain.

Habang busy si Jane sa pag pipic ng shibuya crossing na ilan beses na ata niya na kuhaan tuwing pumupunta kami dito sa Tokyo tinapik ko si Ari.

Lumingon siya sakin and gave me an 'oh?' expression.

"Hanap tayo pagkain." Sagot ko sakanya.

"Iiwan natin siya?" Tanong ni Ari.

Tumango lang ako at hinila ko siya.

Ang kaso nahuli kami ni Jane.

"Hoy! Saan kayo pupunta?" Tanong niya.

"Kakain kami! Message mo na lang kami." Sagot ko sabay hila ulit kay Ari.

"Anong kakain?! Mamaya na! Pipicturan ko kayo dali!" Pigil niya samin.

"Ayoko! Dadamay mo pa kami sa trip mo." Tanggi ko.

"Parang gago naman! Dali na! Kayo na nga bibigyan ng magagandang shots ayaw pa!" Pilit ni Jane

"Oo na! Dami mo pa sinasabi!" Inis ko.m

Bakas sa mukha ni Jane ang excitement.

"Tapos gawa tayo video mala Kdrama!" Sigaw niya.

Kokontra pa sana ako ng hinila niya kami papunta sa background na gusto niya.

Buti na lang at hindi na kami awkward sa isa't isa ni Ari.

Tuwang tuwa naman si Jane dahil nakukuha niya ang mga shots na gusto niya.

"Ayos! Ang gaganda! What a master piece!" Proud ni Jane habang pinapakita niya ang mga pictures samin.

Lahat ng shots na kinuha ni Jane ang gaganda pero pinaka nagustuhan ko yung mga pics na galing sa digicam.

Lakas kasi maka 19's.

"Video na tayo. Tara!" Aya ni Jane.

"Anong video? Kumain na tayo!" Pigil ko.

"Mamaya na! Dali na dito tayo ulit sa Shibuya crossing! Magkakasalubong kayo tapos manonotice mo si Ari kaya mapapalingon ka tapos mag fflashback lahat ganun! Dali na Val wag kang KJ!" Pangungulit niya.

Tinignan ko muna si Ari kung ano ang reaction niya.

Natatawa lang siya at napapakamot ng ulo.

"Oo na! Sige na!" Pagpayag ko.

Parang tanga na kinilig si Jane at naglakad na kami ulit patungo sa crossing.

Nung nasa Crossing na kami agad naman niya kami pinapwesto.

"Teka lang ah!"

"Walang gagalaw!"

"Ayan!"

"Ayan! Go! Lakad!"

"Val wag iaalis ang tingin kay Ari!"

"Derederetso lang Ari!"

"PERFECT!"

Ayan ang mga sigaw ni Jane habang vinivideohan niya kami sa Crossing.

"What a beautiful masterpiece! Chef's kiss!" Puring puri niya sa video.

Nag one take lang kami at nakipag cooperate talaga kami ni Ari para matapos na to!

"Ano? Tara na? Kakain na?" Tanong ko kay Jane.

"Hindi pa! May isa pang take different angle naman!" Sambit niya.

Napabusangot ako ng mukha dahil sa sinabi niya.

Sumunod na lang kami ni Ari sa gusto ng bwiset na to.

Dalawang angle pa ang tinake namin.

Yung una is yung view ko at yung view ni Ari.

Pero hindi pa natatapos yun dahil nag video pa kami sa iba't ibang spot dito sa Shibuya.

"Huy Val! Tumingin ka kay Ari! Parang hindi mag asawa!" Demand ni Jane.

Hindi ko alam kung parehas ba kami na iilang o ako lang.

Ang gusto kasi is hawak namin ang mukha ng isa't isa.

Ewan ko ba hindi ako makatingin.

"Tumingin ka na para matapos na to." Bulong sakin ni Ari.

Parang yun na ata ang hinihingi kong sign dahil napatingin nga talaga ako sa kanya.

Binigyan niya ko ng matamis na ngiti nung tumingin na ako sakanya.

Lahat ata ng awkwardness ko kanina nawala dahil sa ngiti niya na yun.

Hindi ko na rin mapigilan ngumiti.

Bumaba ang tingin ni Ari papunta sa labi ko.

Bigla ako nakaramdam ng kaba lalo na't kitang kita ko yung paglunok niya.

Lalo na nung pagdila niya sa labi niya.

Kabisado ko na siya kaya alam ko ang nasa isip niya.

'Kung ako sayo gawin mo na.'

Ilan segundo na nakalipas pero nasa ganun parin kaming posisyon.

"Magkikiss ba kayo? Ang tagal naman." Biglang salita ni Jane.

Dahilan para mawala na kami sa ganun eksena.

"Ay! Hindi natuloy? Sayang naman." Panghihinayang niya.

Lumapit ako sakanya at kinurot ang tagiliran niya.

"Kung hindi ka ba naman sana nag salita diba?" Bulong ko sakanya.

Kahit naman ako nanghinayang.

'Onti na lang eh! Umepal ka pa kasi Jane!'

Miss na miss ko na yang labi na yan.

Binigyan niya lang ako ng malaking ngiti.

"Okay na siguro tong mga video na to! Tara na kain na tayo! Popost ko to sa tiktok!" Aya niya samin.

"Ano na naman trip mo?" Tataka ko.

"Syempre sayang ang skills kung wala makakapanood! Look may 278k followers na ko!" Pagmamayabang niya.

Hindi ko na siya pinansin at nauna na ko maglakad dahil kakain na.

"Aray naman Ari!" Reklamo ni Jane pero wala ako pake.

Our PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon