Val's POV
"Disneyland! Disneyland! Disneyland!" Sigaw ni Ran habang nagtatatalon sa kotse.
"No! We're going to Universal Studio." Pangangasar ni Yanna.
"Mommy oh!!!!!" Pagmamaktol ni Ran.
"Sa Disneyland tayo anak. Wag ka maniwala sa tita mo." Pagtahan ko sakanya.
Tinignan ko ng masama si Yanna sabay hampas sa hita niya.
"Ito hindi pa ba enough na yung nanay niya yung pinapaiyak mo!?" Referring to Ari.
Nag funny face na lang si Yanna.
'Habang tumatagal nagkakapalitan na sila ng mga ugali.'
Nasa kotse palang kami kita na sa mukha ni Ran an excitement.
Pagkababa namin ng kotse dumeretso si Yanna at Jane sa ticket booth para kunin ang mga tickets.
Nung nakuha nila agad din naman kami pumasok.
Dumeretso kami sa isang shop para magtingin tingin at magpalamig na rin kasi ang init sa labas.
"No! I don't want to!" Maktol ni Yanna.
"Ito si Yanna! Napaka KJ!" Saad ni Jane.
"I'll wear this." Tukoy ni Yanna sa bonnet.
"Ayaw nga ni Ran. Tignan mo oh inaabot niya sayo yung headband!" Pilit ni Jane.
"Dali na tita suot mo na!!" Pilit ni Ran.
Naisipan kasi ni Ran na magsuot kami lahat ng headband at siya lahat namili ng susuotin namin.
Tangi si Yanna na lang ang may ayaw.
"Dali na! Tignan mo oh! Paiyak na yung bata." Patuloy na pamimilit ni Jane.
Tinignan naman ni Yanna si Ran at halata nga sa itsura ni Ran na paiyak na.
Nagbuntong hininga si Yanna at binuhat si Ran.
Ngiting tagumpay si Ran habang sinusuot niya kay Yanna yung headband.
Napapailing na lang ako habang natatawa sa anak ko.
Nahagip naman ng tingin ko si Ari na natatawa rin sa anak niya.
Paglabas namin si shop ay pumunta kami sa castle para mag picture.
"Oh! Family pic naman!" Saad ni Jane.
Umalis sila ni Yanna at pinicturan kaming tatlo.
Naakbay samin si Ran at dinidikit ang mukha niya sakanya.
"Kanya kanya muna tayo! Sasakay kami dun oh!" Paalam ni Jane sabay turo sa roller coaster.
"Oh really? I thought you're scared of rid-"
"Tara na dami mo pa sinasabi!" Putol ni Jane sa sasabihin ni Yanna at hinila siya palayo.
Napatingin ako kay Ari at awkward na ngumiti.
Obvious naman na sinadya ni Jane na iwan kaming tatlo lang.
"Mama dun tayo oh!" Turo ni Ran sa mga nagpaparade.
Agad naman kami pumunta at tinignan ang mga dumadaan na princess at mascots.
Aliw na aliw si Ran habang pinapanood ang mga ito.
Habang busy ako sa pagvivideo nahagip ng tingin ko si Ari na nakatingin sakin.
Nung napansin niya na nakatingin ako sakanya ngumiti lang siya.
Hindi yung ngiti na awkward.
Nginitian ko rin siya at nagpatuloy ako sa pagvivid.
Pinipigilan ko ang kilig ko baka mahuli niya ako.
BINABASA MO ANG
Our Past
FanfictionReminiscing Our Past That I Will Never Forget. Book 2 of Our Paths