Chapter 9

293 14 1
                                    

Val's POV

Unang activity pala namin is snorkeling.

Isa isa inabot ni Ari samin ang snorkeling gear. 

"Malinis ba to? Ilan tao na sumubo nito?" Ani ni Jane.

Bigla naman siya siniko ni Ash para tumigil.

"Sinisigurado po namin na malinis ang binibigay po namin ni gears." Sagot ni Ari.

"Weh! Duda ako sa pagmumuk-" 

Agad ko siya hinila papalapit sakin.

"Ari man ang pagkakakilala natin sakanya. Pero sa mata niya stranger tayo lulunudin kita." Pagbabanta ko.

"Hehehe! To naman nagbibiro lang naman ako!" Dipensa ni Jane.

Binitawan ko na siya at nag ayos na siya ng gear niya.

'Hayss hindi lang pala si Ran ang pipigilan namin.'

Kumuha ako ng gears na pangbata para suotan na si Ran pero pagtingin ko si Ari na pala ang naglalagay.

"Lukso ng dugo no?" 

Nagulat ako dahil may nagsalita sa likod ko.

Paglingon ko si. Dr. Xy pala.

"Yeah, Egg cell siya ni Ari eh. Magkamukhang magkamukha sila." Ani ko.

After ayusin ni Ari si Ran agad niya kami tinawag para ipakita kung saan kami magssnorkeling.

"Nandito po tayo sa Sohoton Cove. Dito po ay magswiswimming kayo with gellyfish." Ani ni Ari.

"Dalawa't kalahating oras ang byahe para lang ipakuryente mo kami sakanila?" Takot ni Jane.

"Stingless po sila." Explain ni Ari.

Tumungo tungo lang si Jane.

Pinanood naman namin ang mga gellyfish na lumalangoy  sa gilid ng bangka.

"Pwede na po kayo bumaba." Giit ni Ari.

"Ehh! Ikaw una sunod kami." Tanggi ni Jane.

"Bawal ako mabasa Ms." Tanggi ni Ari.

"Paano kami maniniwala nyan?" Duda ni Jane.

Nagulat na lang kami at nagtanggal ng shirt si Ari at bigla tumalon sa bangka.

'Tapang na ah! Kala ko ba scary ang dagat dahil 5% palang na pag aaral?'

"Hawakan mo nga!" Utos ni Jane.

"Dami mong utos!" Inis ni Ash.

"Syempre ilan years niya ako inuutos utusan ngayon lang ako makakaganti." Ani niya.

"Dali na Wave hawakan mo na para maniwa- PUTANGINA!" 

 Lahat kami hindi nakareact sa ginawa ni Ash.

Tinulak ba naman niya si Jane.

Sinamaan lang siya ng tingin ni Jane.

Sumunod na din bumaba si Ash at si Dr. Xy.

Tumalon na din ako pababa ng bangka para saluhin si Ran.

"Dali na Ran talon na!." Tawag ko sakanya.

Bakas sa mukha niya na nagdadalawang isip siya at na tatakot.

"Dali hahawakan kita." Pamimilit ko.

"Eh! Mommy baka mamatay ako." Pagtanggi niya.

Nagtawanan naman ang mga kasama namin.

"Uy! Wag niyo tawanan!" Saway ko.

Ilan beses ko na siya pinipilit ayaw pa din.

Maya maya lang ay umahon si Ari at nilapitan si Ran.

Our PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon