Val's POV
On the way na kami sa Airport papuntang Siargao.
Kasama ko si ate Cal at si Ran.
Nagpumilit sumama si ate dahil sinabi ko sakanya na bibili ako ng bahay or lote sa Siargao.
Wala daw kasi siyang tiwala sakin pagdating sa mga ganung bagay kaya nagpumilit siya sumama.
Napakayabang edi siya na graduate sa Archi.
Ihahatid kami ni Jane at Yanna gamit ang chopper.
Namimiss na kasi nila magpalipad ng Aircraft.
Diba nga si Jane after mangyari ang incident tumigil na din siya.
Samantala si Yanna naman nung nabalitaan daw yung nangyari samin pinatigil siya ng mga magulang neto kaya naging Engineer na lang siya.
Naalala ko pa yung conversation namin nung nalaman niya na isa si Jane sa piloto ng na crash na aircraft.
Flashback
"I think speed tape will do the trick." Saad ni Yanna.
(Author: Guys kung may nakikita kayong kumakalat sa internet na aircraft tapos tinapalan ng tape. Hindi yun duck tape ah. Speed tape yun para sa mga aircraft talaga yun.)
Nandito kami ngayon sa office at pinag uusapan kung ano ang mga aircraft na dapat na palitan, mga pwede pang irepair o mga papalitan na.
"Hindi na. Palitan na yang aircraft na yan."Desisyon ni Jane
Pero kasi itong si Jane mas gusto niyang palitan na lang kahit na kaya pang irepair.
'Kala mo siya gagastos.'
"Crazy! What do you think an airplane cost? 1 pesos? And all of the parts are still in good shape." Saad ni Yanna.
Natatawa na lang ako sa dalawa.
Naaalala ko ganyan na ganyan mag away sila ni Ari.
"Paano kung bigla nasira yan habang ginagamit edi nangyari na naman yung nangyari samin." Pag aalala ni Jane.
Napatigil si Yanna sa ginawa niya at lumingon kay Jane.
"Why what happened?" Tanong niya.
"Hindi mo ba nabalitaan yun? Yung nag emergency landing sa dagat. Kami yun." Sagot ni Jane.
"About what happened to Capt. Ramirez?" Paninigurado ni Yanna.
"Oo ako kasama niya nun." Paglilinaw ni Jane.
"Ahh! That's why! The co pilot of Capt. Ramirez is Dumb." Natatawang sabi ni Yanna.
"Tangina mo." Malutong na mura ni Jane.
Tinawanan na lang siya ni Yanna at binaling na ang attention sa binabasa niya.
End of Flashback
"Val sama na lang kaya ako. Iwan natin lahat ng gawain kay Yanna." Giit ni Jane.
Nandito na kami ngayon sa chopper.
"Do you want to me throw this aircraft to you?" Pagbabanta ni Yanna.
"Pakabrutal mo." Ani ni Jane.
"Hindi kaya ma disgrasya tayo dahil sa dalawang to? Parang mas matindi pa magbardagulan to kaysa kay Ari eh." Pag aalala ni ate Cal.
Natawa na lang ako sa sinabi ni ate Cal.
"Val! Hanggang ngayon natatawa pa rin ako sa ginawa ko." Ani ni Jane.