Val's POV
Ngayon araw na kasi ang flight namin papuntang Siargao.
Isang linggo lang naman kami dun.
Dapat sa cebu dahil may aasikasuhin ako dun pero nag insist na si Jane na siya na lang at magbakasyon na lang kami.
"Ingat kayo ah." Ani ni Andrew.
Hinatid kami ngayon ni Andrew papuntang airport.
Nginitian ko lang siya.
Binuhat niya naman si Ran.
"Enjoy ka dun ah." Giit niya kay Ran.
Tumungo tungo lang si Ran.
Humingi lang siya ng kiss kay Ran which is kinagulat ko at binaba na ito.
"Soon to be daddy eh." Bulong niya sakin habang binababa si Ran sabay kindat.
Ngumiting awkward lang ako.
"Okay na ba kayo?" Biglang sulpot ni Jane.
Tinulungan niya kami mag buhat ng gamit.
"Grabe naman ang papa Andrew. Pakitang gilas sa future mag ina niya." Bulong na asar sakin ni Jane.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at nag umpisa na ko maglakad.
Nakalimutan ko pala sabihin sinabi ko na pala kay Andrew.
At sobrang saya niya daig niya nanalo sa lotto.
Pero kay Ran parang ang awkward ng situation sa kanya dahil nagugulat siya sa mga actions ni Andrew.
Kakausapin ko na lang siya mamaya about dun.
Hinatid nila kami hanggang sa departure area dahil 30 minutes pa bago magsimula ang boarding.
Habang naghihintay kami nakikipag laro si Andrew kay Ran.
Samantala itong si Jane ay tulog.
After 30 minutes nagpapasok na din naman agad sila.
Nagulat ako sa dalawang to dahil hanggang makapasok sa aircraft sinamahan ako.
Kahit mga cabincrew nagulat din pero wala sila magawa.
Sa unahan lang kami ng aircraft nakaupo.
Paupo na sana ako pero laking gulat ko kay Andrew ng katukin niya anh cockpit.
Agad naman lumabas ang dalawang piloto na nakaassign.
"Yes? Oh Andrew! Bakit nandito ka?" Tanong ng isang piloto.
"Hinatid ko lang soon to be mag ina ko. " Pagmamayabang niya.
Nagtawanan silang dalawa sabay apir.
"Ako sana maghahatid kaso may flight ako papuntang Hong Kong mamaya." Explain niya.
"Sayang! Debale I'll make sure na makakarating ng safe ang soon to be mag ina mo." Giit nung Capt.
Nag paalam na sila sa isa't isa at pumasok na yung Capt. na kausap ni Andrew sa loob ng cockpit.
Agad naman lumapit si Andrew samin.
"Alis na ko ah! Ingat kayo." Paalam niya.
Nginitian ko lang siya habang si Ran nagwawave sa kaniya.
Agad naman ako lumingon kay Jane na busy mag inspect ng Aircraft.
Ngayon na lang kasi kami ulit sasakay kaya todo inspect siya.
Ilan buwan din kasi kami nagkatrauma after ng aksidente.
Lalo na si Jane na halos 1 year hindi lumipad.
BINABASA MO ANG
Our Past
FanfictionReminiscing Our Past That I Will Never Forget. Book 2 of Our Paths