Chapter 58

158 9 6
                                    

Val's POV

"She asked me not you!" Wika ni Yanna.

"Anong ikaw? Ako kaya!" Sambit ni Ari.

Paano nag utos kasi ako na bilhan ako ng tubig.

Hindi ko naman expect na silang dalawa ang bibili.

'Akala ko pa naman tapos na ang beef ng dalawang to!'

Patuloy pa rin sila sa pagbabangayan ng dalawa.

Kinuha ko na lang yung tubig na hawak ni Ari.

"What about min-"

"Inumin mo yan! Hindi kita nakikita magtubig puro ka coke." Putol ko kay Yanna.

Masama ang loob ni Yanna habang binibuksan yung tubig niya.

Samantala si Ari nakangisi at taas noong nakatingin kay Yanna.

"Atleast she cares for my health." Pagmamayabang ni Yanna.

Nagmake face na lang sakanya si Ari.

Habang papunta kami sa Minion Park napadaan kami sa mga carnival games.

At itong dalawa nagpapayabangan.

Lahat ata dito nilaro nila.

Punong puno na ng toys yung stroller ni Ran.

"Hoy! Tama na yan! Tara na dun sa Minion Park." Pigil ko sakanila.

Pag punta namin sakto naman at may parade.

"Beh! Kamukha mo yun oh! Si Agnes" Tatawang sabi ni Jane.

Lahat kami na tawa sa sinabi ni Jane.

Si Ran lang hindi.

"Halika! Bili tayo costume ni Agnes!" Aya ni Jane sabay hawak kay Ran.

"No!!! Ayoko!!!" Sigaw ni Ran sabay hila ng kamay niya palayo kay Jane.

Pumasok na kami Despicable Me:Minion Mayhem.

Kaso bawal si Ran kaya hindi na kami na tuloy.

Sayang ganda pa naman sa loob.

Dumeretso na lang kami sa Jurassic Park.

Napukaw agad ng attensyon ni Ari at Yanna yung Flying Dinosaur na ride.

"Huy! Ayoko na ah!" Aniya ni Jane.

"Come on Jane! Don't be a coward!" Pilit ni Yanna.

"Bahala kayo dyan! Ayoko mamatay!" Paninindigan ni Jane.

Ayaw kasi nila na dalawa lang sila ang sasakay.

Remember may rivalry yang dalawang yan sa hindi malaman na dahilan.

"Sige na! Ako na ang sasama!" Pukaw ko sa attention niya.

Tinigilan nila si Jane at agad na lumapit sakin tila na nag aalala.

"Are you sure? You're not scared?" Pag aalala ni Yanna.

"Baka mapaano ka ah? Medyo mataas yung rides na to." Pag aalala naman ni Ari.

"Pag kay Val may alinlangan, pag sakin halos ikaladkad niyo na ko papasok sa ride! Napaka unfair ng mundo!" Maktol ni Jane.

"Hindi naman ako takot sa ganyan. Wag kayo mag alala." Paninigurado ko.

"No we will just force Jan-"

"Hindi na! Tara na!" Putol ko sa sasabihin ni Yanna at hinila ko na silang dalawa.

Lumingon ako kay Jane at nagthank you siya pero walang boses.

'May kapalit to kala mo!'

Buti na lang apat yung seat kada row kaya hindi na sila mag aagawan kung sino tatabi sakin.

Our PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon