Chapter 4

234 13 5
                                    

Val's POV

"Sure ka ba sa gagawin mo?" Tanong ni Jane habang nagpapark.

"Yeah." Maikli kong sagot.

"Hayss. Dito muna ako ayoko bumaba." Ani ni Jane.

Nginitian ko lang siya at bumaba na ko ng kotse.

Pagbaba ko ay tumambad sakin ang lugar na matagal ko ng hindi pinuntahan.

Dumeretso ako sa loob ng mansion.

Wala nagbago sa lugar na ito na maintain lang siya.

Bawat sulok ng lugar na to siya ang na aalala ko.

Lalong lalo na sa part ng balcony.

Ang fresh pa sakin lahat ng nangyari sa area na ito.

Hindi ko mapigilan maluha.

'If only there's a way to bring you back Ari.'

Lumabas na ako ng mansion at nagtungo sa pool area.

Umupo ako sa may pool at inalala lahat ng bawat memories na naalala ko dito sa area na ito.

Flashback

Nagluluto ako ng hapunan ngayon.

Nandito pala kami sa bahay bakasyunan ni Ari.

Napagisipan lang ni Ari na pumunta dito para ipakita din kay Ran.

Nang matapos ko ang aking niluluto dali dali kong dinala ito sa pool area.

Nagswiswimming pa kasi sila Ari at Ran.

"Mama! Takot ako!!" Sigaw ni Ran.

"Hindi yan! You can do it baby!" Motivate ni Ari.

Tinuturuan kasi ni Ari si Ran lumangoy.

"Mama!! Wag mo ko bitaw!" Sigaw ni Ran.

"I'm not! I'm holding you! See? At may salbabida ka naman." Giit ni Ari.

Natatawa na lang ako sa dalawang to.

"Kain na muna tayo." Aya ko sa kanila.

Dali dali naman sila lumapit sakin at nag umpisa na din kami kumain.

End of Flashback

Nagulat na lang ako dahil tumutulo na pala ang luha ko.

Dali dali ako tumayo para umalis sa lugar na iyon.

'Ang fresh pa pala ng lahat para sakin.'

Naglakad lakad na lang ako.

Hinayaan ko ang paa ko kung saan man ako dalhin.

Hanggang sa mapansin ko na papunta na kong dagat.

Napahinto ako saglit dahil nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ba o hindi.

Pero napagdesisyonan ko tumuloy.

Umupo ako sa dito sa may bench sa ilalim ng puto at katapat ang dagat.

Dito ko madalas natatagpuan si Ari sa tuwing na wawala sa at dito din kami lagi natambay noon.

Ilan minuto ata ako nakatulala sa dagat.

Nararamdaman ko ngayon na may tumutulong luha na naman sa mga mata ko.

Agad ko naman pinunasan at tumingin sa langit.

"Hi love! Sorry kung ngayon lang kita kakausapin." Giit ko.

Napatigil ako ng ilan segundo dahil onti na lang iiyak na ko.

Our PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon