Val's POV
"Oh bakit? Ano meron kay Ari? Nabuhay ba?" Tanong niya habang tumatawa.
"Oo." Natataranta kong sagot.
Hindi ko din alam paano ko sasabihin.
"Tarantado." Hindi siya naniniwala.
"Totoo! Gusto mo pumunta ka ngayon na. Para makita mo na hin-"
Nagulat na lang ako ng bigla nawala yung tawag.
"Puta pinatay!" Inis ko.
Agad agad ko naman siya tinawagan ulit.
"Amacana Valentina. Dami dami kong kailangan gawin." Bungad niya sakin pagkasagot niya ng tawag.
"Pumunta ka na lang dito ngayon din para makita mo!" Sigaw ko sakanya.
"Nagddrugs ka ba?" Tanong niya sakin.
"Hindi! Putangina mo pumunta ka na dito ngayon din Jane! Mag chopper ka na dyan!" Pagmamadali ko sakanya.
"To na! To na! Kukuha na lang ako ng mga gamit ko-"
"Wag ka na kumuha pumunta ka na dito!" Sigaw ko.
"Gagu! Sige na! Pupunta na bye!" Sabay patay ng tawag.
Binaling ko ang attention ko kay Ran na nakatingin lang sakin habang kausap ko si Jane.
"Baby listen. Sa ngayon wag mo muna siya tawagin na mama. Hindi ka niya maalala. Tayo hindi tayo maalala ni mama Ari okay?" Paglilinaw ko sakanya.
"Bakit hindi niya tayo maalala mommy?" Inosenteng tanong niya sakin.
"Hindi ko pa maexplain sayo baby. Pero for now tawagin mo muna siyang ate okay?" Yun na lang nasabi ko.
Hindi ko din alam kung paano ko ieexplain na maiintindihan niya.
Tumungo tungo lang naman siya as a sign na naintindihan niya.
Ilan minuto akong nakikipag away sa sarili ko kung lalabas ba ako para makita ko siya ko ulit siya o hintayin ko muna si Jane.
"Mommy nahihilo ako sayo." Reklamo ni Ran.
Hindi ko napansin na palakad lakad ako.
Niwalang bahala ko ang sinabi ni Ran.
'Paano kung hindi siya yun?'
'Imposible naman na naghahallucinate ako dahil si Ran una nakakita.'
Nakakuha na din ako ng urge na lumabas para makita ulit siya.
Maliit lang ang Siargao kaya imposible na hindi ko siya makita.
Nag ikot ikot kami ni Ran.
Kunwari na hahanap lang kami ng resto na kakainan namin pero ang totoo hinahanap ko si Ari.
Hindi pa man kami nakakalayo ay nakita na agad ni Ran si Ari.
"Mommy si Mama oh!" Sabay turo sa direction kung saan nandun si Ari.
'Bilis ng mata neto.'
Hindi namin siya nilapitan bagkus pinanood lang namin siya sa malayo.
Nag aayos siya ng surf board ngayon.
Nilalagyan nya ata ng wax.
Tinignan ko bawat features mukha at katawan niya.
Wala naman masyado nagbago sa katawan niya except sa nangitim siya.
Napansin ko din na may peklat siya sa noo at napakalalim neto.
'Hindi kaya yan ang dahilan kung bakit wala siya maalala?'
BINABASA MO ANG
Our Past
FanfictionReminiscing Our Past That I Will Never Forget. Book 2 of Our Paths