Val's POV
"HOY! VALENTINA MARTINEZ RAMIREZ GUMISING KANA DYAN ANONG PETYA NA!" Sigaw ni Jane sakin.
"Ingay talaga ng bunganga mo sarap busalan." Inis ko.
Babalik na sana ako ulit sa tulog ng bigla akong hampasin ng unan ni Jane.
"Talagang babalik ka pa sa tulog ah! 6 dapat nandun na tayo! Mag ayos ka na!" Utos niya sakin.
"Kayo na muna inaantok pa ko. Susunod na lang ako." Ani ko.
"Huy gagu ka ba? Anong oras ka ba natulog at puyat na puyat ka?" Iritableng tanong ni Jane.
Hindi ko siya sinagot sa halip ay tumayo na ako at pumunta ng banyo para mag ayos.
Nakaready na pala silang lahat ako na lang hindi.
Maski si Ran ready na din.
Hindi na ako naligo water activities naman kami ngayon kaya mamaya na pagbalik.
Naghilamos, toothbrush at nag ayos lang ako ng onti.
Pagtapos ko mag ayos nasa may pinto na sila at nandun na rin si Ari.
Nagtama ang mata namin at parehas namin hindi mapigilan tumawa.
Paano ba naman kami ang lalim ng mata niya halatang kulang sa tulog.
Ganun din siguro itsura ko kaya natawa rin siya.
"Tinatawa tawa niyong dalawa?" Pagtataka ni Jane.
"Wala." Maikli kong sagot.
Niwalang bahala na lang nila kami at nagsilabasan na kami sa Villa.
6 am to 9 am ang best time para magsurfing.
Kaya hindi na kami nagbreakfast dahil hinahabol namin yung oras.
Pinakain ko na lang ng biscuit si Ran habang nasa byahe para hindi siya magutom mamaya.
"Galing mo pala kumanta buddy ah!" Ani ni Jane kay Wave habang inaalog alog.
"Nandun nga pala kayo kahapon no." Ani ni Ari.
"Oo nga eh titig na titig ka pa nga kay- Aray! Ano ba yun?!" Sigaw ni Jane.
Kinurot ko eh. Walang ka preno preno yung bibig eh.
"Lalapit nga sana ako sainyo pero hinarang ako ni Tanya at na wala na din kayo agad." Ani niya.
"Ah yung yumakap sayo? Girlfriend mo?" Tanong ni Jane habang nakakalokong nakatingin sakin.
Nasa harap kasi ng van si habang nasa likod niya si Jane kaya hindi nakikita ni Ari ang kalokohan neto.
"Ay! Hindi ko siya girlfriend." Mabilis na sagot ni Ari.
"Bakit hindi? Sayang naman!" Sigaw ni Jane sabay tingin sakin.
Sinamaan ko lang siya ng tingin.
'Aga aga naninira ng araw.'
"Kaibigan ko lang naman siya." Explain ni Ari.
Nasa shotgun seat si Ari kaya hindi niya nakikita mga make face sakin ni Jane.
"Sus maniwala akong friends" Pangangasar ni Jane.
"Oo nga!" Natatawang sagot ni Ari.
"Straight ka?" Tanong naman ni Ash.
'Magjowa nga sila.'
"Hindi ko din alam eh. Finifigure out ko pa po." Sagot ni Ari.
"Ahh." Yan na lang nasabi ni Ash.
BINABASA MO ANG
Our Past
FanfictionReminiscing Our Past That I Will Never Forget. Book 2 of Our Paths