Chapter 44

226 13 1
                                    

Val's POV

Buong araw lang ako nakakulong dito sa kwarto.

Nakailan missed call na rin sila sakin.

Lalo na si Jane.

Kaya pinatay ko ang phone ko.

Alam na ata nila nasabi na siguro ni Ari sakanila.

Sinubukan ko na lang bumalik sa pagtulog ng may biglang kumalabog ng pinto ko.

Ayoko sana buksan pero mukhang sisirain na niya ang pinto.

So no choice ako kundi buksan.

Pagbukas ko tumambad sakin si Jane.

"Are you okay?" Bungad niya sakin.

Hindi ko na mapigilan at bumuhos na ang mga luha ko.

Dahan dahan niya ko hinila papalapit sakanya at niyakap.

Ilan minuto rin kami nasa ganun position at kumalas din ako.

"Hayaan niyo na lang siguro muna ako mapag-isa." Saad ko nung medyo kumalma na ko:

"Sige. Basta pag may kailangan ka tawagan mo lang ako." Comfort niya.

Nginitian ko lang siya.

Umalis na siya at sinarado ko na ang pinto.

Hinagis ko ang sarili ko sa kama.

Nagfflashback sakin lahat at this moment.

Kung paano kami nagkakilala.

Yung mga highschool days namin.

Yung mga time na tumatakas kami kela Ash at Zoey sa inuman para masolo namin ang isa't isa.

Mga random aya kumain after school.

Paano kami nagkita ulit after several years.

How I realized na never nawala ang pagmamahal ko sakanya.

How we confessed our love to each other.

How we make a family.

How the world separates us.

How I met her once again.

Fall inlove with her twice.

But now....

Everything will be gone.

Maya maya lang tumayo na rin ako para maligo.

Plano ko lumabas muna saglit at magpahangin.

Dahil pag nagstay pa ko dito baka mabaliw na ko.

After ko mag ayos ay umalis na agad ako.

Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Hinayaan ko na lang ang mundo kung saan ako dadalhin.

Hanggang sa na pansin ko na nasa BGC na pala ko.

Ewan ko at kung ano ang pumasok sa isip ko bigla ko na lang napagdesisyunan magbar.

Wala rin naman si Ari sa bahay kaya okay lang.

Pagpasok ko sa bar ay dumeretso na agad ako sa counter.

Oorder na sana ako ng marecognize ko yung katabi ko.

"Yanna? Ginagawa mo dito?" Pagtataka ko.

Nagulat siya sakin.

"Val? What are you doing here?" Tanong niya sakin.

Bakas sa itsura nya ang kalasingan.

Kinuha ko sakanya ang baso nahawak niya.

"Uwi na kita." Aya ko.

Our PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon