Chapter 11

205 8 2
                                    

Val's POV

Agad ko pinunasan ang mga luha ko.

"Wala nagpapahangin lang." Sagot ko.

"Ganun ba?" Ani niya.

Tumungo tungo lang ako.

Akala ko aalis na siya pero umupo siya sa tabi ko.

Nanatili lang kaming tahimik habang nakatingin sa dagat.

'This is we usually bond kung naalala mo lang.'

"Sorry Madam ah! Hindi ako marunong mangcomfort ng tao." Paghingi niya ng pasensya.

Natawa na lang ako dahil alam ko naman talaga yun.

Pero nandyan siya palagi para iaccompany ako.

"Okay lang no! Presence mo lang okay na ko." Giit ko.

Ngumiti lang siya.

Natahimik ulit kami habang nakatingin sa dagat.

"Alam mo pwede mo sabihin sakin yang dinadamdam mo." Saad niya.

Napatingin ako sakanya sa sinabi niya.

Nakatingin din pala siya sakin kaya nagtama ang mga mata namin.

"Stranger tayo sa isa't isa. Sabi nga nila mas madali mag open up sa stranger dahil sila pa ang hindi mangjujudge sayo." Explain niya.

'Pero hindi ka stranger sakin.'

nginitian ko lang siya hindi ko kasi alam ang sasabihin ko.

"Ano yan? Handa ako makinig." Pamimilit niya.

"Naalala ko yung taong mahal ko." Sagot ko.

"Nasan na ba sya?" Tanong niya.

'Nasa tabi ko.'

"Tinangay ng laot eh." Sagot ko.

Napakunot ang noo niya sa sabihin ko.

Hindi ata niya na intindihan.

Kwinento ko sa kanya ang nangyari.

"Shit! Grabeng trahedya naman yan!" Reaction niya.

Natawa na lang ako sa reaction niya.

"Alam mo. Ngayon na lang ulit ako nakapagdagat. Actually kaming lahat. Laking trauma ng binigay samin eh." Pag open ko.

"Di bale madam makakahanap din kayo ng bagong husband na magpapaligaya ulit sayo." Ani niya.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong husband ka dyan? Wife kamo." Pagtama ko.

Humagalpak ako ng tawa dahil halos mabilaukan siya sa ice cream na kinakain niya.

"Baka nakakalimutan mo sinabi na ni Ran sayo na may Mama at Mommy siya." Paalala ko.

"Oo nga pala madam nakalimutan ko." Ani niya sabay kamot sa ulo.

"Tigilan mo yang madam na yan. Val na lang tawag mo sakin." Utos ko.

"Sige po Val." Nahihiya niyang sagot.

"Tanggalin mo din yang po na yan." Utos ko ulit.

Tumango tango lang siya.

Napuno na naman ng katahimikan sa pagitan namin.

"Ano po palang work niyo?" Pag uumpisa ni Wave ng topic.

"Sa ngayon nagmamanage ako ng mga business na iniwan ng asawa ko. Pero isa akong flight attendant." Sagot ko.

Our PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon