Chapter 13

148 9 2
                                    

Val's POV

"Woaaahhh!!!!! Uuwi na pala tayo bukass." Iyak iyakan ni Jane.

Nandito kami ngayon sa coconut tree view deck.

Makulimlim ang weather ngayon kaya okay lang kahit tanghali kami nandito.

Nagstop over lang kami saglit para magpicture pero patungo kaming Maasin River.

Dito din yung sinasabi nilang human drone.

"Tara na Val picture na." Aya sakin ni Ash.

Lumapit na ako sakanila dahil ako na lang pala hinihintay.

"Oh ikaw lika na dito." Turo ni Jane kay Ari.

"Nako hindi na!" Pagtanggi ni Ari.

"Pati ba naman sa pangalawang buhay tatanggi pa din sa pic." Saad ni Jane pero kami lang nakarinig.

"Tara na kaibigan ka na namin dali." Pilit ni Jane at hinila ang kamay ni Ari.

Pero hindi umalis si Ari sa pwesto niya.

"Nako hindi! Masyado akong out of the league sainyo." Saad ni Ari.

"Anong out of the league? Pinagsasabi mo dyan? Tara na." Pamimilit ni Jane.

"Mayayaman kayo. May mga napatunayan na kayo. Samantala ako ito lang. Paraket raket lang para magkapera." Saad ni Ari.

"Pinagsasabi mo dyan tanga? Tara na!" Pilit pa rin ni Jane.

Wala na nagawa si Ari at lumapit na.

"Hindi basehan ang estado sa buhay ang friendship Wave." Giit ni Ash pagkalapit samin ni Ari.

Tapatungo lang si Ari sa sinabi ni Ash.

'Kung alam mo lang na ikaw ang pinaka successful samin lahat.'

After namin nag picture bumalik na kami sa van para pumuntang Maasin River.

"Bakit Maasim River? Ano yun sinigang?" Pagtataka ni Jane.

Lahat kami humagalpak ng tawa sa sinabi ni Jane.

Seryoso pa siya sa pagtatanong.

"Maasin River tanga talaga neto." Pagtama ni Ash.

"Ahh.." Inosenteng sagot ni Jane.

"Mommy sleepy ako." Tawag sakin ni Ran.

Umusod ako para makahiga siya ng maayos.

"Huy! Hihiga ka pa eh malapit na tayo." Ani ni Jane.

"Ikaw lahat na lang inaasar mo. Pati bata walang konsiderasyon." Inis ko.

Nagmake face na lang si Jane at napunta na ang attention niya kay Ari.

"Ano nangyari dyan sa noo mo?" Curious ni Jane.

"Ang sabi ni mama na hulog daw ako sa bangka. Nabagok siguro ulo ko sa may parte ng bangka kaya nagkasugat." Sagot ni Ari.

Bigla humarap sakin si Jane.

"Bangka daw baka eroplano kamo." Bulong niya samin.

Natawa na lang ako sa itsura niya.

"Bakit sabi lang ng mama mo? Hindi mo maalala?" Tanong ulit ni Jane.

"Oo simula nangyari yung trahedya na yun wala ako maalala. Kahit ano wala talaga. Ang naaalala ko lang ngayon ang mga nangyari sa loob ng 2  taon." Explain ni Ari. 

"Ano kwinekwento sayo ng magulang mo after mo maaksidente? Like ano mga pinaalala nila sayo?" Tanong ni Jane.

"Interview yarn?" Side comment ko.

Our PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon